Caela's POV
“WITH HIGH HONORS, Montecillo, Caela Freilize A,” anunsyo ng Emcee sa seremonyas at nagsimula nang magpalakpakan ang mga tao rito sa loob ng gymnasium nang magmartsa na ako.
Kinamayan ko lahat ng mga opisyales ng eskwelahan nang ibigay sa akin ang medalya ko. Nakangiting sinabitan ako nina Mama at Papa at sabay kaming nagbow.
Oo, umuwi si Papa.
Nagulat nga ako nang makita ko si Papa na papalapit sa amin ni Mama bago kami umalis ng bahay. Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ko no’ng mayakap ko si Papa. Umiiyak akong niyakap siya kanina kaya ngayon ay medyo hindi maayos ang makeup ko dahil sa mga luha ko. Worth it naman ang mga luha ko dahil nakita ko na si Papa.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang pag-uwi ni Papa galing Saudi. Ni wala nga siyang binaggit sa amin—o sabihin na nating sa akin lang kasi alam ni Mama ang tungkol dito—na uuwi siya ngayon. Akala ko sa susunod na taon pa ang uwi niya kaya sobrang nagulat ako no’ng nakita ko ulit siya.
Natapos na ang seremonyas at ang ibang tao roon ay nagsisi-uwian na. Kami na lang ng barkada ko at ang pamilya namin ang nandito sa gymnasium. Si Sigmund lang ang dumalo dito kasama ang parents niya, ‘yong dalawa niyang kapatid ay didiretso na lang sa bahay dahil nakaroon daw ito ng biglaang meeting sa kompanya. Kaniya-kaniya kaming kuha ng mga litrato at si Sigmund ang ginawa naming photographer.
“Sis, pogi ‘yang photographer mo a? Pinsan mo?” bulong sa akin ni Kris.
“Oo,” sagot ko.
“Hala, ano ang pangalan niya?” tanong ni Kyla.
“Siya si—”
“Hi ladies, I’m Sigmund Axe Montecillo, Caela’s cousin.” I rolled my eyes when he suddenly spoke out.
“Ladies raw? Yiiee!” tili nilang lahat.
“Gaga! May mga jowa na kayo! Layo-layo rin paminsan-minsan,” biro ko.
“E sa nagwa-gwapuhan kami sa kaniya e.” Singgit ni Marie.
“Baka magselos ang mga jowa niyo at bugbugin pa ‘tong pinsan ko?” natatawang puna ko.
“’Di lang nagkajowa, ganyan ka na?” pabirong sambit ni Fatima at nauwi na lang sa tawa ang pag-uusap namin.
“Caela, uuwi na tayo,” napawi ang mga tawa namin at napatingin doon sa nagsalita, si Papa pala.
“Hello po Tito, welcome back po,” bati ng mga kaibigan ko.
“Salamat mga hija. Punta kayo sa bahay a?”
“Opo!” sagot nila.
“Sige mauuna muna kami sa inyo a.”
“Sige po, susunod po kami.” Nnagpaalam na kami sa isa’t-isa.
~*~
“Tuloy po kayo,” bungad ko sa mga bisitang inimbita namin.
“Congrats hija,” bati ng ilan.
Tumawa ako ng mahina. “Salamat po, pakabusog po kayo.” Ngiti lang ang sinukli nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...