Chapter 3

35 6 0
                                    

Caela's POV

NASA computer laboratory kami ngayon para sa pictorial shoot namin. Isa ito sa mga mahalagang bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin lalo na’t malapit na kami grumaduate. Puspusan ang lahat sa pag-aayos at pagkuha ng litrato ng iba ko pang kaklase. Nauna nang picture-an sina Fritz, Marie, at Kyla, kami naman ni Fatima ay inaasuyan pa. Habang inaayusan ako ay naalala ko yung nangyari kagabi.

“Caela, bakit amoy sunog ‘tong bahay natin?” tanong niya nang makapasok siya ng bahay galing sa palengke. May hawak siyang isang supot na naglalaman ng lechon manok. Halata kasi sa foil kaya masasabi kong lechon manok ang binili ni Mama.

“Ma,” nakayukong sambit ko habang nilalaro ang mga daliri ko.

“’Wag mong sabihin na nasunog na naman ang sinaing ko?”

“Opo.” Napakagat-labi na lang ako.

“Hay anak.” Napahawak siya sa kaniyang sentido. “Nasunog rin ‘yong kanin kagabi. Ano ba kasing pinag-gagawa mo at hindi mo nabantayan ang sinaing?”

“Nag-c-cell—”

“Cellphone na naman?” I heard her deep sigh. “Limitahan mo na nga ‘yang paggamit ng cellphone mo. Alam mo bang nakakaapekto ‘yan sa mata, pag-aaral at pag-iisip? Kaya hindi ka nag-abalang bantayan ang sinaing e dahil d’yan sa kaka-cellphone mo,” puna niya. Nagui-guilty tuloy ako sa nangyari.

Minsan lang akong pagsabihan ni Mama dahil sa mga kasalanan ko pero sagad kung magalit ‘yan. Parati na rin akong napapagalitan ni Mama at kailangan bawas-bawasan ko na ‘yon para hindi na rin mastress si Mama.

“Sorry, Ma,” pagpaumanhin ko.

“Alam kong nagsisisi ka na sa ginawa mo base riyan sa mukha mo ngayon. Nagmumukha kang pangit,” biro niya at humalakhak pa ito.

“Mama naman e,” sabi ko sabay nguso.

“Pinapatawa lang kita, anak. ‘Wag mo na ulit gagawin ‘yon, huh?” Tumango ako. “Sabagay, masarap naman kainin ang sunog na kanin e.” Tumawa siya kaya natawa rin ako.

Pagkatapos no’n at inaya na niya akong kumain ng hapunan. Habang kumakain kami, nakaramdam ako ng guilt. Na-gui-guilty ako dahil naging pabaya ako. Na-gui-guilty ako dahil hindi ko sinunod ang utos niya. At na-gui-guilty ako dahil dumagdag pa ako sa mga problema niya. Kahit gano’n ay pinapatawad niya pa rin ako.

●What if #128: What if masaya na lang kami lagi?●

Posted!

“Caela! Ikaw na susunod!” Natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Fatima dahil ako na ang susunod. Ni hindi ko nga namalayan na tapos pala akong ayusan.

“You’re Caela?” tanong ng photographer.

“Yes po.”

“Nice name, sit down and smile, hija,” wika nito at sinunod ko naman siya. Itinaas niya ang kanang kamay at sinyales ‘yon para magready na.

Nakailang shots at palit ng damit ang ginawa ko. Nakakapagod pero masaya naman.

Friday ngayon at wala kaming klase dahil busy ang lahat sa nalalapit na graduation exercises rito sa school. Pictorial lang ang ginawa namin sa araw na ito pero hindi ito naging madali dahil marami rin kaming kinunan ng litrato mula sa iba’t-ibang strand.

Alas tres ng hapon nang natapos ang pictorial. Maaga kaming pinauwi ngayon dahil maaga natapos ang pictorial. May binigay sa akin si Fritz na papel at naglalaman ‘yon ng mga listahan ng gra-graduate. Sabi niya, ako na daw ang tatapos at i-finalize para maging maayos ang lahat. Tinanggap ko naman ‘yon dahil wala naman akong gagawin sa bahay. At least nakatulong pa ako.

Nasa jeep na ako at pauwi na. Nakakapagod din ang araw na ito. Pictorial lang ang ginawa namin pero napagod pa rin ako. Nakauwi na ako at may nakita akong pamilyar na pigura sa tapat ng bahay namin. May kalsada sa pagitan ng bahay namin at isang barber shop naman sa tapat at dito ko rin nakita ang pamilyar na pigura ng tao.

Same bike. Same body figure. Same hairstyle.

Teka…

Siya ‘yong crush ko! Siya ‘yong lalaking nakabangga sa akin kahapon. Magkapitbahay lang pala kami. ‘Pag sinuswerte ka nga naman.

Mabilis akong nagtago sa gate namin at mabuti na lang at hindi niya ako nakita.

Saan kaya siya pupunta? Bakit ba ako nagtatago rito?

“Magkapitbahay lang pala kami. Nice,” nakangiting sambit ko sa sarili. Kilig at saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

I grabbed my phone out of my pocket and typed.

●What if #129: What if hindi kami magkapitbahay?●

Posted!

●What if #130: What if alam ko ang pangalan niya?●

Posted!

Nagbihis ako pagkatapos no’n at nagtungo ako sa terrace para gawin ang pinapagawa sa akin. Nagdala ako ng meryenda at dinala ko rin ‘yong papel na binigay sa akin ni Fritz kanina.
Hindi ako maka-focus sa ginagawa ko dahil lagi lang akong nakatingin sa bahay nila, umaasang darating siya. Nakadungaw ako sa terrace nang bigla akong napatayo dahil nakita ko siyang kakauwi lang galing sa kung saan at may dalang isang supot na naglalaman ng—sa tingin ko ay—tinapay. Uminit agad ang pisngi ko nang lumingon siya sa gawi ko, at mabilis pa sa alas kwatro na iniwas ko ang paningin ko.

Matapos no’n ay sinusubakan kong atupagin ang pinagagawa sa akin pero hindi tumitigil ang mga mata kong tignan ang bahay nila. Hindi rin tumitigil sa pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

Jusko naman, paano ba 'to matitigil?

---

Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon