Chapter 10

23 4 0
                                    

Caela's POV

HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa malungkot na mga mata ni Jil and he did the same. He’s sad, I can feel that. But, why?

Agad akong umalis sa terrace at lumabas ng bahay. Naghihintay na magpagkita siya para makapag-usap kami. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang lumabas ng bahay at naglalakad papunta sa direksyon ko. Naalarma ata siya sa biglang pag-alis ko sa terrace kaya niya ako sinundan.

“Hey,” bati ko nang nasa harapan ko na siya. Nakasuot lang siya ng black sweater at beach shorts. Nahiya ako sa suot kong white t-shirt at cotton shorts.

“Hey,” ganti niya at ngumiti. Halatang malungkot nga siya dahil sa paraan pa lang pagngiti niya ay alam kong pilit lang ‘yon.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako umimik at nangangapa ng mga salitang maaari kong sabihin sa kanya.

“K-kumusta?” nauutal kong tanong. I can feel the tension between us, kahit wala naman kaming ginagawa. He’s serious yet he’s sad.

“Okay lang. Ikaw? Ilang araw ka ring hindi nagpakita.”

I hate this. I really hate this. Ayoko ko siyang nakikitang malungkot. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa kong pag-iwas sa kanya.

“I’m sorry. I shouldn’t do that.” Napayuko na lang ako. Hindi ko kayang tignan siya sa mata, natatakot ako.

Hindi siya umimik. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko na naman ang malungkot niyang mga mata. I really hate this.

Naghihintay ata siya sa susunod ko pang sasabihin kaya nagtuloy-tuloy ako.

“Kaya lang ako umiiwas sa iyo kasi hindi ako sanay na,” huminto ako. Parang may bumabara sa lalamunan ko. “Na wala ka rito. Y-you know, aalis ka kasi. I got easily attached sa mga taong malapit sa akin at isa ka na roon kaya ganoon ang ginawa ko. Sinasanay ko lang kasi ang sarili ko. I’m sorry kung nahirapan ka ng dahil sa akin. It wasn’t my intention. Gusto ko lang talagang masanay.” I gave him a small smile.

Mabibigat na rin ang paghinga ko. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib kasi tapos na. Nasabi ko na. Alam na niya ang dahilan.

“I’m sorry,” sambit niya.

“No, you don’t have to say sorry. It’s your choice not mine.”

“I’m sorry pa rin. Hindi ko alam na ganoon pala ang mararamdaman mo kapag aalis na ako. Sana hindi ko na lang sinabi.”

“No, it’s fine. Tinanong ko naman e at sinagot mo lang,” puna ko.

Nagmumukha tuloy siya ang may kasalanan imbis na ako. Siya itong sorry nang sorry, na dapat ako ang gagawa kasi ako ang umiwas.

“Anyway, ‘wag mo nang isipin ‘yon. Ayos lang ako.” Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na ayos lang ako, kahit na hindi.

I don’t want him to feel sad. Kasi kapag malungkot siya, malulungkot rin ako. Gusto ko masaya lang. Ganoon naman talaga ang buhay, dapat masaya lang.

“Caela?”

“Yes?”

Humakbang siya ng isa papalapit sa akin. Hindi man lang ako makagalaw at nanatili lang sa kinatatayuan ko.

“Bilang pambawi, gusto kong lumabas tayo. Pumunta tayo sa lugar na hindi ko pa napupuntahan para madali ko lang ito maalala sa oras na bumalik ako rito. Ano, gusto mo ba?” Biglang sumigla ang mukha niya at ngumiti pa ito. Hindi na pilit, purong ngiti na.

Ngumiti rin ako. “Sige.”

Matapos no’n ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa dahil lumalalim na rin ang gabi. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko at hanggang sa pagtulog ko ay nakangiti pa rin ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. At dahil maaga akong nagising ay maaga rin akong nag-ayos sa sarili ko. Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

Siya pa lang ang unang lalaking nagyaya sa aking lumabas. Kaya ganoon na lang ang saya ko nang yayain niya ako kagabi.

Maybe this is the first and last. 

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at bumungad sa akin ang nagtatanong tingin nina Mama at Papa. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila ang tungkol dito.

“O, saan ka pupunta?” tanong ni Mama

“Bihis na bihis ka anak a, saan ang binyag?” pabirong tanong ni Papa at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Mama.

Nasa kusina sila kaya rito na rin ako dumiretso. Nakita ko silang nagluluto ng agahan. Ang sweet nilang tignan sa lagay na ‘yan.

“Aalis po ako kasama si Jil,” sagot ko.

“Ano?"

"Aalis po—”

“Si Jil ba ‘yong lalaking palaging nagtatanong sa akin no’ng nakaraang araw?” nakangising na tanong ni papa. I know that smile. Tumango ako.

“Bakit kasama mo si Jil?” tanong naman ni Mama. Alam ko na talagang sasabunin nila ako ng tanong e, buti na lang handa ako.

“Uuwi na po kasi siya ng probinsya sa katapusan kaya inaya niya akong lumabas para naman daw may maalala siya kapag na bumalik siya rito,” sagot ko.

Tumango-tango si Mama. “Mabuti naman kung ganoon.”

“Ano ba kayo ni Jil, anak?” diretsong tanong ni Papa. Natigilan ako.

Ano ba kami?

“Magkaibigan po,” mahinang tugon ko.

Nagtinginan sina Mama at Papa. Haist. Alam ko na ang mga tingin na ‘yan.

“Kaibigan ko lang po talaga si Jil,” dagdag ko.

“Wala naman kaming ibang sinasabi a?” sambit ni Papa.

“Alam ko na po ang mga tingin na ‘yan.” Napasapo na lang ako sa noo ko.

Hindi na sila nagsalita pero ramdam ko pa rin ang mga kakaibang tingin nila. Pumayag rin sila na lumabas kami ni Jil. Kumain na rin ako dahil baka naghihintay na si Jil sa labas. Nakakahiya naman.

Nang matapos ako ay sila mismo ang naghatid sa akin sa labas. Nakita ko agad si Jil na naghihintay sa labas ng bahay namin.

“Ingatan mo itong anak ko a. Pasaway pa naman 'to minsan.”

“Caela, ‘wag magpapagod. Alam mo na ‘yan.”

Bilin nila sa amin at sabay naming sinang-ayunan iyon.

“Diyan kami mag-aaral ng mga kaibigan ko,” sambit ko sabay turo sa SJU campus na malapit lang sa mall.

Halos naikot na namin ang buong lugar sa kakapasya at ang mall ang huling destinasyon namin. Kitang-kita namin dito ang SJU campus kaya tinuro ko na lang sa kanya.

Kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. Kung d’yan ka sana mag-aaral mas sasaya ka pa.

“Anong masasabi mo?” tanong ko.

“Ang laki ng campus. Alam kong mawawala ka sa unang araw ng pasok sa sobrang laki n’yan,” sambit niya. Pinalo ko tuloy siya sa braso. Tumawa naman siya nang sinamaan ko siya ng tingin. “Joke lang,” pagbabawi niya.

Imbis na harapin ang kalokohan niya ay inaya ko na lang siyang kumain sa isang restaurant dahil nagugutom na ako. Mabilis kaming nakahanap ng table. Marami ring kumakain dito at nakikita ko pa rito ang mga kakilala ko sa school.

“Masaya ka ba sa huling tour natin?” tanong ko. Tumango naman siya kasi ngumunguya pa ito.

“Babalik ka pa naman ‘di ba?” Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya 'yon.

“Oo, sa pasko,” sagot niya at tumango lang ang naging ko.

Ilang araw na lang ay aalis na siya. Parang hindi ko pa rin kaya. Napaghandaan ko naman ito pero parang ang lungkot pa rin. Mawawalay siya sa akin ng pansamantala.

“Uy, ‘wag ka nang malungkot.” Pag-aagaw niya ng pansin sa akin kasi kanina pa pala akong nakatulala.

“Hindi ko pa rin maiwasan.” Binigyan ko siya ng isang hilaw na ngiti.

“Babalik naman ako e.”

“Sabi mo ‘yan a?” tanong ko. Naninigurado lang.

“Oo naman.” Ngumiti siya at napangiti na rin ako.

Dumating ang gabi at pauwi na kami ni Jil. Nag-aabang kami ng taxi pauwi at kung mamalasin ka nga naman, wala masyadong taxi ang dumadaan dito. Naghintay pa kami ng ilang minuto at wala pa rin. Kainis!

Napahawak ako bigla sa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga. Pinapalo ko nang mahina ang dibdib ko at nahihirapan pa rin ako sa paghinga. Inaatake na naman ako ng asthma ko.

Hindi ko nadala ang inhaler ko kasi akala ko hindi ako aatakehin nitong sakit ko pero nagkamali ako. Napansin ata ni Jil ang ginagawa ko kaya bigla siyang nataranta.

“Uy, ayos ka lang?” tanong niya. Hindi ako makasagot kasi mawawalan na ata ako ng hangin kapag nagsalita pa ako.

Hindi ko na kaya.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig.

And everything went black.

Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon