Caela's POV
“BYE, GIRLS!” I bid goodbye as they went out to the pizza restaurant.
Kaniya-kaniya silang sumakay sa mga kotse nila at ako na lang ang natitirang nakaupo sa table namin. Bakit ako nagpaiwan? Hindi ko rin alam.
I received a text coming from Rinne, my secretary.
Rinne:
‘Wag mong kalimutan ang booksigning mo bukasCaela:
Yeah
Thanks
Muntik ko nang makalimutan na may booksigning pala ako bukas. Mabuti na lang at pinaalala sa akin ni Rinne. Pagkatapos no’n ay umalis na ako agad. Nag-aabang ako ng taxi pauwi at sakto naman dahil may biglang huminto sa harap ko kaya sumakay na ako.
It’s been 10 years.
Sampung taon na rin ang lumipas mula noong nangyari ‘yon. At kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ko talaga nakakalimutan ang pangyayaring ‘yon. Parang nakaukit na siya sa utak ko at ayaw nang mawala.
●What if #1046: What if naging totoo ‘yon?●
Posted!
Ano kaya ang mangyayari sa akin ngayon?
Mabilis akong nakarating sa bahay at naabutan kong natutulog si Mama sa puting couch. Nakatulog ata sa paghihintay sa akin. I smiled.
Hinalikan ko na lang siya sa noo at umakyat na sa taas. Ayoko nang gisingin si mama kasi sobrang himbing na ng tulog niya.
Bago pa man ako makapasok sa banyo para maligo ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon at nakita kong tumatawag ang pinsan kong si Sigmund.
“Oh? Napatawag ka?” Bungad ko agad sa kanya.
“Busy ka ba bukas? Sabado naman e.”
“May booksigning ako. Bakit?”
“Yayayain ka sana naming maglunch.” Alam kong nakangisi na siya ngayon. Palagi naman e.
“Namin? Sinong kasama mo?”
“Si Abbi Gayle at ang kaibigan ko.”
May binabalak na naman ‘to.
“Naku, Sigmund huh, alam ko na ‘yang binabalak mo.”
“What? Look, sampung taon ka na ring single at ngayon may stable na trabaho ka na. Why don’t you just hang out with my friends? Tutal single ka naman,” suhestiyon niya.
Sinasabi ko na nga ba.
Ilang taon na rin akong kinukulit ni Sigmund na makipag-date sa mga friends niya para raw magkaroon na ako ng boyfriend. Ni isang beses ay hindi ako sumisipot. Kaya kapag nagyaya siya ay tinatanggihan ko agad. Hindi ko lang type ang mga ganyan. At saka nahihintay naman ang pag-ibig e. At natuto na ako.
“Busy ako bukas,” sagot ko.
“Tumatanggi ka na naman,” giit niya. Alam kong nakanguso na siya ngayon. Sarap hatakin ng nguso e.
“May booksigning nga ako bukas. Kulit nito.”
“Hindi ba pwedeng pagkatapos ng booksigning mo?” Pangungulit niya.
“Hay naku, Sigmund.” Napabuntong-hininga na lang ako.
“Okay, I give up. Sa susunod na lang.” Pagsuko niya kaya napangiti ako.
“Sige na. Pakikumusta mo na lang ako kay Abbi Gayle,” nakangising sambit ko kahit hindi naman niya nakikita.
“Osiya siya. Bye!”
“Bye!”
~*~
Marami ang dumalo sa booksigning ko. Ginanap ito rito sa loob ng isang kilalang bookstore. Marami na ang nakapila para magpapirma sa akin. At marami rin ang gustong kumuha ng litrato kasama ako.
Ganito na talaga ang buhay ko bilang isang published author. Hindi magkamayaw ang mga booksignings na dinadaluhan ko.
Noong nakaraang limang taon lang ay nagpakilala na ako sa madla. At doon ako mas nakilala dahil sa successful blog ko.
Ang Monaliza’s_WhatIf’s na dati ay nakikita lang sa blog ko, ngayon ay naging published book na. Mula noong lumabas ito sa mga bookstores ay marami ang bumili. Ngayon ay busy ako sa pagpirma ng mga librong binili nila.
“Hi po!” bati sa akin ng isang menor de edad na babae.
“Hello!” nakangiting sambit ko. Sinimulan ko na ang pagpirma ng libro at nang matapos ay nagtanong siya.
“Monaliza po ba ang totoong pangalan niyo ate?”
“Naku, hindi po,” natatawang sambit ko at pati siya ay natawa rin.
Busy ako sa pagpipirma at nang babatiin ko na sana ang susunod na attendee ay kusang dumako ang mga mata ko sa lalaking pamilyar sa akin.
Si Jil ba ‘yon?
Nakatayo ‘yong lalaki sa labas ng bookstore at nasa likod lang siya ni Rinne na busy sa pagtitipa sa cellphone niya. Kalaunan ay umalis na rin ‘yong lalaki at hindi ko na lang pinansin ‘yon.
Imposibleng makikita ko siya e sa panaginip ko nga lang nakita ‘yong tao e.
Matapos ang mahabang araw sa pagdalo sa booksigning ay kasama ko ngayon si Rinne at patungo kami sa cafè para bumili ng milktea.
“Kumusta ang araw?” Tanong niya sa akin.
“Ganoon pa rin, nakakapagod.”
Si Rinne ang secretary at isa sa mga solid supporter ko. Palagi ko siyang kasama sa tuwing may booksigning ko kaya hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong bagay.
“Sabagay, ganoon naman talaga,” sambit niya bago kami nakapasok sa cafè.
Naunang pumila si Rinne kaya sinundan ko na lang siya para makaorder na rin. Habang pumipila ako ay nahagip na naman ng mga mata ko ‘yong lalaking nakita ko kanina. Paalis na siya sa cafè kaya umalis din ako sa pila para sundan ‘yong lalaki.
“Caela!” sigaw ni Rinne pero hindi ko siya pinansin.
Sinundan ko ‘yong lalaki. Gusto ko lang makita ang itsura niya, baka kasi namalik-mata lang ako. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha ‘yon sa bag habang sinusundan pa rin ‘yong lalaki.
May nagtext sa akin kaya huminto muna ako sa paglalakad para basahin at magreply roon sa nagtext sa akin. Nang matapos ay tumingin ako sa paligid. Nasa gitna ako ng mall at hindi ko na nakikita ‘yong lalaking sinusundan ko!
Pag minamalas ka nga naman oh!
Palinga-linga ako sa paligid pero imbis na ‘yong lalaki ang nakita ko ay si Rinne ang bumungad sa akin.
“Bakit mo ‘ko iniwan doon?” humihingal na tanong niya.
“May sinusundan kasi ako.”
“Sino?”
“Si J-jil,” halos pabulong na sagot ko.
“Si Jil? E hindi naman totoo ‘yon e. Paano mo siya nakita rito?”
“Ewan ko. Pero kamukhang-kamukha niya si Jil.”
“Ang sabihin mo namamalik-mata ka lang,” sambit niya at napayuko na lang ako.
“Siguro nga.” Nagbuntong-hininga ako.
“Mabuti na lang at binilhan kita ng milktea,” sambit niya sabay inabot sa akin ang milktea na binili niya.
“Uwi na tayo?” pagyayaya ko at pumayag naman siya.
Siguro nga namamalik-mata lang ako.~*~
“Good morning, Ma’am.”
“Good morning, Miss Montecillo.”
Bati nila sa akin nang makapasok ako sa bangkong pinapasukan ko. Binigyan ko lang sila ng isang ngiti bago nagtungo sa opisina ko.
“Any appointments for today?” tanong ko kay Rinne nang makita ko siyang papalapit sa akin.
“Wala po, Ma’am.” Mabilis na sagot niya. Minsan natatawa na lang ako kapag tinatawag niya akong Ma’am. Masyadong pormal pero kailangan dahil nasa trabaho kami.
“Good.”
“Uhm, Ma'am?”
“Yes?” I gave her a questioning look.
“Nagyaya po kasi silang mag-lunch kasama kayo, okay lang po ba sa inyo?” tanong niya at hindi na ako nagdalawang-isip na tumango.
“Sure, no problem.”
Busy ako sa pagpipirma ng mga dokumento nang may natanggap akong e-mail galing sa boss namin. Pinapahanap niya sa akin ang file noong nakaraang buwan kaya nagsimula na akong maghanap.
Tumawag si Rinne sa cellphone ko kaya mabilis kong sinagot ‘yon. Akala ko mamaya pa kami kakain? Nagmamadali ata sila.
“Ma'am?”
“Yes?”
“May appointment po kayo ngayon mismo,” sambit niya mula sa kabilang linya.
“What? Akala ko walang appointment ngayon?” Nagtatakang tanong ko.
“Urgent po kasi ito at mukhang importante po.”
“Okay, papuntahin mo na lang dito sa office ko.”
“Sige, Ma'am.”
Binaba ko na ang tawag at tinuloy ang ginagawa.
“Nasaan na ba kasi ‘yon?” tanong ko sa sarili habang hinahalungkat ang bookshelf ko.
Iniisa-isa ko ang paghahanap ng files. Nagsisimula na akong mainis dahil hindi ko pa rin mahanap ang files na pinapahanap sa akin. Nag-iisa lang naman ‘yon pero bakit ang hirap hanapin?
Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto ko at alam kong ito na ‘yong ka-meet ko.
“Come in,” sambit ko nang hindi tumitingin sa pinto.
“Are you Miss Caela Freilize Montecillo?” tanong ng isang lalaki.
“Yes, I am,” sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Nakatalikod ako sa lalaking kausap ko ngayon. Bastos na kung bastos pero kailangan ko munang hanapin ang file na ‘yon.
Nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay dahan-dahan akong lumingon. “What can I do for yo—” Natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nabitawan ko rin ang dokumento na hawak ko lang kanina dahil sa gulat.
Totoo ba itong nakikita ko? Namamalik-mata lang ba ako?
Same face. Same body figure. Same hairstyle.
Biglang bumuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.
Imposible.
“J-jil?” I asked.
But he just smiled.
-The End-
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...