Caela's POV
“SIS.” Natauhan ako nang bigla akong tapikin ni Fatima sa braso.
“Oh, bakit?” tanong ko rito.
“Kailan ka na ba magkaka-boyfriend?” ani Fritz, isa sa mga kaibigan ko. I froze.
Binuksan ko ang blog ko at nagtipa.
●What if #124: What if magkaroon na ako ng boyfriend?●
Posted!
“Hindi ko alam,” puna ko.
“Sis, ikaw lang ang wala pang jowa sa ating lahat.”
“Oo nga,” sang-ayon ng iba ko pang kaibigan.
NBSB ako at napag-iwanan na ako ng panahon dahil ako lang ang natitirang single sa aming magkakaibigan. Uhaw na uhaw na rin akong magka-boyfriend sa totoo lang.
●What if # 125: What if ako ang nasa posisyon nila?●
Posted!
“E, wala namang nagkakagusto sa akin e.”
“Wala raw? You're pretty, smart and thoughtful. Nasa sa iyo na ang hinahanap ng mga lalaki, tapos ikaw lang ang nga-nga,” ani Kris, kaibigan ko rin.
“Hindi ko nga rin alam. Sa totoo lang, uhaw na uhaw na akong magka-boyfriend.”
“Hindi naman minamadali ang love e,” singit ni Kyla sa usapan at napangiwi na lang sila sa sinabi nito.
“Says who? Ni ikaw nga ‘tong pinilit mo lang paibigin ang jowa mo e.” Humalakhak si Kris.
“Uy, hindi naman,” depensa ni Kyla.
“Mabalik tayo sa ‘yo,” Bumaling sa akin ni Fatima. “Wala ka bang balak magka-boyfriend? I mean, nasa tamang edad naman na tayo kaya wala nang dapat ipag-alala.”
“Sinabi ko naman kasi sa inyo, gustong-gusto ko na.”
“Bakit hindi ka maghanap tapos gawan mo na agad ng first move?” tanong ni Kris.
“Wow? Babae pa talaga ang gagawa no’n a?” Biglang tumaas ang kilay ko at napangiwi na lang habang nakaharap ako sa kaniya.
“Kung maaari,” huling sinabi niya bago ako bumanat.
“Hindi naman ako pangit para iwasan ng iba.” Bumuntong-hininga ako. “May kulang ba sa akin? Sagutin niyo ako!” I exclaimed at napatingin naman sa amin ang iba naming kaklase. Binigyan ko na lamang sila ng isang hilaw na ngiti.
“Wala!” they yelled. Napabuntong-hininga na lang ako.
Wala naman akong pagkukulang pero bakit ako pa ‘yong wala? Siguro, hindi pa ako ready? Hindi pa ako handang mag-commit sa isang relasyon. Hindi pa ako handa sa anumang consequences na ma-e-encounter namin kung sakali man.
Sisihin mo sarili mo.
Kakatapos lang ng klase namin at ngayon ay nasa bahay kami ni Fritz. Gumagawa kami ng listahan ng ga-graduate para sa darating na Graduation Exercises namin. Isa ako sa mapalad na estudyante na gagawaran ng medalya dahil kabilang ako sa honor’s list. Medyo mahirap ang taon na ‘to dahil babad kami sa mga lessons namin dahil nga graduating students kami ng Senior High School. Kahit na babad kami sa lessons, nagagawa pa rin naming gumala.
Limitado lang ang paggala ko. Maliban sa strict kong parents ay pinagbabawalan din akong mapagod dahil may asthma ako. Medyo nahihirapan ako pero keri naman. Patapos na kami sa aming ginagawa nang mag-aya si Fatima na gumala ulit pero tumanggi ako at naiintindihan din naman nila kung bakit. Ang totoo, tumanggi ako dahil medyo pagod na rin ako sa school activities kanina.
Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay namin dahil walking distance lang naman ang bahay ni Fritz sa bahay namin. Dala-dala ang librong nasa kabilang kamay ko ay nakaramdam ako ng paghirap sa paghinga. Inaatake na naman ako ng asthma at pangalawa na ito ngayong araw dahil kaninang umaga rin ay inatake ako.
Pilit kong hinahanap ang inhaler ko sa hand bag na dala ko. Kahit nahihirapan akong hanapin ang inhaler ko dahil sa mabigat na librong hawak ko ngayon ay pilit ko pa ring hinalughog ang hand bag ko nang hindi lumilingon sa nilalakaran. Nahihirapan na talaga akong huminga.
Nasaan na kasi ‘yon?
Nang mahanap at makuha ko na ang inhaler ko ay bigla na lang akong natumba dahil bumangga ang braso ko sa dumaang bisikleta at naging dahilan ‘yon para bumagsak ang hawak kong libro at ang inhaler ko.
“Aray!” sigaw ko.
Agad akong tumayo at lumingon para tignan ang bisikletang nasa likuran ko. Kahit nahihirap na ako sa paghinga ay pinulot ko pa rin ang mga librong nagkalat sa kalsada. Tumulong rin ‘yong lalaking nakabunggo sa akin sa pagdampot ng mga librong nahulog pati na rin ang inhaler ko.
“Sorry, Miss,” aniya. Infairness ang cute ng boses niya. Nilingon ko siya at sandaling natigilan.
Grabe! Ang gwapo naman ng nilalang na ‘to!
I shook my head and I realized that I forgot to take my inhaler on his hand. He was shock when I suddenly stole my inhaler from his bare hands. Tumalikod ako at pinasok ang inhaler sa bibig ko. Ilang sandali pa ay nakahinga na ako nang maluwag.
“Miss, pasensya ka na sa—”
“Okay lang.” I cut him off without looking at him.
Agad kong kinuha ang mga libro na nasa kamay niya. May napansin ata siyang kakaiba na naging dahilan para kumunot ang noo nito.
“Miss, dumudugo ‘yong braso mo.” Sabay turo niya sa braso ko.
“H-huh?”
“Dumudugo ‘yong braso mo,” pag-uulit niya at doon pa lang ako natauhan.
“Ano?” I yelled. Mabilis kong tinignan ang braso ko at dumudugo nga ito.
“Miss, dadalhin na kita sa ospital,” puna niya at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
“Kaya kong gamutin ‘to nang mag-isa. ‘Wag mo na akong aalahanin.”
Hindi siya sumagot pero kinikitaan ito ng pag-aalala base sa mukha nito. I sighed and smiled at him. “Mauna na ako,” I said and I left him dumbfounded.
Habang naglalakad ako palayo ay parang naramdaman kong lumalakas ang tibok ng puso ko. Ano ‘to?
●What if # 126: What if ready na ako?●
Posted!---
Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...