Chapter 4

40 5 3
                                    

Caela's POV

NANG matapos ako sa ginagawa ko kanina ay nagtungo ako kusina at nagluluto ng paborito niyang ulam para surpresahin si Mama at para makabawi na rin sa kanya. Nagluluto ako ngayon ng giniling, paborito kasi namin ito ni Mama. Nagsaing na rin ako at patapos na akong magluto nito. Tinikman ko muna ang niluluto ko at tumango-tango bilang sinyales na luto na ito bago nilagay sa plato.

Pasado alas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Mama. Dapat ngayon ay nandito na siya. Naisipan kong tawagan siya pero hindi naman niya sinasagot. Naghintay lang ako nang naghintay, halos naluluha na ang mga mata ko sa kakadilat.

Alas diyes na pero wala pa rin si Mama at inaantok na ako. Kanina pa ako tapos kumain dahil habang naghihintay ay dinalaw ako ng gutom kaya naisipan kong kumain na lang. Napagdesisyunan ko na ring matulog dahil inaantok na talaga ako at hindi na kaya ng mga mata ko.

Nang makahiga ako ag nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Hindi man lang niya natikman ang niluto ko. Naglaan pa naman ako ng oras para lang lutuin ‘yon pero ngayon…hay.

Sabado ngayon at maaga akong nagising dahil may practice kami ngayon para sa graduation exercises namin sa paparating na lunes. Habang nag-uunat ako ng braso ay biglang umilaw ang cellphone ko. Tumatawag si Mama. I click the green button and I lazily put my phone to my ear.

“Hello?”

“Anak? Mabuti naman at gising ka na. Pasensya ka na kagabi dahil hindi man lang kita nasabayang kumain. Ginabi kasi ako ng uwi dahil nag-OT ako. Marami kasing pasyente e. Naabutan na kitang tulog pag-uwi ko pero natikman ko ‘yong ulam kagabi. Sobrang sarap, ikaw ba nagluto no’n, anak?” mahabang puna niya sa kabilang linya.

“O-opo,” pagkasabi ko no’n ay may tumakas na luha mula sa mga mata ko at agad ko naman ‘yon pinunasan gamit ang palad ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak sa mga oras na ito dahil sa hindi malamang dahilan. Bakit umiiyak ako? Wala namang nakakaiyak sa sinabi ni Mama a?

Siguro dahil namimiss ko na siya.

“Pasensya ka na talaga, ‘nak. Bukas, babawi ako. May natira pang ulam d’yan, initin mo na lang. May pera rin akong inipit d'yan sa study table mo kasi ‘di ba may practice ka ngayon?”

“Opo,” sagot ko.

“Osiya sige na, kumain ka na riyan at magtatrabaho pa ako. Ingat ka, anak.”

“Ingat din po kayo.” Pinatay na niya ang linya. Bumangon na ako at nagsimula nang maligo.

“Be ready students, magsisimula na tayo,” ani ng instructor namin.

Nagsimula na kaming tawagin sa aming pangalan at pumunta sa gitna ng stage sabay kuha sa diploma at nag-bow. Paulit-ulit lang ang aming ginagawa at sobrang nakakainis lang dahil ‘yong iba ay hindi sumusunod sa intructions kaya naging paulit-ulit ang scenario. Nang matapos ‘yon ay sobrang pagod ang inabot namin na umabot na sa puntong kailangan kong gumamit ng inhaler dahil nahihirapan ulit akong huminga.

Sa umaga lang ang practice namin at papunta kami ngayon sa mall para gumala. Nagpaalam rin naman ako kay Mama na sasama ako sa mga kaibigan ko. Sa una ay hindi niya ako pinayagan pero pinilit siya ng mga kaibigan ko kaya sa huli ay pinayagan na ako pero may ibinilin siya sa akin na ‘wag daw akong magpapagod dahil baka atakehin ulit ako ng asthma ko.

Nagtatawanan kaming pumasok sa loob ng mall at ang una naming ginawa ay kumain ng lunch dahil nagutom kami sa kaka-practice kanina. Pagkatapos no’n ay naglibot-libot kami sa mga boutique na nadadaanan namin at bumibili rin sila.
Nagpumilit akong pumasok muna kami sa bookstore dahil may gusto akong bilhing libro. Natawa sila dahil alam na nila kung ano ang bibilihin ko, nakaugalian na rin siguro. Nakakatuwa nga e dahil alam nila ang mga hilig namin. Hindi naman kasama ang mga boyfriend nila dahil ma-o-OP lang daw ako at ma-bi-bitter. Paki ko ba sa mga jowa nila? Pumipili ako ng mga librong natitipuhan ko habang sila ay abala sa kakatingin ng mga librong nakadisplay sa mga bookshelf.

“Bibili ka na naman ng libro? Kaya hindi ka nagkaka-jowa e kasi mas mahal mo pa ang mga libro mo,” natatawang biro sa akin ni Marie.

Anong connect?

“Atleast dito may natutunan ako,” sagot ko.

“Oy Sis, anong itsura nung crush mong nakabangga sa iyo?” Fatima asked. Pumunta na kami sa counter para magbayad sa napili kong libro.

“Cute at matangkad siya,” kagat-labing sagot ko.

“Talaga?” Sabay-sabay nilang sigaw at pinagtitingan na kami rito sa loob ng bookstore.

“Bakit?” naguguluhang tanong ko.

“Crush mo 'di ba?” tanong ni Kris.

“O-oo hehe.”

“Saan mo nakita e ‘di ba nga hindi mo naaninag ang itsura no’n?” Si Fritz naman ngayon ang nagtanong.

“Kapitbahay namin siya.”

“Ano?” sigaw ulit nila at ako na ang nahihiya sa mga pinaggagawa nila rito. Kalma, kaibigan ko sila.

“Ano ba kayo, ang iingay ninyo. Nakakahiya.” Inaya ko silang lumabas ng bookstore dahil marami nang tumitingin sa amin doon sa loob. Nakakahiya ‘yong ginawa nila. 

“Magkapitbahay talaga kayo?” Si Kyla na naman ang nagtanong.

“Oo nga, unli lang?” natatawang wika ko. Tumili sila at napahawak na lang ako sa sentido ko.

“Tara na nga,” pag-aayaya ni Fritz.

“Saan? Uuwi na tayo?” tanong ni Kyla.

“Gaga hindi. Pupunta tayo ngayon sa bahay nila Caela para makita natin ‘yong crush niya,” nakangising puna niya.

“’Wag na ‘no, nakakahiya tsaka pupunta naman kayo sa bahay ngayong lunes e baka makita niyo siya roon.”

“Invited siya?” singit ni Fatima sa usapan.

“Hindi pero baka lumabas ‘yon at makita niyo.”

“Excited na ako!” tili ni Kris at nagkaayaan na kaming umuwi.

Kami na lang ni Fritz ang natira sa sinasakyan naming jeep dahil ‘yong iba ay nakauwi na. Sobrang saya ang araw na ito dahil nakasama ko ang mga kaibigan ko. Nag-enjoy akong kasama sila.

“Pagdating mo sa inyo, ituro mo ‘yong bahay nila a?” Nagulantang ako nang biglang nagsalita si Fritz.

“Kanino?” naguguluhang tanong ko.

“E ‘di sa crush mo,” mahinang bulong niya.

Natatawa akong tumango. “Sige” sagot ko.

“Kuya, para po,” sabi ko at tumigil naman sa pag-andar ang jeep na sinasakyan namin. Nagpaalam na ako kay Fritz at bago ako bumaba ay tinuro ko sa kanya ‘yong bahay ng crush ko at saka na ako bumaba nang tuluyan. Nakita ko pa siyang ngumisi bago ako bumaba ng jeep. Pambihirang babaeng ‘yon.

Nasa tapat na ako ng bahay nila at lumilinga sa paligid. Tatawid na kasi ako para makarating sa kabilang kalsada at baka maaksidente ako ‘pag hindi ako nag-ingat. Mahal ko pa ang buhay ko 'no! Pasado alas sais y medya na ng gabi at alam kong nakauwi na si Mama galing sa trabaho.

I fished my phone out of my pocket and dialed her. Ipapaalam ko sa kaniya na nakauwi na ako baka mag-aalala pa ‘yon kung hindi ako tatawag.

“Hello, Ma?”

“Oh, Caela. Nasaan ka na? Pauwi ka na ba ha? May nangyari bang masama sa ‘yo? Inatake ka ba ng asthma mo? Sumagot ka,” sunod-sunod na tanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala niya base sa tono ng boses nito.

I chuckled, “Ma, ayos lang po ako. Masyado naman po kayong over-acting e. Nandito na po ako sa tawiran, kakauwi ko lang naman po.”

“Hay salamat naman, pinag-alala mo ako nang sobra,” I heard her deep sigh. Hindi ako sumagot. “Sige, ibababa ko na ‘to at ihahanda ko na ang hapunan natin,” she added before she ended the call.

Binalik ko na ang cellphone ko sa sling bag na dala ko at binalik ang tingin sa payapang kalsada. Tatawid na sana ako nang may narinig akong ingay mula sa aking likuran. Ano ‘yon? Lilingon na sana ako para tignan kung saan nanggaling ang ingay na ‘yon nang makarinig ako ng tunog ng isang pusa. Pusa lang pala, akala ko kung ano. Kinabahan ako doon a.

●What if #131: What if hindi pusa 'yon?●

Posted!

---

Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon