Caela's POV
“MAAGA akong umuwi kahapon at nagawa ko na ring imbitahin ang mga kamag-anak, kakilala at kapitbahay natin,” nakangiting puna ni mama habang kumakain kami ng agahan.
Bigla akong naubo, “P-po?”
“Inimbita ko lahat ng mga kamag-anak, kakilala at kapitbahay natin. May problema ba, Caela?”
“A, w-wala po hehe.” Napakamot na lang ako sa ulo.
Kilala ni mama ang lahat ng mga kapitbahay namin dito. Kahit ‘yong kakalipat lang sa lugar namin ay kilala niya rin. Ganoon siya ka-friendly. Posibleng inimbita rin ni Mama ang pamilya ni crush.
“Para naman may bisita tayo bukas, in-invite mo ba ang mga kaibigan mo?”
“O-opo,” usal ko.
“Mabuti kung gano’n. Nakapagpaalam na ako sa ospital na a-absent ako bukas para dumalo graduation mo. Congrats, anak.” Ipinakita niya ang pinakamagandang ngiting hindi pa niya naipapakita sa akin. Bigla tuloy uminit ang gilid ng mga mata ko.
Sana makadalo man lang si Papa sa graduation ko.
●What if #132: What if dadating siya bukas?●
Posted!
“Thank you, Ma.” I smiled at her.
“Hay naku, bukas na tayo magdrama baka masira ang mukha natin niyan,” pabiro niyang sambit at natawa na lang ako.
Walang jowa si Caela
9:39 pmKris:
Sis, sigurado ka bang pupunta kami d’yan bukas?Kyla:
Oo nga, baka maraming bisita bukas at ma-op kami ‘no!Caela:
Naku kayo talaga
Ako na ang nag-invite sa inyo kaya dapat lang na pumunta kayo
Magtatampo akoMarie:
May point rin naman siyaFatima:
Sige pupunta kami bukas
Sure na ‘yan huh?Fritz:
Sige pupunta kami bukas
Sure na ‘yan huh?Kris:
Ay sabay?Caela:
F sisters nga naman hahaha
Oo naman ‘no!Kyla:
‘Yon o!Caela:
Basta punta kayo bukas a?Kris:
Basta may pagkain go akoFatima:
SureMarie:
Basta kung pupunta sila pupunta na rin akoKyla:
Oo naman
Sayang ang grasyaGanito kami kasaya kaya maswerte ako na naging kaibigan ko sila. Palagi nilang sinasabi na maswerte sila dahil nakilala nila ako at ganoon rin ako sa kanila. Minsan lang kami magkatampuhan at bago matapos ang araw ay nagkakaayos na kami. Ganoon namin pinapahalagahan ang friendship namin. Hindi na nga kami napaghihiwalay e.
Naglalakad ako ngayon papunta sa convenience store dahil inutusan ako ni Mama na bumili roon. Walking distance lang naman ito at para makaiwas na rin sa gastos kung magta-trisikel pa ako. Instant exercise na rin ‘to.
Observant akong tao kaya may napapansin akong pagbabago sa lugar namin. May mga tinatayo ng building, bagong convenience store, botika at marami pang iba. Marami ring couples ang nadadaanan ko kaya may biglang sumagi sa isip ko at saka nagtipa sa cellphone ko.
●What if # 133: What if maranasan ko rin ‘yan?●
Posted!
Itong blog ko na Monaliza’s_WhatIf’s ay naging sikat noong nangangalahati na ako sa pagsusulat. Nagsimula akong magsulat no’ng pinagawa kami ng blog sa isang major subject namin noon at hindi nagtagal ay nakahiligan ko na ring magsulat.
I was writing without revealing my name. Then one morning, when I was walking on the stairs on my way to our classroom, I heard some students and some of my friends talking about my blog. They were discussing how attached they are to my blog and they were wondering who's the person behind that blog. It made me nervous. I’ve never wanted anyone to talk about me or my blog especially people from our school. It was uncomfortable for me. But then, weeks and months passed by, my readers have grown bigger and bigger than I expected. But instead of feeling uncomfortable like I always did, I felt butterflies in my stomach and a smile escaped my lips. And this is where it all started.
Ang blog ko ay tungkol sa mga what if’s na palagi kong tinatanong sa sarili ko. Maraming nakakarelate sa mga sinusulat ko. Marami talagang nakakarelate dito kasi tungkol din ito sa buhay ko. Parang nagkwekwento lang ako doon. Doon ko nilalabas ang lahat ng mga tanong sa buhay ko. Kahit minsan ay medyo lame ang pinopost ko, alam pa rin nila kung ano ang tinutukoy ko.
Maraming gustong kumuha ng panayam mula sa akin pero 'di ko tinatanggap ang mga alok nila. Pati na rin ‘yong umaalok sa akin na gawing published book itong blog ko ay tinanggihan ko rin. Dahil ayoko munang magpakita sa maraming tao at saka na kapag natapos ko nang isulat ang lahat ng gusto kong isulat.
Nakarating ako roon at nagsimula na akong bumili. Medyo marami rin itong pinapabili sa akin ni Mama. Tumitingin ako ng mga gamot nang may lumapit sa akin.
“Ikaw”" sigaw niya. Napalingon ang ibang tao sa amin dahil sa ginawang pagsigaw niya at kasama na ako roon.
“A-anong ako?” mahinang usal ko. Kusang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito ang crush ko. At dito pa talaga sa lugar na ‘to.
“Ikaw ‘yong babaeng nabangga ko noong isang araw, ‘di ba?” tanong niya sabay turo sa akin kaya napaatras ako ng konti.
“Oo, ako nga. Bakit?” Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at ganoon din siya.“Pasensya ka na talaga sa ginawa ko noon. Ako talaga—”
“Ako talaga ang may kasalanan no’n, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya aksidente kong naibangga ang braso ko sa bike mo,” puna ko.
Tinignan niya ang hawak ko at saka binalik ang tingin niya sa akin.
“Hindi, ako talaga ang may kasalan no’n. Kung hindi lang ako tumingin sa barber shop e ‘di sana hindi kita nabangga. Sorry talaga.”
“So, pareho lang pala tayong maysala,” nakangiting usal ko at ngumiti rin siya.
Ang lalim ng dimples niya. Mukha siyang seryoso kung titignan pero maamo naman pala ito.“E ‘di quits na tayo.” Tumawa siya. Hindi na ako sumagot at tinitigan lamang siya.
“Kumusta ‘yong sugat mo, masakit pa ba?” Nakatingin siya sa kaliwang braso kong may benda.
“Medyo kumikirot kapag nahahawakan pero ayos lang naman.” I gave him an assuring smile.
“Sorry talaga.” Yumuko siya at iniwas ko ang aking tingin.
“Ano ka ba, malayo lang ‘to sa bituka ‘no!” natatawang sambit ko.Pumila ako sa counter at nagbayad na. Saka ko pa lang napansin na kakatapos niya lang bumili rito.
“Pwede bang magtanong?” usal niya nang magsimula na akong maglakad pauwi.
“Nagtatanong ka na,” pabiro kong sambit at napakamot na lang ito sa ulo niya.
“Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?”
I froze. Hindi ko alam pero no’ng nagtanong siya ay parang may kumiliti sa tenga ko no’ng marining ko 'yon. Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ang tanong niya.
“Caela, Caela ang pangalan ko.”
“Ako nga pala si Jil. Nice meeting you.”
Ang ganda ng pangalan niya.
“Nice meeting you, too,” nakangiting sambit ko.
---Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...