Chapter 12

24 4 3
                                    

Caela's POV

MAAGA akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam pero parang may mangyayari sa araw na ito. Hindi ko mawari.

Nakapagpahinga na rin ako nang maayos mula noong na-discharge ako sa ospital. Dalawang araw kaya akong nakatulog sa ospital, sa tingin ko mahaba-habang panaginip ang napanaginipan ko. Pero hindi ko na maalala kung ano ‘yon.

Hindi na rin kami nakapag-usap nang maayos ni Jil kagabi kasi kailangan kong magpahinga. Gusto ko sana siyang pasalamatan sa ginawa niya.

Agad na rin akong bumaba at naabutan ko si Mama na nagluluto ng agahan kaya nilapitan ko siya.

“Good morning, Ma,” nakangiting bati ko.

“O gising ka na pala. Osiya umupo ka na at mag-agahan na.

“Si Papa po?” tanong ko kasi hindi ko pa nakikita si Papa e.

“Naliligo lang ‘yon,” sagot niya kaya sinimulan ko nang kumain.

“Anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni papa nang makapasok siya ng kusina.

“O nandyan na pala e,” pagsisingit ni Mama.

“Opo naman, Pa! Malakas kaya ‘to!” masiglang sambit ko sabay flex ng muscle ko kahit wala naman. Tinawanan lang ako nila mama.

“Kumain ka na nga lang. Ang dami mo pang satsat,” mataray na sambit ni Mama kay Papa.

“Wala ka bang duty ngayon, Ma?” tanong ko kasi sa ganitong oras ay naghahanda na siya papasok sa trabaho.

“Mamayang gabi pa ang shift ko. Sinadya ko ‘yon para maalagaan kita at kakalabas mo pa lang ng ospital ‘no,” sagot niya at tumango lang ako.

“Tungkol pala sa nangyari sa ‘yo sa mall, bakit inatake ka ng asthma mo?” usisa ni papa.

“Uhm, hindi ko po alam. Hindi naman ako nagpagod no’ng magkasama kami ni Jil. Bigla na lang sumikip ang dibdib ko at nahirapang huminga,” sagot ko.

“Hindi mo ba dala ang inhaler mo?” tanong niya.

“Hindi po,” nakayukong sambit ko.

“Tsk.” Rinig kong singhal ni Papa.

“Alam mo namang importante na palagi mong dala ang inhaler mo, Caela. Bakit ngayon pa?”

“Akala ko kasi hindi ako aatakehin kaya hindi ko dinala. Sorry po.”

“Osiya, nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa pa,” huling sambit ni papa bago ko tinuloy ang kinakain ko.


~*~


Nasa terrace ako ngayon at nagpapahangin. Pagkatapos kong mag-agahan ay rito na ako dumiretso.

Nagui-guilty ako sa nangyari. Sa katigasan ng ulo ko kaya nangyari ‘yon sa akin. Alam kong nag-aalala lang sila sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naramdaman ni Jil no’ng panahon na ‘yon kasi ako ang kasama niya nung mangyari 'yon.

Walang jowa si Caela
10:25 am

Marie:
Musta ang araw mga tukmol?

Kris:
Maganda pa naman ako
Walang pinagbago hahaha

Fritz:
Ang kapal

Kyla:
Ang lakas siguro ng hangin sa inyo @Kris noh?

Kris:
Wala man lang suporta d’yan?

Fatima:
Suporta mo mukha mo

Marie:
Ikaw @Caela?

Caela:
Ayos naman
Nagpapahinga lang

Kyla:
May nangyari ba?
Ilang araw kang hindi online e

Fatima:
Pansin ko rin

Caela:
Inatake lang ng asthma

Fritz:
Oh my god!

Kris:
Ano?
Okay ka na ba?

Caela:
Oo naman
Malakas kaya ako

Marie:
Mabuti kung ganoon

Ang sarap nang may kaibigan kang ganito. Nag-aalala sa isa’t-isa. Ang swerte ko talaga sa kanila.

10:30 am

Caela:
Aalis na si Jil...

Marie:
What?!

Fritz:
Paanong aalis?

Fatima:
Baka bibili lang ng pagkain? Hehe

Kyla:
Anong ibig mong sabihin @Caela?

Caela:
Uuwi na siya sa probinsiya nila

Kris:
Paano na ‘yan?
Hindi mo na makikita ang pogi mong crush?

Kyla:
Akala ko pa naman magkakaboyfriend ka na ngayong summer e

Fatima:
Naudlot pa

Fritz:
#jowananagingbatopa

Caela:
Hey
‘Wag niyo nang isipin yon haha

Marie:
Kailan ba alis niya?

Caela:
Sa katapusan pa naman

Kris:
Nagpaalam ka na ba?

Caela:
‘Yon na nga
Hindi pa

Kyla:
Malayo pa naman e

Kusa kong nabitawan ang cellphone ko nang makita ko si Jil sa labas ng bahay nila. Dala-dala niya ang mga bagahe niya.

Anong ibig sabihin nito?

Nakaawang ang bibig ko habang tinatanaw si Jil mula rito sa terrace. Kusang dumapo ang mga mata ni Jil sa kinaroroonan ko at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.

Walang pag-alinlangang umalis ako sa terrace at lumabas ng bahay. Doon ko nakita si Jil na nag-aabang ng masasakyan paalis.

Akala ko ba sa katapusan pa ang alis niya? Napaaga naman yata.
Kusang tumulo ang mga luha ko habang papalapit sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti lang ito sa akin.

“N-ngayon na ang alis mo?” tanong ko. Tumango siya. “Napaaga naman yata. Wala bang extension?” biro ko pero hindi ko man lang nagawang ngumiti sa kaniya.

“I’m sorry.” Yumuko siya at nakita kong tumutulo na rin ang mga luha niya.

“A-akala ko sa katapusan pa.”

“I’m sorry. Kailangan ko kasing umalis nang maaga.”

Nakita kong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bag niya. Napakagat-labi na lang ako habang humihikbi.

“Babalik ka pa naman ‘di ba?” tanong ko.

“Oo naman. Babalik ako para sa iyo.” Tinignan niya ako sa mata at napaiwas naman ako ng tingin.

Dumapo ang mga mata ko kila Mama na umiiyak din mula sa gate ng bahay namin. Alam ba nila ito?

Hindi ako umimik at patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pati siya ay umiiyak na rin.

Bakit ngayon pa? Hindi man lang ako makapagpaalam ng maayos.

Sumisikip na rin ang dibdib ko pero hindi ko pinansin ‘yon. Nakatingin lang ako sa luhaang si Jil. Ngayon ko lang siyang nakita umiyak sa harap ko at ayokong nakikita siyang ganoon. Napakasakit.

“Jil, gusto kita e,” pag-aamin ko at hindi ko man lang siya nakitang nagulat sa sinabi ko.

Alam ba niya?

“Alam ko,” nakangiting sambit niya. Hindi ako makapagsalita.
Paanong? Halata ba talaga ako?
Hindi ko na natuloy ang pag-iisip ko nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. I stiffened.

“Caela, I'm sorry. Gusto kong manatili pero hindi pwede. Gusto ko makasama pa kita nang matagal pero hindi pwede. I'm sorry,” sambit niya habang umiiyak na niyayakap ako.

“Again, it's your choice not mine. Napaghandaan ko naman ito e. Bumalik ka lang, okay na sa akin.”

“I’m sorry.”

“You don’t have to say sorry,” sambit ko. Humiwalay siya sa yakapan namin at tinignan ako sa mata.

“Babalik ako.”

“Aasahan ko ‘yan.”

May tumigil na taxi sa tapat namin at bahagya akong lumayo sa kaniya para bigyan siya ng daan. No’ng una ay ayaw niya pang kumilos pero tumango ako at sinabing, “Sige na. Sumakay ka na.”

Nilagay niya ang mga gamit niya sa compartment ng taxi habang umiiyak. Iyakin pala ‘to?

Nang matapos siya ay lumapit siya sa may pinto at bahagya niya itong binuksan. Nagulat ako sa huling sinabi niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng taxi.

“Gusto rin kita, Caela.”

Bago pa man ako makapagsalita ay nakita kong umaandar na paalis ang taxi’ng sinasakyan ni Jil.

Gusto niya ako?

Tuloy-tuloy na sa pagbagsak ang mga luha ko habang tinatanaw ang sinasakyan niya paalis. Iyak ako nang iyak sa kalsada at hindi iniinda ang init galing sa sikat ng araw. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Naramdaman kong niyakap na ako ng mga magulang ko at doon na umiyak nang husto.

Being with him before gave me the best feeling and I’ve never imagined that it would turn out to be this painful.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo.


Summer in bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon