Chapter 9

25 4 0
                                    

Caela's POV

DUMAAN ang mga araw na palagi kaming nagkakasama ni Jil. Siguro dahil naninibago pa siya lugar namin kaya palagi niya akong niyayayang i-tour siya rito. Hindi ko naman kayang tanggihan ‘yon dahil kaibigan ko na rin siya. Tulungan lang.

We’re really close to each other. We also shared our stories together.

Mas nalalapit na kami sa isa’t-isa at mas hindi ko na maintindihan kung ano ‘tong nararamdaman ko kapag kasama siya. Oo, may gusto ako sa kaniya pero iba na e, iba na talaga. Hindi ko masasabing gusto ko lang siya pero naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

●What if # 145: What if mahal ko na siya?●

Posted!

Mahal na ba talaga ang tawag dito? Mas hihigit pa sa gusto ito e so maaaring mahal ko na siya. Ewan, naguguluhan ako.

Bakit napakabilis naman ata?

Umaasa ako na sana may gusto rin siya sa akin. Base kasi sa mga kinikilos niya parang nagkakaroon na ng tyansa na may gusto siya sa akin. Parang nagbibigay ito ng motibo. Masyado na ba akong assuming?

Walang masama kung aasa ka lang pero masakit kung aasa ka lang sa wala.

Ngayon ay kasama ko siya at namamasyal kami sa park na malapit lang sa amin. Aaminin kong masaya ako kapag kasama siya. Even small things are still priceless.

“Saan mo gustong pumwesto?” tanong niya sa akin.

“Dito na lang,” sambit ko sabay turo sa damuhan na kinatatayuan namin.

Nang makaupo kami ay parang ang awkward ng paligid kasi tanging paghinga lang namin ang naririnig ko. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon at pinapakiramdaman ang isa't-isa.

Nabanggit niya sa akin noong nakaraan na sa probinsya siya mag-aaral. Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay bigla na lang akong nanlumo. I don’t know why but there’s a little pain in my chest. Akala ko kasi since na lumipat sila rito ay rito na rin sila mananatili. Todo imagine pa naman ako kung anong mangyayari sa akin kung sakali ngang sa SJU siya mag-aaral. I was expecting for more.

Nanatili akong tahimik no’ng panahong iyon na naging dahilan upang mapansin niya ‘yon. Tinanong niya kung ayos lang ba ako, sumago naman ako ng oo pero nagsinungaling ako. Ayoko ko kasing makita niya ang panlulumo ko kaya I remained silent that time.

Bakit ganito ako? Am I being selfish?

Ilang gabi ko rin ‘yon pinag-isipan na kung magiging okay ba siya roon sa papasukan niya, sasaya kaya siya roon at baka may makilala siyang babae roon at mamahalin niya. Nagiging paranoid na ako pero hindi maiwasang isipin ‘yon.

I sounded selfish.

“Ano ang iniisip mo?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. Nakatingin siya sa langit.

“What if, hindi ka aalis?” Tinapangan ko na ang sarili ko para itanong ‘yon pero nanatiling tahimik si Jil.

I knew it.

“Hindi pwede ‘yon, kailangan kong bumalik doon para mag-aral.”

“Marami namang malapit na universities dito e, bakit doon p-pa?”

“Medyo bago pa kasi ako at hindi pa ako sanay rito. At saka nandoon kasi ang mga kaibigan ko.”

So all this time, hindi niya ako tinuring na kaibigan?

Lumingon siya sa akin at ningitian ako. Sinuklian ko naman ‘yon ng tipid na ngiti. Napansin niya ‘yon dahil ang kaniyang masayang mga mata ay napalitan ng lungkot. Iniwas ko ang tingin ko.

“Yeah, I understand.”

With that, parang gusto kong ihinto ang oras dahil alam kong mawawala na rin siya sa akin. Gusto ko lang sulitin ang mga nalalabing araw na kasama ko siya.

“Tito, nandyan po ba si Caela?”

“Tito, may sakit po ba si Caela? Bakit hindi po siya lumalabas?”

“Tito, pakisabi na lang po sa akin kapag handa na siyang makipagkita kasi po nahihirapan na ako.”

‘Yan ang palaging naririnig ko sa tuwing pumupunta si Jil dito sa bahay. Ilang araw ko rin siyang hindi hinaharap dahil sa hindi malamang dahilan. And it hurts me.

Is it because I don’t want to lose him kaya nagkaganito ako? Pero ako rin mismo ang lumalayo sa kaniya. Ang gulo ko.

Hindi ko kakayaning mawala siya kaya hangga’t maaga pa ay sinasanay ko na ang sarili ko na hindi siya makita.

I got easily attached. Pero nahihirapan na rin ako. Bakit ko ba ginagawa ito? Ano ko ba siya?

Ilang araw din akong nag-isip kung ano na ang mangyayari sa akin kung sakaling dadating na ang kinakatakutan kong araw. Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako. Jil is so special to me. Siya ang nagpasaya at bumuo sa buong summer ko. Kaya ayoko siyang mawala kasi sa kaniya lang ako sasaya.

“Anak, bakit hindi mo pa hinaharap si Jil?” tanong ni Papa nang pumasok siya sa bahay.

“Hindi ko pa kasi kaya, Pa.” Napayuko ako. Nilalaro ko ang mga daliri ko at hindi makatingin kay Papa.

“Alam mo, anak, ako ‘yong nahihirapan sa ginagawa mo.”

Hindi lang ikaw, Pa.

“Kung ano man ‘yan, anak, pakawalan mo na,” dagdag pa niya.

Pakawalan mo na.

And it hits me.

“Kasi Pa, hindi ko kayang makita siyang umalis.”

He gave me a questioning look. “Aalis siya?”

“O-opo.”

“Natanong mo ba kung babalik pa siya?”

I froze. Natanong ko ba?

“H-hindi po,” sagot ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Anak, bago ka magdrama siguraduhin mo munang alam mo ‘yang iniisip mo,” sambit niya habang nakayakap pa rin sa akin.

“S-sorry po.”

“Tsaka may mga tao talagang nangangako pero hindi naman tinutupad. Hindi ko sinasabi sa iyo ito para takutin ka. Sinasabi ko ito dahil gusto kong maging handa ka at masanay ka sa mga mangyayari sa iyo. Lahat tayo nangangako pero minsan hindi naman natutupad. Hindi natin nababasa ang takbo ng isip nila.”

Those words really hurts me. Pilit kong pinoproseso ang mga sinabi sa akin ni Papa kanina at masasabi kong tama siya. Bakit ko ba ginagawa ito? I’m not in the right position to do this nonsense.

Mabilis lumipas ang oras at madilim na ang langit. I found myself sitting in our terrace, watching the peaceful sky.

●What if # 146: What if hindi siya aalis?●

Posted!

Matapos kong maipost ‘yon sa blog ko at pansin kong parang may nakatingin sa akin mula sa malayo. Palinga-linga ako sa paligid at natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak nang makita ko si Jil mula sa terrace nila at malungkot na nakatingin sa akin.

I’m sorry.


Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon