Chapter 11

23 4 0
                                    

Third Person's POV

NAKAUPO si Jil sa labas ng hospital room ni Caela. Hindi siya mapakali at maya’t-maya siyang naglalakad sa hallway ng ospital. Nag-aalala siya para kay Caela.

Natawagan na rin niya ang mga magulang nito at paparating na ito ngayon. Napasapo siya sa kaniyang noo, hindi alam kung ano ang gagawin. Nakarinig siya ng yabag na parang may naglalakad papalapit sa kanya at kusang napatingin ang mga mata niya rito. Nang makita niya ang mga magulang ng dalaga ay agad niya itong sinalubong.

“Nasaan ang anak ko? Anong nangyari sa kaniya?” Nababakas ang pag-aalala sa boses ng ina nito.

“Bigla na lang po siyang nahimatay no’ng magkasama kami sa mall.” Nakayukong sagot ni Jil.

“Jusko,” bulong ng ama nito.

“Anong nangyari sa kaniya bago siya nahimatay?” tanong ng ina.

“Nahihirapan po siyang huminga.”

Bigla na lang napakapit ang ina nito sa braso ang kaniyang asawa. Mukhang nanlalambot ang mga tuhod.

“At wala ka man lang ginawa?” Seryosong tanong ng ama nito.

“I’m sorry po.”

“Ipinagkatiwala ko siya sa ‘yo...”
Hindi umimik ang binata at nanatili lang sa kaniyang posisyon, nakayuko.

“Alam mo bang may asthma ang anak ko?” Biglang tanong ng ina nito at napaangat ang tingin si Jil dahil doon.

“H-hindi ko po alam.”

“Ngayon alam mo na.” May bahid na sarkastiko ang pagkakasambit ng ina nito.

Gustong sisihin ni Jil ang sarili niya dahil alam niyang siya ang sinisisi ng mga magulang ni Caela dahil sa nangyari sa anak nila. Aaminin niyang naging duwag siya dahil no’ng inaatake na si Caela ay wala man siyang nagawa para tulungan ito at saka lang siya umaksyon no’ng nahimatay na si Caela. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyaring masama sa dalaga.

Nag-aabang nang masasakyan ang dalawa sa labas ng mall. Hindi maiwasang maaliw ni Jil sa mga nakita. Nakikita niya rito ang eskwelahang papasukan ng dalaga at marami pang iba.

Marami siyang iniisip. Nagdadalawang-isip siya kung itutuloy niya ba ang planong paglisan sa lugar at sa buhay ni Caela. Nang makita niyang nahihirapan ang dalaga dahil sa nalaman nito ay gusto na niyang manatili rito. Pero hindi pwede. Hinding-hindi.

Napalingon siya sa kasama at nakita niya ang mahinang pagpalo ng dalaga sa kaniyang dibdib. Nasaksihan niya rin ang paghalughog ng dalaga sa bag nito na tila ba may hinahanap.

Anong nangyayari sa kaniya? Tanong niya sa kaniyang isipan.

Malalalim ang buntong-hininga ng dalaga kaya hindi maiwasan ni Jil na mag-alala at mataranta sa nasaksihan.

“Uy, ayos ka lang?” tanong nito.

Naghihintay ng sagot si Jil ngunit nabigo siya. Hindi umimik ang dalaga at humihinga pa rin ito ng malalim na para bang kumukuha ng hangin.

Hindi niya alam ang gagawin. Pati rin siya ay natataranta na rin. Nanginginig na ang kamay ng binata.

Naramdaman na lang niya ang pagbagsak ng dalaga sa sahig na naging dahilan para maging alerto siya.

Nilapitan niya ito at tinatapik ang pisngi nito. Pilit niyang ginigising ang dalaga. Ngunit hindi nangyari iyon.

Wala siyang choice kundi humingi ng tulong sa mga nakasaksi.

“TULONG!”

Biglang lumabas ang doctor na tumingin kay Caela.

“Doc, kumusta po ang anak ko?” tanong ng mag-asawa. Napatayo bigla si Jil at binalingan ng tingin ang doctor.

“Mabuti at nadala agad siya sa ospital kung hindi ay magiging malala ang sitwasyon ng anak niyo. Sa ngayon ay maayos na ang kaniyang kalagayan. Kailangan niya lang magpahinga para makabawi ng lakas. Maaari niyo na siyang puntahan sa silid niya. Mauna na ako,” Nakangiting sambit ng doctor saka siya umalis.

Parehong nakahinga ng maluwag ang tatlo. Sa wakas ay maayos na si Caela.

Pumasok sila sa silid ni Caela at nakita nila itong mahimbing na natutulog. Agad na nilapitan ng mga magulang ni Caela ang anak nito at narinig ni Jil na umiiyak na ang ina nito.

Parang pinipiga ang puso ni Jil nang makita niya ang ina ni Caela na umiiyak sa harap nito. Gusto man niyang manatili ngunit hindi na niya kinaya ang nakita at nagpaalam na siya na uuwi muna at babalik na lang siya bukas.

“Anak, bakit ngayon ka lang?”   Pambubungad ng ina ni Jil sa kaniya nang makapasok ito ng bahay.

“Sinugod sa ospital si Caela,” nakayukong sambit ng binata.

“Ano?” gulat na tanong ng ginang. “Bakit?”

“Inatake po ng asthma.”

“Hindi ba’t magkasama kayo?” tumango si Jil.

“Dahil sa akin kaya siya sinugod sa ospital. Ang duwag ko. Wala man lang akong nagawa,” malungkot na sambit ng binata. Nilapitan siya ng ina nito at niyakap.

“’Wag mong sisihin ang sarili mo, anak. Alam kong hindi mo rin ginusto ang nangyari.”

“Pero parang ako ang sinisisi ng mga magulang niya sa nangyari.”

“Hindi maiwasang mag-alala ang mga magulang kapag may nangyaring masama sa kanilang anak. Normal lang ‘yon, anak. Hindi ganoon mag-isip ang mga magulang ni Caela.”

“Gusto ko na tuloy manatili rito at hindi na umalis.”

“Anak, hindi pwede. Kailangan mong mag-aral doon,” sambit ng kaniyang ina.

“Alam ko po.”

“Malapit na rin pala.”

Hindi pinansin ni Jil ang huling sinabi ng kaniyang ina at napahilamos na lang siya sa kanyang mukha.

Magkikita pa tayo.

Dalawang araw nang hindi nagigising si Caela. At dalawang araw na ring pabalik-balik si Jil sa ospital para dalawin ito. Nagui-guilty pa rin si Jil sa nangyari. Parang siya ang may kasalanan kung bakit nakaratay ngayon si Caela.

Mag-isa lang siya sa kwarto ni Caela dahil umuwi ang mga magulang nito para makapagpahinga. Nag-volunteer si Jil na siya muna ang magbabantay rito para pambawi man lang sa ginawa niya.

Pinagmasdan ng binata ang matutulog na dalaga. Hinahaplos niya ang makinis na pisngi nito. Bigla na lang nanlalabo ang mga mata nito dahil sa mga luhang pinipigilan niyang ‘wag tumulo.

“Caela, I’m sorry. Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ito sa iyo pero bukas na ang alis ko. Sobrang ikli ng panahon na nakasama kita pero naging masaya ako. Ikaw ang bumuo sa buong summer ko. Ikaw ang nagpapasaya at nagpapalungkot sa akin. Ikaw lahat. Nagpapasalamat ako kasi nang dahil sa pagbisita ko rito ay nakikilala kita. Nakikilala ko ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Caela, gusto kita. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero wala e kusang bumigay ang puso ko.”

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha niya. Pilit niya itong pinupunasan gamit ang nanginginig niyang kamay ngunit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito.

“Sana sa pagbalik ko rito, maalala mo pa ako. Sana maalala mo pa ang mga ginawa natin habang magkasama tayo sa maikling panahon. Kasi ako, hindi ko makakalimutan ‘yon. Nangako ako na babalik ako rito. At sa pagbalik ko ay gagawin ko na ang plano ko, ang ligawan ka. Ito na ang huling araw na makakausap at makikita kita. Sayang nga at tulog ka pa, hindi mo na makikita ang gwapo kong mukha.” Mahina itong tumawa. “Maraming salamat sa lahat. Paalam, Caela.” Marahan niyang hinalikan sa noo ang natutulog na dalaga.

Mabilis dinalaw ng antok si Jil at nakatulog nga ito sa gilid ng kama ni Caela habang hawak-hawak ang kamay nito. Ilang oras siyang nakatulog at bigla itong nagising nang naramdaman niyang parang may gumagalaw sa hinahawakan niya. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa kamay ni Caela. Gumagalaw ang isang daliri nito.

“J-jil,” mahinang sambit ni Caela. Agad namang napatingin si Jil sa kaniya at nakita niyang nakamulat na ang mga mata nito.

Walang pasabing tumakbo siya palabas ng silid para tawagin ang doctor. Nang makarating sila sa silid ay agad na tinignan ng doctor si Caela. Tinawagan na rin ni Jil ang mga magulang ng dalaga at sinabing gising na ito.

“Maaari na siyang ma-discharge mamaya,” sambit ng doctor.

“Maraming salamat, Doc.”

“Walang anuman. Be careful next time, huh?” Bilin ng doctor kay Caela at tumango naman ito bilang sagot.

Lumabas na ang doctor at agad na nilapitan ng mag-asawa ang anak nito. Hindi mapigilan ni Jil ang kanyang ngiti nang makita niyang maayos na ang lagay ni Caela. Akala niya matatagalan pa bago magising si Caela at hindi na niya maabutan ang pag-alis ni Jil bukas.

“Caela, I'm sorry.” Pag-paumanhin ni Jil sa dalaga.

“Bakit nag-so-sorry ka? Wala ka namang kasalanan sa akin a?” nagtatakang tanong ni Caela sa binata.

Umiling si Jil, “Meron. Nang dahil sa akin kaya ka napunta rito,” seryosong sambit ni Jil.

“Naku, wala ‘yon. Hindi big deal sa akin ‘yon.” Ngumiti si Caela na siyang nagpangiti kay Jil. Tila nanumbalik ang sigla ng dalaga nang makita niya itong ngumiti.

Sumapit ang gabi at nagpag-desisyunan ng pamilyang Montecillo na iuwi na si Caela para na rin makapagpahinga ito. Masayang nakauwi si Jil sa kanilang tahanan at kinwento sa mga magulang nito ang nangyari ngayong araw.

Someone's POV

NAALIMPUNGATAN ako ng gising nang may narinig akong nakakabinging ingay rito sa loob ng silid. Nakita kong tumutunog ang mechanical ventilator. Agad akong nabahala nang makita kong unti-unti nang lumilikha ng linya ang monitor nito.

Agad kong tinawagan ang doctor at sinabi ang nangyari. Nag-aalala ako para sa anak ko. Baka matuluyan na siya. Ayoko pang mawalan ng anak. Ayoko.
Biglang dumating ang doctor at sinuri ang anak ko. Natataranta na ang doctor at nurse na tumingin sa anak ko. Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko dahil sa nasaksihan.

‘Wag ngayon, please. ‘Wag ang anak ko.

"Doc, iligtas niyo po ang anak ko. Parang awa niyo na,” lumuluhang sambit ko.

“Ma'am, kumalma po muna kayo. Gagawin po namin ang lahat para mailigtas ang anak niyo,” sambit ng isang lalaking nurse sa akin. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kailangan nilang iligtas ang anak ko.

“1! 2! 3! Shock!” sigaw ng doctor at nakita kong gumalaw ang katawan ng anak ko.

“1! 2! 3! Shock!”

“Shock!”

Ilang sandali pa ay nakita kong bumalik na sa normal ang galaw ng heart beat ng anak ko kaya bigla na lang akong napaupo sa sahig. Inasikaso ako ng isang nurse at pinaupo sa katabing couch.

Ligtas na ang anak ko.

“She's okay now,” seryosong sambit ng doctor.

“Thank you, Doc.”


Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon