forty four

1.3K 49 11
                                    

umuwing masaya ang mag asawang borj at roni....dahil finally napatawad na ni roni si borj, at handa na siyang kalimutan ang lahat kagaya ng ginawa ni borj...makakapag simula silang muli ng walang galit, tampo, o sama ng loob na tinatago sa isa't isa....

"thank you roni for forgiving me..."-bulong ni borj sa asawa

"thank you din borj kasi napakalawak ng pang unawa mo para sakin..."
"goodnight borj..."
"i love you..."-roni

"goodnight roni...."
"i love you...."-borj
at nakatulog na silang dalawa ng magkayakap....

KINAUMAGAHAN:
dahil monday kailangan gumising ni roni ng maaga kahit ilang oras pa lang ang tulog niya dahil madaling araw na din sila nakauwi ni borj....papasok si bonnie...

nakapagluto na si roni ng almusal nila kaya ginising na niya si bonnie upang makapag ready na pagpasok...

"bonnie school time..."-roni

"yes mommy...."-bonnie

hindi mahirap gisingin si bonnie lalo na kapag alam niyang school time...ayaw na ayaw din ni bonnie ang aabsent sa school dahil ma-miss daw niya ang mga lessons ng mga teachers niya....

naalimpungatan din si borj dahil biglang nag ring ang cp niya....si engr. gomez....

"goodmorning sir borj...."-engr.

"goodmorning engr..."
"napatawag kayo...?"
"may problema ba...?"-borj
biglang tayo din siya at lumabas sa terrace upang hindi marinig ni roni na may kausap siya...

"wala naman sir borj..."
"baka gusto niyo lang po bisitahin yung site kasi halos tapos na po..."-engr.

"ahh ganoon ba sige dadaan ako jan ngayon..."
"basta yung usapan natin engr. ha..."-borj

"no problem sir borj kayang kaya..."-engr..

call ended:

"borj..."
"gising ka na pala gigisingin pa naman sana kita..."-roni

"ahhh hindi roni gumising talaga ako para ipaalala sayo na gising mo ako..."-biro ni borj..
sabay tawa

"hawak mo cellphone mo sino tumawag...?"-roni

"ahh wala roni kaibigan ko lang..."
"may ipapakita daw sakin eh..."
"ok lang ba puntahan ko...?"-borj

"oo naman..."
"pero ok lang din ba borj wag kang magtagal...?"
"kasi balak ko sana after ko sa school eh magpapasundo ako sayo tapos deretso tayo sa wake ni tom..."-roni

"ahh oh sige no problem..."
"maligo na ako para habang kumakain ako hintayin na lang kita..."-borj

"ok..."
"si bonnie pala isasabay na nila mommy at daddy.."-roni

"oh sige..."-borj

"huh..."
"muntik na ako dun ah..."-bulong ni borj sa sarili niya....

maingat si borj sa mga kilos niya upang hindi makahalata si roni sa mga ginagawa niyang plano para sa surprise niya...kung ano man yun secretttttttt....!!!

nakatapos na si roni mag ayos, si borj naman hinihintay lang ang asawa...

"tara na borj..."-roni

"sige tara..."-borj

sa daan:
"borj wag mo ako kalimutan daan mamaya sa school ha..."-roni

"siyempre naman..."
"text mo lang ako an hour before kita sunduin ok..."-borj

"hirap ng nakakaabala..."
"di bale borj kapag nakapasa ako ng board exam bibili talaga ako ng sarili kong kotse...!"-roni

"kotse agad wala ka pa nga lisensya..."
"dapat lisensya muna bago kotse noh..."
"tska marunong ka ba magdrive...?"-pang aasar ni borj

"ahhh yabang..."
"kapag ako natutuong magdrive sasagasaan kita...!"-roni

natatawa lang si borj kay roni...

"ano tinatawa tawa mo jan...?"-roni

"bakit masama ba tumawa...?"-borj

"masama talaga kasi wala akong sariling kotse noh.."-roni

"sige lang roni libre naman mangarap eh..."-pang aasar pa ni borj

hanggang sa nakarating na sila sa eskwelahan ni roni...

"ano roni susunduin ba kita o aantayin mo na lang ung pangarap mong kotse...!"
"hahahahaha..."-borj

"ang sama mo...!"-roni

"joke lang..."
"pampa good vibes lang yun roni..."-borj

"sige na papasok na ako..."
"ingat ka ha..."-roni

"ingat roni..."
"text mo ako ha..."
"i love you my queen..."-borj

"aba namiss ko yun ah..."-roni

"ah namiss mo ba...?"
"ano gusto mamaya pag uwi mo i will treat you as the queen...?"- sabay naughty smile si borj

"tsee..."
"i love you na my king..."
"pasok na ako dami ko pang aasikasuhin para sa graduation ko eh..."
"ingat borj..."-roni

at bumaba na si roni....

si borj naman nagmadali pa paunta sa site na usapan nila ni engr. gomez.....

"sir borj...."
bati sa kanya ng mga tao pagdating niya sa site

"good morning..."
"kamusta kayo dito...?"-borj

"ok lang po sir..."-employee

"sige mag magbreaktime muna kayo..."-borj
at nag abot siya ng pera para bumili sila ng makakain....

"swerte natin kay sir borj mabait na, galante pa...!"-employee

"oo nga eh sana lahat ng boss kagaya niya eh noh..."
"paano na lang kapag natapos na yung project natin kay sir borj...."-employee

narinig iyon ni borj...

"ano ba kayo mga pare..."
"siyempre pagkatapos ng project na to hindi ko kayo papabayaan no...."
"sabay sabay tayong aasenso..."-borj

"wow salamat po sir borj..."-employee

"sige na bumili na kayo ng meryenda niyo..."
"kakausapin ko lang si engr....."-borj

"sige po sir nandun si engr sa office niyo..."-employee

naglakad papunta si borj sa opisina...

"sir borj goodmorning..."-engr

"engr....."-borj

"kape gusto mo...?"-borj

"hindi na po sir borj..."-engr

"balita dito...?"-borj

"sir gusto niyo po bang ikutin yung site...?"-engr

"sige tara..."-borj

nabigla si borj kasi halos tapos na iyon...

"sir borj finishing touches na lang po lahat tapos inaguration na kasunod..."-engr

"wow ang bilis niyo gumawa ah..."
"kaya lang hindi ko pa pwede madaliin yung inaguration eh...."
"may mga kailangan pa akong hintayin..."-borj

"mas ok nga po yun sir borj para hindi din madalian ang trabaho para mas pulido..."-engr

"ganda ng gawa niyo..."-borj

"siyempre naman sir borj worth it....!"-engr

inapiran na lang ni borj si engr gomez....

"konti na lang sir borj...."-engr

"oo nga eh..."
"excited na din ako..."-borj


to be continue
feel free to comment
dont forget to hint ⭐️
❤️❤️❤️

gmik reunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon