Kabanata 1

778 12 0
                                    

"Mars!!!! Nakita ko yung jowabels mo may kadate, nasa Ayala Mall. Who's that girl?" bungad sakin ni Kitty.

"Hay nako, bahala ka dyan bakla ka. Sisirain mo pa masaya kong pag-ibig, nasa gym siya ngayon." Sagot ko.

"Nako Vakla ka, kakikita ko lang sakanila!" bulyaw sakin ni Kitty.

"Dun muna ko sa kwarto ha mga Vakla, pakainin niyo muna yan si Kitty nagugutom lang yan kaya kung sino sino yung nakikita e." sagot ko.

"Per------"

Tiningnan ko siya ng matalim para matigil na ang kanyang bibig sa kakatalak naririnde na ko. Pinili ko na lang umakyat sa kwarto at hintayin ang tawa ni Westle kesa naman, andun ako sa baba, panay naman ang talak ng bakla! Ayoko siyang paniwala kasi hindi naman ako yung nakakakita atska nasa gym lang naman siya ngayon. Habang naghihintay ng tawag ni Westle napagisipan kong matulog muna, I need some rest because tomorrow is Monday, I have work so I need a lot of energy.

Paggising ko I check my phone and I received 1 message from Westle.

From: Westle

Hi Babe, I'm on my way. Wait for me, I have pasalubong for you. Iloveyou Babe!

To: Westle

Babe, Im sorry kagigising ko lang. Ingat ka sa paguwi mo Iloveyou too and I miss you so much.

After kong replyan si Westle, I decided to go down to prepare some foods for Him. Pero habang pababa ako may naririnig akong nagsisisgawa kaya nag madali akong bumaba para makita kung sino ba yung nagsisigawa. At nagulat ako sa aking nakita, si Kitty at Westle.

"Alam mo Westle! Hindi deserve ni Meme ang isang tulad mo na babaero." Sigaw ni Kitty

"I'm not babaero! Wag kang mangbintang ng wala kang patunay!" sagot ni Westle

"Hoy! Ano bang problema niyong dalawa!" galit kong awat.

"Kasi etong si Kitty, Babe pinagbibintangan akong nambabae, hinihingan ko naman ng pruweba walang maipakita." sagot ni Westle

"Kitty alam mo kanina ka pa e! Ilang beses ko bang kailangan sabihin na WALA NGA SIYA SA AYALA! NASA GYM siya!" galit kong sabi kay Kitty.

"Pero Meme, totoo yung sinasabi ko! Hindi ako nagsisinungaling. Gusto lang kita protektahan sa lalakeng to na alam lang e ang manloko! Ayokong nakikitang nasasaktan ka, gusto ko masaya ka" paliwanag ni Kitty

"Gusto mo palang maging masaya ako, suportahan mo yung relasyon naming wag yung kung ano ano yung mga sinasabi mo tungkol sa kanya." Sabi ko kay Kitty.

"Tama na, Tama na." awat samin ni Buern.

"Pasensya ka na Meme ha, wala akong maipakitang pruwebang nagpapatunay na may kadate siya hayaan mo sa susunod na magsasabi ako sisiguraduhin ko ng may pruweba ako. Aalis muna ako." Sabi ni Kitty

Di ko siya pinansin, di ko pinakinggan yung huling sinabi niya hinayaan ko siyang umalis ng umiiyak.

"Meme, hahayaan mo na lang umalis si Kitty?" tanong ni Budi

"Hayaan niyo siya yun ang gusto niya, wala akong magagawa."sagot ko

Umakyat ako sa kwarto para humiga dahil naloka ko sa sigawan na yun.

"Babe, are you okay?" tanong ni Westle

"I'm okay Babe."sagot ko

"Pasensya na Babe ha, dahil sakin nag kagulo pa dito sa bahay mo, gusto mo ba umalis muna ko para wala ng pagmulan ng away dito?" tanong nita ulit

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon