Kabanata 9

353 14 2
                                    

Isang oras lang ng marating namin ang Davao. Dumaretso naman ang mga bakla sa condo ni Jorge samantalang ako ay binisita ko ang VAS.

"Good Evening Ma'am Vice" bati sakin ng mga empleyado ko. Nginitian ko na lang sila bilang sagot sa kanila. Dumaretso agad ako sa office ko para makaidlip ng sandali. Nagising na lang ako sa pag vibrate ng cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag.

"Hello"

"Hi Ms.Vice, balita ko nandito ka ngayon sa Davao. You miss me no kaya ka bumalik no" sabi nito. Nagutla naman ako sa kausap ko sa kabilang linya. Di ko inaasahang may number pa pala ko kay Ion.

"PInagsasabi mo. Alam mo kung wala ka namang sasabihin matino ibaba mo na, iniistorbo mo ko sa pagtulog ko. Atska sino ba nagsabi sayo na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasa davao. Yuckkkk assumero!"sagot ko dito

"Just joking. Actually I know the real reason why are you here in Davao. Just want to say na kapag kailangan mo ng kausapan, I'm always here. Alam kong di pa tayo gaanong close, pero sana tawagan mo ko kapag kailangan mo ng kaibigan. I can be your friend." Sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi ni Ion.

"Thank you. Pero gusto ko lang munang mapagisa."matamlay kong sabi dito.

"Gusto mo ng tahimik na lugar?"tanong nito

"Oo"tipid kong sagot

"May alam ako. It's private. Pagpunta niyo dito mamaya sa rest house ko na kayo tumuloy. And tomorrow I will bring you there. I promise, I'll help you na maging okay."sabi nito, gusto ko pa sanang umangal sa kanya pero mas maganda yung tahimik lang yung makakapagisa ko. Yung walang magulo gusto kong matahimik muna pagkatapos ng sakit na nararamdaman ko.

"Okay, thank you very much Ion. See you. Bye"paalam ko dito

"Always welcome sungit! See youuu! Ingat kayo sa byahe. Pakisabi na lang kay Jorge na sa rest house nanamin kayo tutuloy okay. Bye"sabi nito. Binaba ko na yung cellphone at inayos ang sarili ko ng may biglang kumatok.

"Come in" sabi ko

"Good Evening! Ma'am nasa baba po yung mga kaibigan niyo pinapasabi pong pakibilisan niyo daw po kasi di na daw po sila makapaghintay, ready na daw po yung sasakyan niyo." sabi nito.

"Sige. Thankyou" sagot ko dito. Mga bakla talaga kala mo naman e bukas na agad uuwi ng manila. Agad naman akong ng retouch at bumaba na para mabatukan ang mga bakla. Habang hinihintay kong bumukas yung elevator, nakasabay ko si Nick. Ngumiti naman ito sakin shems ang pogi mga baklaa.... Isa siya sa mga pinakamatagal na empleyado dito sa VAS.

"Hi Ma'am"bati nito

"Hello" bati ko rin sakanya ng hindi tumitingin. Di ko keri ang pogi ng mukha niya mga Bakla. Baka malaglagan ako ng panty dito kapag nag titigan kami.

"Kamusta na po kayo ni Sir Westle."tanong nito, napatigil naman ako sandali at napatingin kay Nick. At umiling.

"Bakit po ma'am may nasabi po ba kong mali? Sorry po."pag hingi ng paumanhin nito. Kita ko sa mukha niya ang kaba.

"No, wala. We broke up" sagot ko kay Nick.

"Kaya po pala, nung dumating kayo dito, kita sa mga mata niyo na hindi kayo masaya. Pasensya na po Ma'am."sabi nito

"No ka ba okay lang. Wag ka ng kabaduhan dyan."biro ko kay Nick, nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko.

"Si ma'am talaga mapagbiro."sabi nito. Sasagot na sana ko ng biglang bumakas yung elevator. Pumasok na ko dito at sumunod naman siya. Walang nagsasalita saaming dalawa hanggang sa makababa kami.

"Ingat po Ma'am. Coffee next time" sabi nito ng nakangiti sabay beso bago umalis. Sinundan ko na lamang ng tingin si Nick bago puntahan yung mga bakla, nakita ko naman na nasal abas ang mga bakla na may ngiting nakakaloko. Siguro nakita nila yung kanina.

"Ay ivaaa si Betla oh! May bago na agad. Pero infernezzz pogiii si fafa niyo!!!!"asar ni Buern.

"Kayo mga bakla talaga kayo! Kung ano ano pinagiisip niyo e. Tara na nga ginagawa niyo pa kong pokpok. San pala si Jorge?"sabi ko

"Ayy Meme nauna na dun! Antagal mo kasi inip na kami!"sagot ni Budi.

"Sorry naman nakaidlip ako. Siya tara, I know your excited to see the beach and also the owner"sabi ko at nginitan sila bago dumaretso ng van. Umupo ako sa tabing bintana para pagmasadan ang maganda tanawin papunta sa Resort nila Ion. Hanggang sa dalawin ulit ako ng antok.

Nagising ako ng may biglang tumampal sa mukha ko.

"Ano ba, ansakit!"sabi ko.

"Hoy Mamah anong oras mo balak bumaba dyan. Tulog mantika ka nanaman dyan nakakahiya kila Ion kanina pa dun nag hihintay."paliwanag ni Jorge, agad nman akong napabangon sa sinabi niya. At kinuha ang bag ko para mag retouch. Ilang minute ang lumipas bumaba na rin ako sa sasakyan. Sobrang ganda at tahimik sa resort nila Ion perfect place to move on.

Naglakad na kami ni Jorge papuntang rest house nila Ion, pagakarating naman naming dun ay agad kaming pinagbuksan ng gate, Malaki yung bahay nila at sobrang ganda kasi yung design niya yung pang mga 90's pa. And sobrang lawak ng lupain nila, maraming hayop, maraming prutas. Sobrang ganda lang, ngayon lang kasi ako nakapasok dito sa rest house nila kaya sobra na lang yung pagkamangha ko.

"Maligayang pagdating po"bati saakin ngi sang matandang lalaking may hila hilang kabayo (o hindi ako ha).

"Salamat po."sabi ko dito. Nginitian na lang niya ako tska umalis.

Pagkapasok naman naming sa bahay ni Ion, agad bumungad saakin ang isang matipunong lalaki. At yun ay si Ion, sinalubong niya ko ng may magandang ngiti sakanyang labi. At masayang mga mata, nagbeso naman kami at rinig ko ang witwiwww ng aking mga kaibigan.

"Finally nakarating ka na gutom na rin ako."biro niya. Badtrip tong lalaking to pinapunta lang ata ako dito para bwisetin.

"Sana kumain ka na kung nagugutom ka, dala ko ba ang ulam?"inis kong sabi dito.

"Ang taray naman nito, di na mabiro. Tara na masamang pinaghihintay ang grasya."sabi nito. Lumakad na lang ako papuntang dining table ng hindi siya kinikibo. Pagkaupo ko agad na kaming nagdasal at kumain. Kumain na ng walang kibo, pagkatapos naming kumain dumaretso na agad ako sa kwarto, na itinuro saaakin ni Ion. Wala ako sa mood makipag kwentuhan sa kanila ganitong binadtrip niya ko.

Pagkarating ko sa kwarto, agad kong inilapag ang bag na dala ko at humiga sa kama. Umidlip na muna ko para maibsan ang pagod na aking nararamdaman.

Itutuloy...........................



Sorry guyss ngayon na lang ulit nakapagupdete.Sobrang busysa school e, may thesis kami na kailangan ayusin tapos yung defense. May exam pa sorry. Pero mahaba naman to hahahaha 3 kabanata hope you like it. 

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon