"Me we're ready to go na!!!!" sigaw ni Buern. Napatingin na lang ako sa kisame kahit pa naka ilang ulit na sila kumatok at sinabing ready na sila. Iniisip ko pa rin yung mga sinasabi ni Westle sakin kanina. After all, parang ang dali lang sa kanya ang mag sorry at bumalik. "Me!!!!! Ano na naiinip na kami" sigaw ulit ni Buern. "Oo pababa na wait lang" sagot ko para di na mangulit.
"Hoy bat parang tulala ka diyan?" tanong ni Ion. Tumingin lang ako sa kanya at umiling. "Alam kong may gumugulo sayo, share naman dyan." Sabi muli nito. "Kulit mo din no. Sabing wala nga e. Manahimik ka na lang dyan ha" sagot ko dito, sa halip na sumagot pa saakin ay kinuha na lang niya ang cellphone niya at nag Instagram na lang.
Pagkalipas ng ilang minute ay narrating nanamin ang Bar. Agad nagbabaan ang mga bakla habang si Ion ay hinihintay ako na makababa. Inoffer ni Ion ang kanyang kamay, tinignan ko lang ito at bumaba na lang. Napatingin naman siya saakin ng masama at nauna ng lumakad. Parang napakasama ko namang tao, nagmamalasakit na nga lang yung tao tinangihan ko pa.
Pumasok na kami sa bar at umorder na ng maiinom, tahimik lang ako at walang ganag mag salita. "Me, dito lang kami ha madaming boylets e, iwan na lang namin si Ion dito para may kasama ka." Tinanguan ko na lang sila at uminom na lang. Nang makalayo sila walang nagsasalita samin ni Ion. Nakasaimangot lang si Ion habang pinapanood yung mga nag sasayaw.
"Kung gusto mong sumayaw okay lang akong magisa dito"sabi ko. Hindi niya ko sinagot o tinignan man lang. Uminom na lang ulit ako at hindi na siya kinausap. Tumagal ng ilang minuto ang katahimikan na iyon, walang nagsalita saaming dalawa. Nabasag lang ito ng may biglang lumapit sa table namin. "Hi"bati ng babae. Tinignan ko lang ito at nginitian. "Can we join here?"tanong ng babae. "Sure" sagot ko.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang babaeng umupo sa harap ni Ion. Nag kukwentuhan silang dalawa at nakita ko na tumatawa si Ion. Para naman akong thirdwheel dito so I decided to go somewhere. "Amh, excuse me, punta lang akong cr" sabi ko. Tumango lang yung babae samantalang si Ion para di man lang ako narinig.
Wala nanaman akong kasama. Pumunta na lang ako sa may front desk para umorder ulit at ilunod na lang ang sarili sa alak. "One tequila please" saad ko sa bartender. Binigyan naman agad ako nito. Pagkabigay ay agad koi tong nilagok napatingin na lang saakin yung bartender. "Tequila please" ulit ko. Binigyan naman agad ako ng Bartender.
Lumipas ang ilang minute at tuluyan na nga akong nalasing. "Ahm, gi—give me Red Dynamite please" saag ko sa bartender napatingin naman ito saakin ang nagdadalawang isip kung bibigyan ba ako o hindi. "Please!" sabi ko. Inihanda naman niya agad at ibinigay saakin at dali daling nilagok. DI ko na maramdaman yung tapang dala g Red Dynamite. Umorder muli ako at sa pangalawang pagkakataon may biglang umawat saakin. "Stop drinking that kind of drink" saad nito. Napalingon naman ako at nalamang si Westle pala ang nagsalita. "Why a-re you he-re?"tanong ko. "I want to see you, I went to your house but your maid tell me that you are here." Sagot nito. "Ba-kit ka ba nandito?"
"I want to see you nga."sagot niyang muli. "You know what Vice, lasing ka na, Ihahatid na kita let's go." Anyaya nito ngunit hindi ako sumama. "No, may kasama naman ako."sagot ko. "Asan? Bakit ka nila iniwan magisa what if may bumastos sayo dito." Concern niyang sabi. "Im fine I can manage myself. Kaya ikaw maghanap ka na ng ibang girls!"sabi ko dito. "No di ako maghahanap sayo lang ako. I think this is my chance to explain my side. Babe I know I hurt you but please, lasing lang ako nun di ko alam ang ginagawa ko, please come back, I need you." Paliwaag niya. "Really? You want me or you want my money? AHAHAHA! Wag mo ng paguluhin ang isip ko. Gulong gulo na ko!". "I know that you still love me please give me another chance to prove myself. Please"
Napatingin muna ako sadali sa kanya bago sumagot ulit. "Bakit ganun? Bakit sobrang rupok ko! Bakit isang sorry mo lang okay na ulit sakin, Bakit kahit gano kasakit yung ginawa mo isang tingin at ngiti mo lang sakin wala na. Bakit lagi na lang akong sinasaktan Do I deserve this?" sagot ko dito at sa pagkakataong ito di ko na napigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. NIyakap niya at binulungan. "I'm really sorry. Promise hindi na ulit mauulit give me another chance please." At kumawala sa yakap. Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot sa tanong niya.
Unting unti inilapit ni Westle ang kanyang mukha sa akin, napapikit na lang ako dahil alam ko na ang gagawin niya, sa tuwing may hindi kami pagkakaunawan lagi niyang ginagawa yun. Unti unting lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko mapigilan ang tugunan ang kanyang halik, namiss ko to, ang tagal ko ng hindi naranasan to. Tumingin muli siya sa akin sasagutin ko na sana siya ng biglang may sumuntok sa kanya. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko, napatingin din saamin ang ilan na nasa bar. "Ang kapal ng mukha mo ha! Ano! Sasaktan mo nanaman siya ang kapal mo din e no pagkatapos ng mga ginawa mo sakanya ganon ganon lang ano akala mo dyan laruan! Na kung kelan mo gustong balikan pwede!" galit na sigaw ni Ion. Nagutla naman ako sa nangyari na patayo na ko at tutuluyan si Westle ng makatayo ng biglang magsalita si Ion. "Ano Vice?! Binigyan mo nanaman siya ng pagkakataon para saktan ka ulit?! Hindi ka pa ba nadala!!" saakin naman siya tumingin.
"Wag mong sigawan si Vice!"bwelta ni Westle. "Wow!!! Oh ayan isa pa" at sinuntok muli ni Ion si Westle "Fuck U!" sigaw ni Ion at hinila na ako palabas, madami ang nakatingin saamin ngayon na akala mo may shooting.
"Umuwi na sila Jorge. Sumakay ka na." tipid na sabi ni Ion. Napatingin na lang ako sa itsura ni Ion na galit na galit. Habang nasa byahe kami ay biglang nagsalita si Ion. "Ano binigyan mo na ba ulit ng chance?" tanong niya. Umiling ako bilang sagot. "Pero pumayag kang halikan ka niya?"tanong niya ulit. Napatingin na lang ako sa kanya. Nakita niya ba lahat, nandun ba siya, narinig niya kaya yung pinaguusapan namin. "Narinig ko, nagpadala ka nanaman ba sa mga mabubulaklak niyang salita?"tanong niya ulit. "Ah Ion di yan yung daan pauwi"pag iiba ko ng usapan. "Alam ko." Tipid niyang sagot. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Itutuloyyyyy............
after 1562165 years nakapag update din. Sorry ahahaha.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceAng kwentong ito ay para sa mga taong nawalan na ng pag-asa na makakahanap pang muli ng totoong pagmamahal. Inaalay ko to sa mga LGBT na hindi na muling umibig dahil nasaktan na sa nakaraan na pag-ibig. Ngunit bakit nga kung sino pa yung seryosong...