Naalipungatan ako ng makaramdam ako ng gutom. Bumangon agad ako at dumaretso papuntang kusina, pagkalabas ko, tahimik at madilim. Bumama na ko para makakain na dahil nagugutom na ko. Nang makarating ako sa kusina agad kong binuksan yung ref para mag halungkat ng makakain, napahinto nalang ako ng makarinig ng yabag ng isang tao, agad naman akong kumuha ng walis tambo at pumunta sa gilid.
"Whaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"sigaw at pinaghahampas siya ng walis tambo.
"Aray ko, sandali, aray tama na."awat niya. Hininto ko naman ang paghampas ng marinig ko yung boses niya. Nagutla naman ako ng makita kung sino yung pinaghahampas ko. Hindi agad ako nakapagsalita ng mapagtanto kong si Ion pala yung hinahampas ko.
"Aray ko naman, bakit ba namamalo ka?! Ang sakit kaya tignan mo pulado."sabi niya. Mukhang galit hala ano ba tong ginawa ko sobrang matatakutin kasi Vice ee.
"Sorry" sabi ko
"Kala mo magnanakaw ako? Ang sakit kamo! Ang lakas mo pa mag hampas!"sabi niya
"Sorry, akala ko kasi e... Sorry" paulit ulit kong sinasabi saknya. Dyusko nakakahiya naman nakikistay na nga lang ako tas ganito pa yung ginawa ko.
"Okay na. Wag ka na dyan malungkot, nagugutom ka ba?" Tanong niya. Tinanguan ko na lang siya bilang sagot.
"Wala na atang tirang pagkain pero may cake pa dyan sandali umupo ka na lang dyan ako na kukuha. Coffee you want?"pag aalok niya.
"Ako na magtitimpla."sagot ko. Nginitian niya na lang ako bago kumuha ng cake at plato.
"Mas masarap dun sa labas, maganda view dun."sabi niya. Di ko naman siya kinibo dahil sa hiya pa rin. Pagkatapos namin dumaretso na kami sa labas para dun kumain. Umupo na ako at tama nga siya sobrang ganda dito kita mo yung mga ningning ng mga bituin.
"Bakit di ka pa natutulog? Siguro may nagiisip sayo."sabi niya. Tinignan ko naman siya at nakitang nakangiti may balak nanaman ata tong bwisiten ako.
"Di porket di pa ko nakakatulog, may nagiisip na agad. Di ba pwedeng naalipungatan lang dahil sa gutom?!" mataray kong sagot sakanya.
"Ayan nanaman po sya nagtataray nanaman po siya."
"Kasi kung ano ano pinagsasabi mo."inis kong sabi dito.
"Di ka na mabiro naman Sungit seryoso lagi." Sabi niya
"Wala kong panahon sa lokohan ha." Sagot ko dito at ibialik na lang ang atensyon sa kalangitan para tignan ang mga bituin.
"Okay I'm sorry. Wag ka na mainis. Di bagay sayong nakasimangot." Sagot nito. Kinilig naman ako ng bery slayt sa sinabi niya kaya napasubo na lang ako ng cake.
ION's POV
Tignan ko na lang si Vice, dahil wala kong natanggap na sagot mula dito. Tinitigan ko ang mala anghel niyang mukha. Maganda si Vice, at hindi ko alam kung bakit siya niloloko ng mga naging karelasyon niya. Actually na kay Vice na yung mga katangian na hinahanap mo sa isang babae, kahit hindi siya tunay na babae, nasa kanya pa rin lahat.
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha?" tanong nito
"Ay wala, sadyang nakaakdistract lang yang kagandahan mo." sabi ko dito sabay ngiti. Nakita ko naman napangiti siya.
"I know right. O siya, I'm full na. Tulog na ko, ikaw?"tanong niya.
"Sige na mauna ka na, matulog ka na maaga tayong aalis bukas. Don't forget to prepare your things. Dito na muna ko di pa naman ako inaantok."sagot ko dito, nginitian niya na lang ako bilang sagot sa aking sinabi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makataas ito sa kanyang kwarto.
Habang nakatingin sa langit, hindi ko namamalayan na tumutulo nap ala yung luha ko. Ganto tong luha ko, bigla bigla na lang tutulo. Siguro sa sakit narin, dahil sa nililigawan ko for amost 2 years, nalaman ko na lang na buntis na pala. Ang sakit lang umasa at maghintay sa wala, ang tagal na pala syang may kinakasama at hindi ko napapansin. Im so stupid.
Umakyat na ko sa kwarto ko para makatulog na rin, atska baka may makakitang umiyyak ako. Ayoko pa naman na nakikita nila kong umiiyak, gusto ko sa mata nila masaya ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko dun ko binuhos yung iyak ko na kanina pa nagbabadya. Hanggang sa dinalaw na ko ng antok.
Itutuloyyyy....
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceAng kwentong ito ay para sa mga taong nawalan na ng pag-asa na makakahanap pang muli ng totoong pagmamahal. Inaalay ko to sa mga LGBT na hindi na muling umibig dahil nasaktan na sa nakaraan na pag-ibig. Ngunit bakit nga kung sino pa yung seryosong...