Pag bukas ko ng pinto bumungad agad saakin ang dalawang taong nasa kama ko na walag saplot. Dahan dahan akong lumapit at isinarado ang pinto. Pumunta ko sa sa gilid ng aking kama.
"Masarap ba?" tanong ko agad. Kita ang pagkagulat sa mukha ng dalwang tao, tinitigan ko lang silang dalawa.
"Masarap ba ha?! Masarap ba?!!!" sigaw ko sa dalawa.
"Bab-e" tawag ni Westle
"Don't call me babe! Ano?! Kaya pala lagi kang hindi nagpaparamdam kasi, may iba ka na palang inaabala!" sigaw ko.
"Isabel, magbihis ka then lumabas ka muna."sabi ni Westle sa babae.
"No! Just stay there! Ano nahihiya ka na sa pinagagawa mo?! niyo?!" pagpigil ko sa babae. Pero parang walang narinig yung babae kaya agad akong pumunta sa harapan niya.
"Ano, tatakasan mo na lang yung ginawa mong mali?!"sigaw ko dito, agad naman akong pinigilan ni Westle pero, hindi ko siya hinayaan na pigilan ako sa gusto kong gawin. Hinawakan ko siya sa braso niya para hindi siya makapagdamit.
"Please vice, let me go!" pakiusap nito. Pero hindi ko ito ginawa mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit sa braso niya. Nararamdaman ko naman yung kamay ni Westle na inaalis ang pagkakapit ko sa babae.
"Ano ba Vice! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ko!" galit nitong sabi.
"Wow! Ikaw pa tong may ganang magalit after mong ahasin tong boyfriend ko! Ang kapal ng mukh-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang niya akong sinampal ng malakas. Nabitawan ko ang braso niya at hinawakan ang pisnge na ngayon ay namumula dahil sa lakas ng sampal.
"Hindi ko inahas ang boyfriend mo! Kung isa kang mabuting girlfriend kay Westle sana hindi siya naghahanap ng ibang kaligayahan! Oh sorry you are not a girl nga pala you are Gay right?! So hindi na ko magtataka kung bakit siya naghahanap ng kaligayahan sa iba!"sabi nito. Agad namang tumulo ang mga luha sa aking mata. Natahimik na lang ako at hinayaan siya makaalis. Naiwan kaming dalawa sa kwarto ni Westle.
"Bakit mo nagawa sakin to? May nagawa ba ko?"
"I'm sorry" sabi niya
"Yun lang? Yun lang sasabihin mo?"hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking luha.
"No, wala kang ginawa."
"Oh wala pala bakit kailangan mo ko saktan?" tanong ko.
"I'm sorry" sabi nito. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang kanya mga mata, at sinampal ng malakas.
"Sorry lang Westle! Sorry lang! Binigay ko lahat! Iniwan ako ng mga kaibigan ko dahil mas pinapaniwalaan kita! Inuna kita kesa sakin! Minahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko! Pero bakit ganito yung sinukli mo! Nangako ka e, nangako kang hindi mo ko iiwan, nangako kang hindi mo ko sasaktan pero hanggang salita lang pala! Pinaniwala mo ko e, pinaniwala mo ko na mahal mo ko, na aalagaan mo ko, na kasama kita hanggang sa pagtanda pinaniwala mo ko! Ngayon na nalaman ko na puro kasinungalingan lang lahat, hindi ko na alam kung paano mag sisimula. Sana inisip mo muna yung maaring kalabasan bago mo ginawa yun."sabi ko dito.
"Vice listen to me, I love you. I really love you. Pero kasi Vice, lahat nagbabago. I'm sorry, hindi ko gustong saktan ka. Sorry. Pero hindi ko na kayang tinuloy to, ayoko ng lokohin ka, ayoko ng saktan ka. Im breaking up with you Vice. Yung nakita mo kanina that girl, Isabel is my girlfriend. I'm sorry."sabi nito. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Westle, gusto ko siyang sapukin, gusto ko siyang saktan. Pero di ko magawa, para kong natuod sa tapat niya, hindi nakapagsalita.
"Vice" tawag nito sakin.
"I'm sorry" dagdag nito, tinignan ko siya bago nagsalita.
"Westle sana di mo na lang pinatagal kung balak mo rin naman akong saktan. Gusto ko kitang saktan pero di ko magawa! Ka-"
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceAng kwentong ito ay para sa mga taong nawalan na ng pag-asa na makakahanap pang muli ng totoong pagmamahal. Inaalay ko to sa mga LGBT na hindi na muling umibig dahil nasaktan na sa nakaraan na pag-ibig. Ngunit bakit nga kung sino pa yung seryosong...