Ion's POV
Naiwan akong magisa dito sa may dagat, di ko ba alam kung bakit bigla na lang nagtaray yung babaeng yun. Di ko naman inaaway. Minaigi ko na lang na wag siyang sundan kasi baka lalong mainis saakin, naiwan akong magisa sa may cottage habang nilalaghap ang simoy ng hangin. Gusto ko tong ganto yung tahimik lang, ayoko ng magulo, gusto ko ganito lang. Yung may maganda at malinis na dagat, fresh air at higit sa lahat tahimik na kapaligiran.
Habang nagmumuni muni ako may biglang lumapit saking isang babae, mukhang mga foreigner, ang puputi, blonde yung buhok, matangos yung ilong.
"Good Afternoon Mr." bati nila
"Good Afternoon Madam? How can I help you?" patatanong ko baka kasi may kailangan kaya lumapit saakin.
"I just want a friend right now to talk about something, im so bored."
"Oh, madam sure, you can talk to me." Pagsangayon ko sakanya, syempre bilang may ari ng resort na to kailangan kong maging palakaibigan. Kasi aanhin mo ang magandang resort na ito kung hindi ka marunong makitungo.
"I'm Jean. I am from San Francisco, but every year umuuwi kami dito to visit my grandparents and my tito's and tita's. You, what is your name?" panimula niya
"Oh you know how to speak in tagalog. I'm Ion, the owner of this resort."
"Really, nice meeting you Ion. Yes I know to speak in tagalog kasi nga every year umuuwi kami dito." paliwanag niya
"Taga saan ka naman dito?"
"Taga Silang Cavite kami, gusto lang nilang magbakasyon sa magandang lugar so. E ayaw ko muna kasi umalis dun sa bahay, kasi nga napapagod ako tas ganto pa madadatnan ko dito, wala man lang akong makausap may mga kanya kanyang buhay yung mga pinsan ko"
"Kita ko nga haha, naghahanap ka ng makakausap. What do you want talk about ba?"pagtatanong ko muli dito.
"Di ko din alam" sabay niyang tawa kaya nakitawa narin ako para ba namang sira, walang gustong pagusapan.
"I have an idea, you want enjoy your vacation here right? Let's go itutour kita"pagaalok ko sakanya, wala naman kaming paguusapan kaya minagi ko na lang igala siya. Para naman may magawa kami.
"Really!! Tara!!! Im so excited!!!!"
Naglakas na kami papunta sa may garden ng resort na ito, habang naglalakad kami ay hindi ko siya magawang hindi tignan, kasi sobrang tahimik niya lang tas halata mo sa kanya na bagot na bagot siya, kaya minaigi ko ng magsalita bago pa to antukin sa daan.
"Alam mo ba, nung una, wala gaanong taong napunta dito. Kaya naisipan kong ipasara na lang to." Pagsisimula ko.
"Ang bilis mo namang sumuko." Sagot niya
"Hindi sa mabilis sumuko, naisapan lang naman e." pagpapaliwanag ko
"Ganun na rin yun naisip mo e malapit ka ng sumuko, alam ganun naman sa una, akala mo hindi patok, akala mo hindi pupuntahan, pero after ilang months orweeks naman mappuntahan din to sa sobrang ganda ng resort na to."
"Atska alam mo ba, kung susuko ka agad, walang mapupuntahan yung mga tao na ganitong kaganda!"dagdag niya sabay harap saakin. Nagkatitigan kaming bigla bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang garden.
"Wow, just wow! This is so beautiful, picturan mo koooo!!"magiliw niyang sabi
"Sure, akin na." pagsangayon ko, ibinigay na niya ang cellphone niya para picturan nakailang take din kami ahahahaha, pag talaga mga babae no, ayaw pumayag na ang papanget ng kuha nila.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceAng kwentong ito ay para sa mga taong nawalan na ng pag-asa na makakahanap pang muli ng totoong pagmamahal. Inaalay ko to sa mga LGBT na hindi na muling umibig dahil nasaktan na sa nakaraan na pag-ibig. Ngunit bakit nga kung sino pa yung seryosong...