Kabanata 13

115 6 0
                                    

VICE's POV

ISANG linggo na rin ang nakakalipas nang dalhin ako ni Ion sa sarili niyang isla. Nabawas bawasan din ang bigat na aking dinadala. Sa loob ng isang linggo ko mas lalo kong nakilala si Ion, he's a man that very clean in his house not like other mens. He's good in cooking adobo. May girlfriend na kaya siya? Baka wala, pero sa gwapo ba naman ni Ion yun mawawalan baka nga madami na yung babaeng pinaiyak sa sobrang gwapo. Pero kung meron sobrang swerte ni girl kasi sobrang gentleman ni Ion. Ipagluluto ka, lagi kang uunahin, he will think of you before his self.

Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla akong batukan ni Buern.

"Ano ba masakit"daing ko.

"Ah masakit? Kung pinapansin mo ko kanina pa ko nagsasalita dito edi sana hindi ka nabatukan diba."mataray niyang sagot.

"Im sorry, may iniisip lang ako."sabi ko. Ngumiti naman siyang nakakaloko. "Kung ano man yung iniisip mo hindi." Sabi ko dito.

"Bakit meme napangiti lang ako." Sagot niya. "Ah ewan sayo, ano ba yung sinasabi mo?"tanong ko. Minabuti ko ng ibahin ang topic kasi mamimiit nanaman tong baklang to.

"Jorge call me, they will visit you here in manila with Cedric."masiglang sabi ni Buern. "Ano? Kelan?" pagtatanong ko.

"Si Jorge and Cedric ay pupunta dito meme kasi miss ka na daw nila they want to talk to you. Bukas ng umaga nandito na sila."paliwang ni Buern. "What bat ngayon mo lang sinabi. Do I have groceries pa sa bahay? Mygahd buern! I have meetings tomorrow." Sabi ko dito.

"Meme sandali lang naman yung meeting mo with Mr. Lim so keri pa yan. Tska kami na bahala ng mga bakla sa pag aayos nung guest room mo at sa mga pamimilihin"sabi niya. "Thank you Buern. I will stay here na lang to finish my work."

"Owkiee meme, wag magpakapagod. Bye"paalam neto.

Kasama kaya si Ion bukas bakit sinabi ni Buern na si Jorge at Cedric lang? Isasama kaya ni Cedric si Ion. Bakit naman isasama ni Cedric si Ion e nakakapaglakad naman ng maayos si Cedric. Nako ayan ka nanaman Vice, tska bakit mo ba hinahanap si Ion e hindi ka naman nga ata naalala nun.

Tinapos ko na lang ang mga kailangan tapusin kesa mag isip ng kung ano ano.Atleast may natapos ang bakla kesa naman sa wala. It's already 12:30 in the morning but ang dami ko paring paper works to do. Napatigil ako sa ginagwa ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ito kahit hindi ko pa tinitignan kung sino ang tumawag.

"Hello"

"Hi maam vice kamusta ka na po?"sagot ng sa kabilang linya.

"Sino to?" tanong ko

"Ako po si Nick maam"sagot niya. "Oh Hi Nick bakit ka napatawag may problema ba?"tanong ko ulit.

"Wala naman po maam gusto ko lang po kayo kamustahin."

"Ayos lang naman ako. Kanino mo pala nakuha yung number ko?"

"Kay Jane po maam, sorry po maam wag niyo po pagalitan si Jane ako po yung nagpumilit na ibigay niya yung number mo." paliwanag niya. "Chill Nick, di ko siya papagalitan, but answer my question"

"Ano po yun maam?"

"Bakit mo kinuha yung number ko kay Jane?"

"Ah ahm an.... Ano... ano po kasi. Gusto ko lang po kayong kamustahin palagi, opo yun, gusto po kita laging kausap."

"Laging kausap bakit naman?" pangigisa ko. "Wala po kasi naisip ko po baka kailangan niyo ng makakausap sa mga problema niyo, sa pagibig ganun po." Sagot niya. "Hay nako Nick, thankyou sa pagaalala ha but im ok na."

"Ok na ok po?"

"Not sure ahahaha, dadating na lang siguro yung araw na gigising akong walang dinadalang mabigat dito sa dibdib ko."

"Hala maam, ano po yung mabigat sa dibdib niyo? kagaya po yan nung kay Ivanna Alawi?" biro niya. "Ah talaga ba Nick. Im your boss remember?" pagtataray ko

"Im sorry maam"

"HAhahaha just kidding ano ka ba, tska kung gusto mo ko maging kaibigan kapag wala sa trabaho or not related sa work, alisin mo na yung maam atska po, ok?"

"Ok po, ay sorry Ok!!"magiliw niyang sagot. "O sige na Nick I need to end this call madami pa kasi akong tatapusin. Thank you for calling me."

"Okat sige, nako wala yun basta ikaw, sige matulog ka na agad para di ka magkasakit. Goodnight"

Pinatay ko na yung tawag para makabalik sa ginagawa ko, ang sweet lang ni Nick, anong oras na pero tinawagan niya parin ako para kamustahin. Sobrang mabait lang talaga si Nick, at iniidolo ko siya for being a nice man. Sana lahat ng lalaki katulad niya, pero wala lahat ng tao may pagkakaiba iba at kailangan pakisamahan.

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko, it's already 7 am na pala, and I have 8 am meeting with Mr. Lim, syet I need to ready my self. Mabilis akong nagayos para hindi malate sa meeting.

"Good morning" bati ko sa mga empleyado ko. "Good morning maam" .

Ilang oras din ang tinaggal ng aming meeting na seryoso/biruan. Mabait talaga si Mr. Lim ayaw niyang nasstress ang mga workers niya kaya kapag may mga joke siya naisisingit niya pa ito.

"Pano Ms. Viceral? Coffee tayo minsan?"

"Sure Mr. Lim? Ingat sa paguwi thankyou"

Agad akong umalis sa office pag katapos ng meeting namin, umuwi agad ako dahil sa kasabikan na makita ang dalawa kong kaibigang beki. Tinawagan ko sila Buern para itanong kung nandun na ba sila Cedric.

"Buern, nandyan na sila."

"Meme!!!!!!!!!!!!!!!!! Nasan ka na may surprise kami sayo." Sigar ng dalawang bakla

"Hoy hoy hoy, ang lakas mga bakla kayo , im on my way. Ano naman yang surprise niyo sakin?" pagtatanong ko sa kanila. "Ano bay an Mah!!! Hindi nay un magiging surprise kapag sinabi sayo diba. Bilisan mo na lang I can't wait to see your expression when you see it." Excited nilang sabi. Nako tong mga baklang to mas mukha pang excited kesa sa akin. "Okay okay, see ya laterr"

------------

Binuksan agad ni Kuya Mar ang gate. Agad din akong bumaba pag kapark ng aking sasakyan, binate ko muna si Mang Mark at Kevin. Papasok na ko ng pinto ng biglang harangin nina Mary at Angel ito.

"Oh bakit?"pagtatanong ko. "Ano po kasi ma'am di po kasi daw okay yung sa loob" paliwanag nila. Wala naman akong nagawa kaya nag stay na lang muna ko dito sa harap ng pinto hanggang sa tawagin nila ako.

"Hi Mah, Vice!!!!!!!!" sigaw nila Cedric at Jorge agad naman nila akong niyakap. "Whaaa I miss you both." Sabi ko sabay yakap muli. "So ano eto na yung surprise niyo sakin mga balloons?" pagloloko ko. "Ay nako hindi Vice may iba pa okay piring mo muna mata mo eto oh."sabi ni Cedric sabay abot ng scarf "Nako baka niloloko niyo ko ha baka mamaya ihuog niyo ko sa hagdan."sabi ko. Magagawa ba naman namin yun e di hindi mo kami pinagstay dito sa bahay mo."paliwanag ni Jorge nginitian ko na lang siya at sinuot na scarf na ibinigay ni Cedric sakin.

Inalalayan nila akong maglakad hanggang sa huminto na kami at pinatalikod ko upang tangalin ang scarf. "Okay Vice pag bilang ko ng lima haharap ka ha okay."paliwanag ni Cedric, tinaguan ko siya bilang sagot at hinintay ang hudyat niya. "isa, dalawa, tatlo, apat".............. "LIMA!!!!" sigaw nilang lahat. Hindi agad ako nakaimik dahil sa nakita ko. Bakit siya nandito?

Itutuloyyyyyy...............

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon