Kabanata 14

110 6 0
                                    

HINDI agad ako nakaimik dahil sa nakita ko. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?

"Hoy Vice, ano matutulala ka nalang ulit sa kagwapuhan ko"sabi niya sabay tawa ng malakas. Napakahambog talaga nitong taong to kahit kalian. "Alam mo Ion hindi ako matutulala sayo kasi hindi ka naman gwapo tska bawal bang nagulat lang kasi nandito ka?"pagtataray ko.

"Yan ka nanaman nagsusungit ka nanaman oh flowers" sabi niya sabay abot ng bulaklak na nasa likod niya kanina. Tinignan ko muna ito ng matagal. "Wala yang gayuma, kunin mo na sayang yung perang pinambili ko."saad niya. Kahit kalian talaga nakakabwiset tong lalaking to. "Hoy! Mr. Ion Perez, sino ba kasing may sabing bumili ka ng bulaklak?, ikaw pa ngayon ang may ganang manumbat."

Napatingin na lang siya sakin bago siya nagsalita. "Hoy din Ms. Vice! Di ako nanunumbat, tska wag kang magtaray kasi palagi na lang pag nagkikita tayo nanaray ka, ang gusto ko lang ay kunin mo to kasi wala namang masamang tumanggap ng bulaklak. Bakit may boyfriend ka ba para hindi mo tanggapin to?"buwelta niya. Di ko na siya sinagot at kinuha na lang ang bulaklak na hawak niya. "Thanks".

-------------

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng malakas na tugtugan sa bahay. Bumangon agad ako at nagayos para makababa na. Pagkababa ko sa nakita ko ang mga baklang, nagsasaya at nagiinom kahit sobrang aga pa.

"Hoy, hoy, hoy ke aga aga naman naglalasing agad kayo."saway ko sa mga ito. HIninaan naman agad ni Kitty ang tugtog para magkaintindihan kami. "Eto naman si Meme, napakataray naman, nagsasaya lang kami wag kana magalit sorry na kung nagising ka sa ingay hihinaan na lang namin."sabi ni Jorge. "Ewan ko sa inyo, sinira niyo yung maganda kong tulog. Sige na ipagpatuloy niyo na yan pero wag kayong magpakalasing kasi mamaya may rampa tayo."sabi ko. "Thankyou Me!!!!! Sige na may breakfast na dun." Sabi ni Buern. Nginitian at tinaguan ko na lang siya at sinensyahan na ipagpatuloy na ang party nila pero hinaan konti dahil may kapitbahay.

Pumunta naman ako sa kusina para magkape at magumagahan, ngunit sa hindi nanaman inaasaang pagkakataon makakasabay ko nanaman atang kumain ang hambog na lalaking ito. "Oy, Good morning Ms. Vice kain ka na sabayan mo na ako para ganahan naman ako."sabi niya. Nginitian ko lang siya at umupo na. Sumandok naman ako ng kanin at kumuha ng ulam. "Nagising ka rin ba sa ingay?"tanong niya. "Oo" tipid kong sagot sa kanya. "Sungit."sabi niya tinignan ko na lang siya ng masama at bumalik na lang sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa garden para makapagisip isip at makalanggap ng sariwang hangin. Napatigil naman ako sa paglalakad ng may biglang nagsalita sa likod ko. "Ang sarap talaga kapag may sarili kang hardin sa iyong bahay diba Binibini." Lakas neto makalumang tao ah. Pero totoo nga naman ang sinabi niya kasi kapag stress ka punta kalang sa garden mo mawawala na ito. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang swing at naupo doon.

"Siguro kapag may mga problema or stress ka dito ka napunta no."pagtatanong niya. Sobrang daldal naman neto hindi ko na nga sinasagot mga tanong niya pero patuloy pa rin siya, makulit din. Tinaguan ko na lang siya. "Bakit ba hindi ka nagsasalita, hindi ka pa siguro nakakapagtoothbrush yuck"asar niya. "HAHA nakakatawa, nakapagtooth brush na ko gusto ko lang ang tahimik na lugar kaya hindi ako nagsasalita. Kaya ikaw din pakiusap manahimik ka muna"sabi ko dito, nakita ko namang napakamot na lang siya sa kanyang batok tsaka humigop ng kapeng iniinom niya kanina.

Pinagmamasdan ko lang siya habang iniikot niya yung garden ko, gwapo tong si Ion kahit sobrang kulit. Siguro sa gwapo niyang yan madami ng naiuwi babae to. Pero mabait naman siya sana ganun na lang din si Westle para di na ko nasaktan. "Baka matunaw ako Binibini." Bumalik lang ako sa ulirat ng biglang magsalita si Ion. "Ha? Bakit ice ka ba at natutunaw ka?" sagot sabay ngiti. "Alam mo mas maganda ka kapag nakangiti ka, bagay sayo."sabi niya. "Nako Ion wag mo na kong bolahin ha kasi hindi naman bola."

Nginitian ko na lang siya at tumayo para diligan yung mga halaman. Habang nag didilig ako may makulit nanamang nakasunod saakin at panay ang dadal. "Alam mo Vice hindi ko talaga gusto yang mga bulaklak ayokong nagaalaga ng mga yan hanggang dumating yung araw na gumising na lang ako na gusto ko na magalaga ng bulaklak di ko alam kung bakit bigla na lang ganun." Di ko naman siya tinatanong daldal ng daldal. Tinanungan ko nalang siya kahit walang naman kailangan tanguan."Hay nako dyan ka na nga feeling ko ayaw mo kong kausapin, sayang naman tong pogi ko kung di mo ko kakausapin."sabi niya."Buti alam mo. Wala akong pake kung gwapo ka o hindi"sagot ko. Hindi na nga sumagot si Ion at naglakad na ito papalayo saakin. Bumalik na lang ako sa pagdidilig pero napatigil ako ng biglang mag ring yung cellphone ko.

"Hello."

"Babe I miss you" napahinto ako ng marinig ko kung sino yung kausap ko sa telepono.

"Babe can we talk? I really miss you, and about what happened nung umuwi ka Im so sorry I just missed you that day and im so drunk that day so I don't know what Im doing please forgive me. Come back to me please I can't live without you." Napaisip muna ko bago ako sumagot pero naalala ko yung sinabi ni Ion nung nasa Island niya pa kami.

FLASHBACK

"What if sabihin sayo ni Westle na bumalik kayo sa dati anong gagawin mo?" tanong ni Ion. Napatitig muna ko sa baso ng matagal bago sagutin siya.

"I will forgive him I love him e, gusto ko ring bumalik kami sa dat-----"

"Kahit sobrang dami na niyang nagawa sayo na nakakasakit sayo kahit na alam mong uulitin niya yung mga pambabae niya yung panloloko niya sayo. Babalikan mo pa rin?" dagdag niya ulit

"Oo?............ hindi ko na alam."at hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko. "Sige ilabas mo lang yan Vice, pero please pagkatapos neto wag mo na ulit sayangin yang luha mo sa maling tao ha, hindi lang siya yung magmamahal sayo marami pa dyang iba na hindi ka lolokohin kaya please itigil mo na ang pag iyak sa taong di ka kayang mahalin at respetuhin. Kasi kung manloloko na talaga yun kahit ikot ikutin mo man ang mundo manloloko at manloloko yun sayo." Paliwanag niya.

END OF FLASHBACK

"Westle"

"Yes Babe"

"Please don't call me babe, why are you still calling? Do you need anything?"

"I need you"

"Please Westle don't hurt me again. Wag mo na akong paasahing magbabago ka. Kasi kung gusto mo talaga ko dati mo pa tinupad yung pangako mo. Im sorry but I don't need you."

"Why vice?Because of other man? Kasi may minamahal ka na?"

"NO! Hindi ako katulad mo na kating kati nang lumandi"

"Im sorry Vice but please give me another chance I'll promise that I will not hurt you again I will be loyal to you please forgive me"

"Please Westle stop calling me, I need to go By-"

"Wait Vice don't end this call. I miss you voice please talk to me. How are you?"

"Westle I need to go, wala na tayong dapat pagusapan dahil simula nung umalis ka dito at pinili mong samahan yung kabit mo, sinabi ko na sa sarili ko na never na kong magpapauto sa katulad mo. Kaya kung pera lang din ang habol mo sakin sorry you don't deserve my money! Good Bye!"

Inend ko ang tawag, di ko na namalayan na may tumutulo na palang luha. Bakit ganun, kahit sabihin kong ayaw ko gusto ko pa rin siyang makasama bakit. Parang ang unfair naman lagi na lang ako yung sinasaktan. Bakit kahit anong gawin niyang panloloko't pananakit ayos lang sakin?

Itutuloyy..................................

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon