Kabanata 2

406 9 1
                                    

Vice's POV

"Bakit ganun Babe, mga kaibigan ko sila pero hindi nila ko sinusuportahan." Hagulhol kong sabi

"Babe, tahan ka na. Hayaan mo muna sila."sagot niya

Niyakap ko na lang si Westle habang umiiyak. Di ko alam kung saan ba ko nagkamali. Nagmamahal lang naman ako, suporta lang naman nila yung gusto ko pero di nila maibigay. Mga kaibigan ko sila pero, parang sila yung kaaway, sila yung kontrabida sa pagiibigan namin ni Westle. Napatigil na lang ako sa paghagulhol ng biglang nag ring yung cellphone ko.

Calling : Secretary Jane

"Hello Ma'am Vice."

"Bakit anong kailangan mo? Gabing gabi tumatawag ka?" wala ako sa mood sumagot ngayon.

"Ma'am Vice, kasi po ano po e"

"Ano ba yun? Pwede bang pakibilisan, madami pa kong kailangan tapusin."

"Ma'am, ka-kasi po yung branch po natin sa Davao, ano po e, may problema po"

"What?!"

"Ma'am kasi po, hindi pa po naidedeliver sa Clark Airlines yung pinapaayos po nila."

"Anak ng, akala ko ba malapit na matapos yun?!"

"Ma'am kailangan po kayong pumunta sa Ilocos to talk with to Mr. Reyes the Vice President of Clark Airlines"

"Okay, okay. Book me a ticket."

"Okay po Ma'am. I'll update you po after I book your ticket."

Pinutol ko na yung tawag, lalo pa kong nainis after what I hear. Problema sa kaibigan, pati sa trabaho, ang daming problema. Westle talking to me but I'm not answering his questions, I decided to call Engr. Ching.

"Hello Engr Ching!" pasigaw kong simula dahil, sobrang laki ng pwerso nanaman ng ginawa nila for me and for the Clark Airlines.

"Hello Ma-a-am"

"What is the problem!! Bakit naulit nanaman to! Akala ko ba matatapos niyo agad"

"Ma'am kasi po may mga piyesang po kaming pinadala po sa Manila, akala po namin okay na po yung ibang piyesa kaya po pinadala po namin sa Manila."

"Mygod Engr. Ching! Nakakahiya! Pangalawang beses na to!"

"Sorry po Ma'am, inaayos naman po namin bukas po maidedeliver na po namin. Pasensya na po"

"Siguraduhin niyo lang. I'll be there tomorrow!"

"Opo ma-"

Binaba ko na agad, at dumaretso na sa kwarto ko para magimpake. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang hatakin ni Westle yung kamay ko.

"Ano ba?!"

"Ano ba Vice! Kanina pa ko nagtatanong, hindi mo man lang ako pinapasin! Nagmumukha kong hangin dito Vice!"

"Pwede ba Westle please! Wag ka muna makisabay ang dami kong iniisip"

"Bahala ka dyan!"

Huling sinabi ni Westle bago siya bumaba, di ko na lang muna siya pinansin kasi ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ko haharapin bukas si Mr. Reyes. Dumaretcho na ko sa kwarto para magayos ng mga damit. Sobrang na stress na ko sa mga kaganapan ngayon.

Natapos na kong magimpake naisipan kong bumaba para lambingin si Westle before ako umalis bukas ng madaling araw. Hinahanap ko si Westle sa kusina, sa cr at sa likod. Pero hindi ko siya nahagilap so I ask my maid where is Westle.

"Mary, where's Westle."

"Ay Maam di ko lang po alam. Pero nakita ko po siya na lumabas, may kausap po e"

"Ah okay okay."

Lumabas ako para hanapin si Westle pero wala parin talaga siya kaya tignan ko yung garahe para tignan yung motor niya kung nandun. Pero pagkadating ko nandun naman yung Motor niya ang wala lang ay yung kotse ko saan naman kaya magpupunta yun? Dali dali akong umakyat sa kwarto para kunin yung cellphone ko para tawagan si Westle pero bigo pa rin ako kasi hindi ko siya macontact. Bakit kasi naginarte ka pa Vice e, ayan umalis tuloy si Westle. Kung kelan ka namana aalis ng matagal dunn mo pa hindi makakasama si Westle.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ko sa paghihintay ng reply ni Westle. Nagising na lang ako na kailangan ko na magayos dahil malelate ako sa flight ko. Kinuha ko yung phone ko to text Westle.

To Westle:

Hi Babe, good morning. San ka ba nag punta? Hinihintay kitang umuwi, I miss you so much. Aalis na ko miya miya Babe maliligo lang ako. Di ko alam kung kelan pa ba ko makakauwi e. Sobrang dami lang kailangan ayusin sa Viceral Aviation Services. Sorry Babe ha, ang init lang ng ulo ko kagabi e pero babawi ako pag uwi. Mag aayos na ko Babe, I love you.

Pagkatapos kong isend yung message for Westle dumaretcho na ko sa CR, nag ayos na at bumaba na para mag umagahan.

"Mary, pagumuwi si Westle tawagan mo ko ha."

"Ay opo Ate."

Umalis na ko sa bahay pagkakain ko ng umagahan para maaga kong makarating sa Airport. Habang nasa byahe ako. Hindi ko maiwasan icheck yung phone ko segusegundo, hinihintay ko pa rin yung reply ni Westle. Pero nakarating na kami't lahat sa Airport wala parin siyang reply, pero hindi pa rin ako naalan ng pagasa na magrereply, habang na sa waiting area ako, tinitignan ko lang yung phone ko. Nagulat na lang ako nung biglang nag vibrate. Umaasa kong si Westle na yung nag reply pero naubusan na ko't lahat ng load wala parin siyang reply.

Kailangan ko ng sumakay sa ereplano. Kaya pinatay ko muna yung phone ko.

After 2 hours, nakarating na ko sa airport ng Davao, dumaretcho na agad ako sa Avaiton para I check yung mga kaganapan dun.

"Good Morning po Ma'am"bati ni Engr. Ching

"Kamusta? Ayos na ba?"

"Yes Ma'am, maidedeliver na po mamayang 7 am."

"Okay good, ano pang problema dito?"

"Wala pa naman po Ma'am"

"Good Morning Ma'am" bati ni Gern

"Good Morning"

"Kape po ma'am?"

"Thankyou pakidalhan na lang ako sa office magpapahinga lang ako sandal kasi may meeting pa ko mamaya with Mr. Reyes"

"Sige po Ma'am"

Pumunta na ko sa office para magpahinga sandal at maghanda para sa meeting namin ni Mr Reyes. Wala parin ako sa mood kasi hanggang ngayon di man lang nagpaparamdam si Westle. Kaya yung mga bumabati sakin ay hindi ko nababati, dahil nga wala ako sa mood. Mas trip kong tumahimik kesa kausapin sila.

Itutuloy........

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon