Chapter 17: Her Gift

3.4K 131 2
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong araw na nagkausap kami ni Kevin. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi nito pinaramdam sakin ang pagkailang o ano mang sama ng loob. Sa halip ay mas naging malapit pa kami at mas naging maayos ang takbo ng aming pagkakaibigan.

Doon ko lamang din na realised na isa't kalahating linggo ko ng iniiwasan si Breeze. Hindi ko lubos akalain na ganoon katagal ko na pala itong hindi nakikita at nakakausap. Ano na kayang balita sa kanya? Ayos lang kaya siya? Iilan lamang yan sa mga madalas na sumagi sa isipan ko sa twing naaalala ko siya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako handa na makita ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya iiwasan at pagtataguan. Nadidismaya na rin ako sa aking sarili. Kaya lang kasi.. Hays!

Papasok ako ngayon sa mall para bumili ng mga bagong libro. Tapos ko na kasing basahin ang mga nabili ko nakaraan, kaya mangangalap na naman sana ako. Hihi. Excited na nagtungo ako dito ngayon sa mall dahil sabado naman at wala na akong gagawin sa bahay. Tapos na rin kasi akong maglaba at mag ayos sa buong apartment.

Ngunit natatanaw ko pa lamang ang entrance ng paborito kong books store ng matanaw ko roon si Breeze habang may kausap na isang lalaki. At sing bilis ng mata ni Flash na nahagip ako ng kanyang paningin kaya kaagad akong nagtago sa pinaka malapit na pweding pagtaguan.

Pwew! Ilang sandali pa akong nagtagal na nakatago bago ako nagsimulang sumilip muli kung nandoon pa ba si Breeze o wala na. At kung sinusuwerte ka nga naman, wala na siya kung saan ko ito nakitang nakatayo kanina. Hayyyy. Medyo nakahinga na ako ng maluwag.

"Are you avoiding me?!"

"Ay palaka!" Gulat na bulalas ko ng may magsalita sa likuran ko. Isang blangkong ekspresyon na mukha ni Breeze ang sumalubong sa akin pagharap ko. Ang bilis niya naman. Kanina lang kitang kita ko siya habang pinagtataguan ko tapos ngayon naman nasa harapan ko na siya. Napaiwas ako ng tingin at agad na napayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"H-hindi no? M-may tinitignan lang ako." Palusot ko pa. Hayyyy. Magkahalong dismayado at kahihiyan ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.

"Oh, really?" Kunware pang nagulat ito sabay napatango ng ilang beses. "Kung ganon anong sinisilip silip mo dyan?"

"W-wala no? Isa pa bakit naman kita iiwasan." Nakayuko paring sabi ko rito. Damn it Catherine ang stupid mo talaga!

"Because as I observed, your action speaks louder than your words." Seryoso at diretso parin ang mukha nito na parang walang balak ngumiti. Napalunok ako at tumingin sa ibang direksyon. "And besides, hindi ka makatingin sa mga mata ko." Dagdag pa nito.

Mabilis na hinawakan ako nito ng mahigpit sa aking balakang. "You're not going anywhere today." Seryoso parin ang mukha at tono nito. Kinakabahan na napakunot ang noo sa kanyang sinabi.

"Stop looking like that. God! You don't know how much I miss you Catherine." At walang pasabi na hinila na ako nito sa kung saan papuntang parking area.

Okay? At saan na naman kaya ako nito dadalhin? Ang hilig talaga ako nitong kaladkarin kung saan. Ni hindi man lang muna ako tanungin kung gusto ko bang sumama o hindi? Hmp.

Sus! Kunwari ka pa eh sa gusto mo naman talagang kasama siya palagi. Tuyo ng aking isipan.

Pagdating namin sa tapat ng kanyang sasakyan ay kaagad na ako nitong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat. Pagkatapos ay mabilis na umikot na ito sa kabila upang makasakay na rin. Hindi pa man ako nakaka ayos ng aking sarili sa pag upo ay walang anu-ano na sinalubong ako nito ng kanyang mga labi. Habang nasa pagitan naman ng aming mga dibdib ang dalawa kong kamay.

Biglang nanlaki ang aking mga mata at hindi kaagad nakapag react sa kanyang ginawa. Gumalaw ang mga labi nito kaya't napakapit ako lalo rito at sinubukang itulak ito papalayo sa akin ngunit mas malakas ito sa akin. Mabilis, mapanakit at punong puno ng pagnanasa ang kanyang mga halik. Halos hindi na ako makahinga sa kanyang ginagawa. Nauubusan na rin ako ng hangin, mabuti na lamang ay saglit na pinag hiwalay nito ang aming mga labi upang makalanghap ng hangin.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon