"Ma'am Catherine! Ayos lang ho ba kayo ma'am?" Natigilan ako sa pag takbo dahil sa boses ni Mang Damian. Pinunasan ko muna ang mga luha sa aking pisnge bago tuluyang napaharap sa kanya.
"A-ayos lang ho ako Mang Damian." Sinungaling. Dahil ramdam ko ang naninikip ng mga dibdib ko ngayon. At hindi ako okay. Nasasaktan ako ng sobra. Hindi para sa sarili ko kundi para kay Breeze.
Tinignan lamang ako nito bago ako binigyan ng isang mabagal na ngiti. Iyong para bang naiintindihan nito ang nararamdaman ko. Pagkatapos ay may iniabot ito sa akin na puting panyo.
"Baka lang ho kasi kailangan ninyo." Tatanggihan ko pa sana ang inaalok nito sa akin nang siya na mismo ang nagkusang ilagay ito sa mga kamay ko.
"Salamat Mang Damian, pero..pwede ho bang iwanan ninyo muna ako kahit sandali?" Paki usap ko rito. "I-I just need to take a breath."
Ngunit sa mga tingin nito ay alam kong hindi ito sasang-ayon.
"Pasensya na ho ma'am, mahigpit na ipagbilin ni ma'am Breeze na wag kayong aalisin sa aking paningin." Paghinge nito ng paumanhin.
Hindi na lamang ako umimik pa dahil alam kong hindi naman ako mananalo. Hindi naman niya ako boss para sundin, katulad sa mga sinasabi ni Breeze sa kanya.
"Pwede ko ho kayong iwanan mag-isa pero dyan lamang ho ako sa may hindi kalayuan. Iyong maaabot parin kayo ng mga mata ko, ma'am Catherine." Napatango ako. Mas maigi na siguro iyon kasya ang masyado kaming magkalapit. Kailangan ko lamang kasing ilabas itong mabigat sa dibdib ko. Muling namuo na naman ang mga luha sa aking mga mata.
" Mang Damian." Tawag ko rito nang maglalakad na sana ito papalayo sa akin. Muling napalingon ito sa akin.
"A-alam ko na kung saan mo ako dadalhin. Pwede ka bang maging driver ko ulit kahit ngayon lang?" Muling pakiusap ko rito na agad naman niyang pinagbigyan. May naisip kasi akong lugar na pwede kong puntahan ngayon. Iyong walang makakahanap sa akin. At sa lahat ng lugar, hindi ko rin naisip na mapupuntahan ko itong muli.
-----
Tahimik na pinagmamasdan ko lamang ang mga hampas ng alon na matatanaw ko mula dito sa ikalawang palapag ng beach house ni Breeze. Ang kanyang Sanctuary.
Oo tama kayo, nandito nga ako ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit dito ko naisipang pumunta. Hindi naman ako pinagbawalan ni Mang Damian. Isa pa, alam naman daw nito na ako lamang ang nag-iisang dinala ni Breeze rito. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malungkot nang sinabi iyon ni Mang Damian. Ibig sabihin kasi ako lamang ang pinagkatiwalaan ni Breeze na isama rito.
Pagkahatid nito sa akin ay umalis na ito upang mapag-isa muna ako. Ngunit bago iyon ay ibigay muna nito sa akin ang kanyang cellphone number para kung ano raw ang mangyari ay matatawagan ko ito kaagad.
Naisipan kong dumito na muna hanggang sa sumapit ang umaga. Lihim na, nananalangin ako na sana ay maging maayos na si Breeze sa mga sandaling ito. Kahit na gustuhin ko mang puntahan ito ngayon, hindi ko magagawa. Hindi dahil natatakot ako sa banta ng kanyang ina, kundi dahil alam kong mas kailangan nito ang mapag-isa, mas lalo at higit sa lahat hindi ako ang kailangan niya.
Kundi si Rick. Ang kanyang asawa. Pang-aasar pa ng aking isipan.
Napalunok ako at biglang napahawak sa aking tiyan nang makaramdam ako ng gutom. Kasabay din noon ang pag-ingay nito. Alas dyes na nga pala ng gabi at hindi pa ako nakapag lunch kanina at mas lalong hindi ako nakapag hapunan dahil sa mga nangyari kanina sa venue, ilang oras pa lamang ang nakalipas.
Malungkot na napabusangot na lamang ako sa sarili. Bababa na lamang muna siguro ako sa Kitchen. Tama! Baka sakaling mayroong kahit ano na pweding maluluto sa refrigerator ni Breeze.
BINABASA MO ANG
HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED
RomanceWhat if you meet the right person but not at the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****