Walang nagawa na sinunod ko na naman ang mga sinabi ni Breeze. Kahit ang pag plano nito mag isa na lumipat ako sa napakagarang apartment na iyon.
Pagkatapos ng pag uusap namin na iyon ay lumabas kami at pumunta sa Restaurant ni Adriana, kung naaalala niyo pa. Iyong kababata ni Breeze na magandang dyosa rin na katulad niya. At doon kumain kami ng aming lunch. Hindi pa nga kami tapos kumain non ng nagmamadali na naman siya at niyaya na akong umuwi eh.
Hindi ko lubos akalain na magagawa nito ang mga bagay na iyon para sa akin. Parang sa tuwing magkikita kami nito ay palagi rin akong ginugulat dahil sa kanyang mga ginagawa. Punong puno ito ng surpresa, surpresa na ikakagulantang talaga ng bawat araw at pagkatao mo.
Noong mga panahon na kasa kasama ko ito ay hindi ko rin aakalain na may binabalak na pala itong bumili ng ganitong apartment para sa akin. Ang sabi nito, kung hindi ko lamang daw ito pinagtaguan ay baka nakaraang linggo pa akong nandito. Kung saan saan daw ako nito pinahanap at palaging pinababantayan ang DATING apartment ko kung nandoon daw ba ako o wala.
Nag-alala raw siya ng sobra at kung anu-ano na ang naiisip niya. Mabuti na lamang daw, isang hapon habang pauwi kami ni Breeze ay nasundan kami nito hanggang sa makabalik ako sa dating apartment ko. At kung tama kayo ng hinala, oo tama nga kayo. Nakita nito kung paano kami nagkausap ni Kevin sa Park noong mga nakaraang araw.
At ang gaga! Masaya raw siya dahil nobya niya parin daw ako. Dahil ang akala raw nito ay bibigay ako kay Kevin. Huh! Kung alam lang niya.
At ang isa pang ikinatutuluwa ko ngayon ay ang Room number ko, na 20. Pinili niya raw talaga iyon at mas dinoble pa ang pagbayad, dahil iyon daw ang petsa ng araw kung kailan naging kami.
"Hahahahaha" Hindi ko napigilang matawa dahil sa paulit ulit na nag eecho sa isipan ko ang boses ni Breeze. Biglang napatingin sa gawi ko ang iilang mga customer na nandoon din sa loob ng Book store na paborito ko. Nandito ako ngayon dahil naudlot ang pamimili ko nitong nakaraang araw dahil kay Breeze.
"Pfffttt." Pigil na tawa ko sa aking sarili dahil naalala ko na naman ito. Mabuti pa kasi siya, alam niya kung kailan naging kami. Samantalang ako? Wala akong kaide-ideya kung kailan ako nito naging nobya. Basta niya nalang kaya sinabing Girlfriend niya ako.
Naiiling na papahagikhik ako habang naiisip ang pag-uusap namin na iyon. Ngunit biglang napangiwi dahil sa laki at lawak ng apartment na iyon ay madalas, mag-isa lang ako. Minsan lang naman kasi ako dalawin ni Breeze doon eh, kung minsan pupunta siya roon para i-check lang ako at pagkatapos ay aalis na naman siya. Walang araw yata na hindi busy iyong babaeng iyon. Ganon talaga siguro kapag mayaman. Palaging abala sa negosyo.
Hindi ko pa nga pala napapabisita si Bianca roon. Pati narin ang iba naming mga kaibigan. Tama! Mas maigi siguro na pagkatapos kong magbayad ng mga libro na bibilhin ko ay yayain ko silang pumunta sa bago kong tirahan. Tama! Excited na nagtungo ako sa counter upang makapag bayad na.
Pagkatapos kong magbayad ay excited na lumabas na ako ng Book Store na iyon at naglakad sa may di kalayuan at hindi mataong lugar upang tawagan si Bianca. Magdi-dial pa lamang sana ako ng may makita akong pamilyar na awra. Mabilis na ibinaba ko ang telepono mula sa tenga ko at ibinalik ito sa bulsa ng suot kong fitted jeans.
Sandali ko pang kinomperma kung siya nga iyon. At hindi nga ako nagkakamali. Siya iyong cute na batang lalaki, na nakita ko noon sa Cafe Shop at binigyan ko ng iniinom kong Ice Coffee. Waaaah! Hindi ko aakalain na makikita ko siyang muliiiii.
"Hi cutie pie!" Nanggigigil na bati ko rito ng magkaharap kami. Lumuhod ako upang maging magkalevel kami. Tinignan ako ng mga bilog na mata nito at hindi ko inaasahan na ngingitian niya ako. He's so cute!
BINABASA MO ANG
HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED
RomanceWhat if you meet the right person but not at the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****