"Bes. Ilang araw ka bang mamamalagi dito sa bahay?" Muling tanong ni Bianca sa akin habang kumakain kami ng agahan. Pang ilang tanong na nito sa akin.
Napailing ako rito. "Hindi ko rin alam bes. Please, hayaan mo nalang muna akong mag stay dito kahit ilang araw pa." Pakiusap ko pa rito bago ininom na ang orange juice na nasa baso ko.
Walang nagawa na napatango na lamang din ito. "Oh siya! Ano pa nga bang magagawa ko?" Parang labag pa sa loob na sabi nito. "At isa pa, kahit naman ilang araw mo pang pagtaguan si Breeze ay mahahanap at mahahanap ka non. Sigurado ako doon."
"Ilang araw lang naman bes eh. Kailangan ko lang talagang makapag-isip." Buntong hininga na sabi ko rito.
"Fine. Pero kausapin mo parin yang gilrfriend mo ng magkalinawan kayo. At please, wag mo nga siyang pagtaguan. Jusko naman Catherine! Hindi mo alam ang daming babae at lalaki ang nagkakadarapa dyan sa kanya at pinapangarap na maging girlfriend ang isang Breeze Sullivan." Dire-diretsong sabi nito at tuluyan na itong napatayo mula sa kinauupuan atsaka ako tinalikuran dahil tapos na ito sa pagkain.
Ilang araw ko na yatang hindi nakikita si Breeze dahil sa pagtatago ko rito. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta kailangan ko lang ng space. Masyado lang yata kasi akong nabibigla sa bilis ng mga pangyayari. Una, itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ba parang napakabilis naman yata at ganito na kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya? Nakakatakot ako, oo. Hindi ko alam kung paano magsusugal. O ano ang mga bagay na magiging kapalit.
Pangalawa, iyong kasintahan na raw niya ako at girlfriend na niya ako. Ni hindi nga niya ako niligawan hindi ba? Hindi rin niya ako tinanong ng yes or no. Or will you be my girlfriend? Basta nalang niya ako naging girlfriend, sa mata niya at paniniwala niya kami na. Hindi ba nakakagulantang naman talaga?
Kaya heto ako ngayon, nagtatago sa pamamahay ng best friend ko. Dahil siguradong pinaghahanap na ako ni Breeze.
Pagkatapos naming makapag almusal ni Bianca ay kaagad na kaming dumiretso papasok sa trabaho, ngunit syempre bago iyon ay napadaan muna kasi sa Cafe Shop upang makapag order ng Ice Coffee ko.
Hindi na ako sinamahan ni Bianca sa loob at hinintay na lamang ako nito sa loob ng kanyang sasakyan. Pag bigay pa lamang ng aking inorder ay kaagad na nagbayad na ako at mabilis na tumalikod sa counter. Palabas na sana ako nang matanaw ko mula sa labas ng shop ang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ngayong umaga.
Mabilis na napatakbo ako sa backdoor at doon na lamang lumabas habang pinagtitinginan ng iilang customer na nandoon at mga staff. Medyo nahihiyang ngitian ko muna ang mga ito bago tuluyan na nang lumabas na ng pintuan at mabilis na nagtungo kung saan man nakaparada ang sasakyan ni Bianca.
"Bes, bi-bilis!" Agaw hiningang sabi ko rito atsaka suminyas na bumatse na kami.
Ngunit kaagad na napa irap ako rito nang tinignan pa ako nito na parang nababaliw.
"Okay ka lang ba bes? Anong nangyari sayo?" Pagrereklamo nito ngunit binubuhay na rin naman ang makina ng sasakyan. Napahinga ako ng maluwag at agad na napalingon sa likuran para tignan kung nandoon pa ba ang kanyang sasakyan.
"W-wala bes. I mean... Baka lang kasi late na tayo." Dahilan ko rito na halata namang hindi lulusot. Nailing lamang ito at natahimik na lamang din hanggang sa makarating kami sa gusali ng aming Opisina.
Pagbaba namin ng sasakyan ay kaagad na tinalikuran na ako nito at naglakad na papalayo, ngunit kaagad din na napahinto. "Uhmm,.. Bes, I think you need to talk to Kevin." Napakurap lamang ako ng ilang beses sa sinabi nito.
"About you and Breeze." Dagdag pa nito at tuluyan na nga akong tinalikuran. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Hayyy. Napakamot ako sa aking ulo atsaka mabigat ang mga hakbang na sumunod na rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED
عاطفيةWhat if you meet the right person but not at the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****