Chapter 27: Hopeless Heart

2.9K 105 5
                                    


Lumipas pa ang isang linggo. Still, there's no sign of Breeze. Hindi ko na alam ang gagawin sa tuwing maiisip ko kung magpapakita pa ba ito sa akin o hindi.

Pinuntahan ko ito kasama si Kevin sa kanyang sanctuary, beach house. Nagbabasakaling baka doon ko siya matagpuan, baka doon ko lamang siya pweding makita. But I failed. Walang kahit na anong bakas nito doon. Malinis ang paligid at tahimik.

Mas lalo lamang yata akong nalugmok noong pumunta ako roon dahil bumalik lamang sa akin ang mga alaala na kapwa namin binuo sa lugar na iyon. Sa loob ng bahay na iyon. Kung saan nito nakuha ang first kiss ko pati na rin ang.. Alam niyo na. That V thing.

Minsan iniisip ko kung tama pa bang hintayin ko ito at hanapin. Dahil paano kung hindi ko na pala siya makikita? Paano kung iniwan na pala niya ako ng tuluyan? Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko pa siya mahahanap. Siguro, mas maigi kung hahayaan ko na lamang muna ito. Baka iyon lang talaga ang kailangan niya.

Space.

Mahirap naman kung ako lang ang gumagawa ng bagay para lang makita ko siya. Ang hirap pag ikaw lang ang kumikilos para sa inyong dalawa. Lalo na at masakit sa pakiramdam kong ikaw lang ang hindi na makapag hintay na makita siya. Tapos siya, palagi ka lamang pangalawang option nito. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat na maramdaman ko sa ngayon.

Nakakapagod din pala maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba siya o tuluyan ng hindi mo makikita. Napapagod na ako. Pero alam ko, sa puso ko, hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang nawala sa akin. So I have no choice but to rest and patiently wait for her.

Siya lang kasi yung taong inaasahan kong mag i-stay ngayon sa tabi ko. Lalo na at na approved na lahat ng dokumento na kakailanganin ko sa Paris, France. Masaya ako dahil sa wakas, ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ngunit malungkot dahil, next month na ang alis ko at hindi parin kami nagkakausap ni Breeze.

Kaya kailangan ko na talaga itong makita, because I want to tell her all about this. Ayaw ko namang umalis ng hindi pa klaro ang lahat ng tungkol sa amin. Ayaw kong umalis ng hindi ko siya nakikita dahil medyo matatagalan ako roon at for sure mas lalo ko lamang siyang mamimiss. Ayaw ko 'non, mahirap yun.

Isang malakas na batok ang pumukaw mula sa malalim na pag-iisip ko. Napahawak ako sa parte ng ulo ko na nasaktan at inis na napaharap sa likuran ko para tignan kung sino man ang salarin.

Bumungad sa akin ang umiiyak na mukha ni Bianca. "Napano ka?" Sarkastikong tanong ko rito. "Ikaw na nga itong binatukan ako, ikaw pa itong naiyak dyan?" Halos hindi makapaniwalang singhal ko rito dahil sa pagkainis. Ang sakit kaya!

Ngunit imbis na sagutin ako nito pabalik ay niyakap na lamang ako nito ng mahigpit habang umiiyak. Nandito lang naman po kasi ako sa bahay nila ngayon. Ayaw kong tumambay sa malaking apartment na iyon dahil babalutin lang na naman ako ng katahimikan at alaala ni Breeze.

"Bes, bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong nito sa akin habang humihikbi at nakayakap parin sa akin. Pambihira, kapag umiiyak pa naman to daig pa ang bata dahil sa sobrang sipon. Eww!

"Sinabi ang alin?" Tanong ko rito. "At teka nga, kumalma ka nga muna. Ano bang iniiyak iyak mo dyan?" Medyo naiirita ng sabi ko rito, bago pwersahang tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin.

Hinampas ako nito ng mahina sa braso. "Nagjojoke ka pa. Seryoso ako eh." Sabi nito sa akin.

"Ayan oh!" Dagdag nito. May pinakita ito sa akin mula sa dyaryo na nasa ibabaw ng lamesa.

Dahan dahan na nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Mabilis na kinuha ko ang dyaryo at tinignan ng maigi ang litrato na nasa isang article na nandoon. Isang masayang litrato ng family picture nina Breeze at Rick, pati narin ang anak nila na si Jared. The Sullivan and Cortez Heirs. At inilabas iyon ngayong araw lamang.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon