Ilang araw na ang nakalipas simula ng dinala ako ni Kevin sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Rick. Ang araw kung kailan ko nasaksihan ang bagay na hindi ko alam kung tama bang nalaman ko pa.
At sa ilang araw na iyon ay ilang araw na ring hindi nagpaparamdam sa akin ni Breeze. Walang text, tawag o kahit anong paramdam man lamang galing sa kanya.
Ilang araw na akong walang balita dito at hindi alam kung ayos lang ba siya, kung kumusta na siya. Sa bawat araw na lumilipas ay wala akong ibang hangad dito kung hindi ang muli naming pagkikita. Ang muling mahagkan siya, makita at marinig ang boses niya.
Namimiss ko narin ang mga mapang-asar na tingin at ngiti nito. Namimiss ko ng kausap siya. Namimiss ko ng ibahagi sa kanya ang bawat araw ko. Miss na miss ko na si Breeze! At ang hirap dahil hindi ko man lamang magawang alamin kung nasaan ba siya ngayon. Hindi ko man lamang magawang puntahan ito para makita.
"Miss na miss na kita..." Bulong ko sa sarili bago malungkot na napabuntong hininga habang tinitignan ang litrato nito na nasa gallery ng cellphone ko.
Ganito pala ang pakiramdam kapag sobrang miss na miss mo ang isang tao. Iyong wala kang magagawa kung hindi ang hintayin na lamang ang paglipas ng bawat oras at araw. Yung hihintayin mo na lamang ang muli ninyong pagkikita. At sobrang nakakabaliw sa pakiramdam.
Palagi ko na lang iniisip na baka abala lamang ito sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Abala sa kanyang pamilya.. At sa marami pang bagay na mas kailangan nitong bigyan ng importasya. Okay na sa akin ang sumagi ako sa isip nito kahit isang sigundo. At least, diba? Hindi parin ako nawala sa isipan niya. Naaalala parin niya na may naghihintay sa kanya. Sana lang...maisip niyang may naghihintay sa kanya. Naghihintay ako sa kanya.
Isa pa, gusto ko rin sana kumustahin ito tungkol sa kanila ni Rick. Kung kumusta sila dahil sa mga nalaman ko rito. Kung maayos parin ba siyang tinatrato nito bilang asawa at bilang ama ng anak niya.
Pinuntahan ko na ang mga lugar na pwede kong makita ito, ngunit bigo ako. Kahit sa Cafe Shop kung saan kami unang nagkakilala, hindi ko rin siya nakita. Hindi na rin ito pumupunta sa apartment na bigay nito sa akin. Kahit man lamang isang sandali hindi niya man lamang ba ako gustong makita?
Nag-aalala na ako ng sobra. Ni hindi na nga ako makatulog n tama sa oras at maayos dahil sa palaging pag-iisip sa kanya. Kahit saan ako mapunta, palagi siyang nandoon sa isipan ko. Palaging mayroong kung ano sa puso ko na baka nandiyan lang siya, na baka nasa paligid lang siya. Na baka nagpapamiss lang siya kaya ganito.
May minsan pa na nanaginip ako. Na nasa tabi ko lamang siya at magkausap kami. Pero noong nagising na ako, isang madilim at malamig na palagid ang bumungad sa akin. Kaya wala akong nagawa noong mga sandaling iyon kung hindi ang umiyak ng umiyak habang yakap yakap ang paboritong unan nito.
Breeze...kahit gaano ka pa katagal na hindi magpakita sa akin. Magtitiis ako. Magtitiis ako para sa atin. Hihintayin lang kita, Breeze. Pero sana, ipangako mong maayos ka lang sa mga sandaling ito. At sana..wag mong kalilimutan na mahal na mahal kita. At umaasa ako sa mga sinabi at pangako mo.
Itinabi ko na ang aking cellphone. Pagkatapos ay nahiga na sa kama at binalot ang aking sarili ng kumot. Ipinikit ko na ang aking mga mata at handa na sa pagtulog dahil bukas, magiging abala na kami sa Opisina.
Inihahanda na kasi namin lalo na ni Bianca ang mga dokumento na kakailanganin ko papuntang Paris, France para sa darating na big event doon. At higit sa lahat, ay inihahanda na naming lahat ang gagamiting kasuotan ng isa sa pinaka sikat na modelo doon sa Paris. Kung saan, iyon ang aking desenyo na napili para sa Fashion show na iyon.
------
Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Bianca sa apartment at pagkatapos ay sabay na kaming nagtungo sa Opisina. Excited na ang lahat para sa akin, lalo na ako para sa aking sarili. Ngunit hindi parin maitatanggi na kinakabahan ako dahil sa pag-aalala.
BINABASA MO ANG
HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED
RomanceWhat if you meet the right person but not at the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****