Chapter 24: Bitter Truth

3.1K 110 10
                                    

Araw ng Linggo ngayon kaya nagpasya ako na magpasama kay Bianca sa Cafe Shop. Alam ko naman kasi na walang gagawin yun ngayong araw. At kaysa ang magmukmok ako sa malawak na silid ng apartment ko ay aaliwin ko nalang ang aking sarili. Nang sa ganon ay hindi ko naiisip ang mga bagay na ilang gabi ng hindi nagpapatulog sa akin.

Exactly eleven in the morning ng dumating ako sa Cafe Shop. Ngunit pagdating ko, sakto nang makaupo na ako sa pahabang couch na nasa loob ng Cafe Shop ay tumawag ito sa akin, sinabing hindi ito makakapunta dahil may pupunta itong importanteng meeting.

Napabuntong hininga ako dahil sa pagka dismaya.
"Sunday na Sunday may meeting." Bubulong bulong ako sa aking sarili.

Pambihira naman, minsan na nga lang akong lumabas ng hindi kasama si..ehem Breeze. Eh doon pa hindi pupwede ang kaibigan ko.

Malungkot na nangalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan ko. Nang may biglang naglapag ng Ice Coffee sa harapan ko. And take note, yung paborito kong flavor pa!

Nag niningning ang mga matang napatingin ako sa taong naglapag nito sa harapan ko. Dahil sa pagkakaalam ko kasi ay hindi pa ako nakapag order ng para sa akin.

Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko kung sino ito na inaakala ko na baka si Breeze iyon, habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Kevin?" Gulat na tanong ko rito. "Anong ginagawa mo rito?" Natatawang tanong ko rito sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.

Natawa na lamang din ito at tuluyan na ngang naupo sa bangko na nasa harapan ko.

"Napadaan lang ako. Hindi ko naman kasi aakalain na makikita kita rito. So I bought this for you. Mabuti nalang alam ko yung paborito mo. Hehe." Paliwanag nito bago napakamot sa may batok.

"Naku salamat! Nag-abala ka pa." Medyo nahihiyang sabi ko rito. "Inindian kasi ako ng magaling kong bestfriend eh." Nakangusong sabi ko rito dahilan upang matawa siya.

"Come on!" Biglang napatayo na naman na aya nito. Napakunot ang noo ko at nagtatakang napatingin rito.

"Huh? Saan tayo pupunta?" Ganting tanong ko rito kahit na sa totoo lang ay gusto ko naman talagang sumama. Mas okay na na nandito si Kevin, at least may makakasama ako.

"Sa mall." Tipid na sagot nito bago ako hinawakan sa kamay at hinila na palabas ng Cafe Shop. Mabuti na lamang din, ay mabilis kong nahablot ang Ice Coffee na bigay nito sa ibabaw ng lamesa kaya hanggang biyahe ay dala-dala ko ito. Hehe.

--------

Pagdating sa mall ay dinala ako ni Kevin sa isang Korean Restaurant na nandoon. At doon, ay nagpakabusog kami sa Unlimited Samgyupsal na nandodoon.

Ang lahat ng sama ng loob ko sa sitwasyon namin ni Breeze, stress at problema ay ikinain ko roon. Nagpakabusog kami pareho ni Kevin. Ang saya lang kasi lahat, libre niya. As in hindi ako pinagbayad nito kahit singkong duling.

Kahit sandali ay muling naranasan ko ang maging masaya. Iyong saya na hindi ko naiisip ang sitwasyon namin ni Breeze. Kaya lubos na nagpapasalamat ako kay Kevin dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng makakasama kahit ngayong araw lamang. Kahit sa ilang oras lamang.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya rin ako nitong manood ng sine. Noong una ay nag-aalangan pa ito na yayain ako dahil baka raw magalit ang Girlfriend ko, si Breeze.

Ngunit dahil sa kagustuhan kong alisin pansamantala si Breeze sa aking isipan ay ako na ang nagkusang bumili ng ticket para sa amin.

Hindi ko alam kung nahalata ba nito ang ang pag-iwas ko sa topic sa tuwing itatanong nito sa akin ni Breeze. Nanatili na lamang itong tahimik at hindi na rin muling itinanong pa ang tungkol sa amin ni Breeze dahil sa wala naman itong makukuha na sagot mula sa akin.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon