Chapter 19: Out Of Town

3.4K 117 6
                                    

Pagkatapos ng nakaka stress na mga pangyayari nitong nakaraang linggo ay nagpasya ako na sumama sa isang out of town, kasama si Bianca at ang aming mga kaibigan sa opisina.

Mukhang kailangan ko muna kasi iyon ngayon, ang maglibang at kalimutan pansamantala ang ilang araw ko ng dinadala na bigat sa dibdib.

Nang magpasya ako na sumama sa mga kaibigan ko ay kaagad na nagpaalam ako kay Breeze. Hindi naman ito tumutol pa at pinayagan ako kaagad dahil magiging abala rin daw ito sa kanilang negosyo. Mag-iingat lamang daw ako at ang mahigpit na ipinagbawal nito ay ang 'No alcohol allowed". Inilagay din nito ang contact number sa aking cellphone, dahil sa tagal na raw naming magkakilala eh hindi pa ako nagbibigay ng number ko sa kanya, kaya siya nalang mismo ang nagkusa. Tatawagan ko rin daw ito kapag may nangyaring hindi maganda. Ang dami dami nitong sinasabi daig pa ang nanay ko. Ngunit sa loob ko ay natutuwa ako dahil sa sobra ito kung mag-alala sa akin. Dahil doon ay mas lalong nahuhulog ako sa kanya.

Hindi pa kami muling nakakapag usap tungkol sa mga sinabi nito at mga nalaman ko noong nakaraang linggo. Dahil pagkatapos ng araw din na iyon ay muli itong naging abala sa kanyang negosyo. Madalas pa nga itong gabi na kung umuwi kaya sa apartment na lamang ito nakikitulog at maagang aalis naman kinabukasan. Minsan pang umuwi ito ng amoy alak na ipinag alala ko ng sobra. Paano kasi nagmamaneho siya, diba? Ayoko lang naman na mapano ito. Kaya kahit antok na antok na ako minsan sa gabi e, pinipilit ko paring wag makatulog para lamang hintayin ito pag uwi.

May minsan na rin na nagtalo kami dahil sa nagalit ito sa akin. Hindi ko na raw dapat ito hinihintay pa sa pag-uwi dahil ayaw niyang napupuyat ako. Eh anong magagawa ko? Sino ba naman ang makakatulog sa sobrang pag-aalala, hindi ba?

Biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa lamesa dito sa sala. Agad na binuksan ko ang text message nang makita ang pangalan ni Bianca sa screen. Sinasabi rito na nasa labas na raw sila at bumaba na ako. Ngayon kasi ang alis namin papuntang La Union. Doon din kasi ang napiling lugar na pupuntahan namin. Weekend ngayon, araw ng Sabado kaya bukas pa ng hapon ang balik namin dito sa Manila.

Paglabas ko ay natanaw ko na kaagad si Kevin na kumakaway sa akin. Mabilis na nag jogging ito papunta sa akin bago ako tinulungan sa pagbuhat sa aking gamit. Isang backpack lang naman iyon at hindi naman gaanong kabigatan.

"Thank you!" Pasa salamat ko rito. Ngumiti ito sa akin bago ginulo ang buhok ko.

"Basta ikaw." Sabi nito bago ako pabirong kinindatan. Natawa lang naman ako dahil doon.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng sasakyan. Isang kulay puting van ang gagamitin naming sasakyan sa biyahe. Nasa loob na ang lahat, si Kuya Jomar ang driver at kasama nito sa harapan si Kevin. Nasa gitna kaming tatlong babae, si Bianca na nasa may likuran ni Kevin, ako na nasa sa gitna nila ni Ate Erica na nasa likuran ni Kuya Jomar. At si Reynard naman ay nasa last row sa likuran. Hindi ko napigilan ang matawa ng makita ko na mukhang kawawa ito dahil ang katabi lamang nito ay ang mga gamit namin.

Naging masaya at maayos naman ang buong biyahe. Nagkakantahan at sinasabayan namin ang bawat kanta na tinutugtog sa Fm radio mula sa loob ng sasakyan. Hindi nagtagal ay nakaramdam kami ng antok kaya, hindi ko narin namalayan na nakatulog na rin pala ako katulad nina Bianca at Ate Erica.

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng sasakyan. Kinusot ko ang mga mata ko at nag inat. Iginala ko ang paningin sa buong paligid at kaagad na nanlaki ang mga mata ng makakita ng dagat. Mabilis na bumaba ako mula sa loob ng sasakyan dahil sa wakas ay nakalanghap din ng sariwang hangin. Ang magandang kulay ng tubig na kulay asul.. Sobrang nakakarelax sa isipan.

May iilang mga kabataan na nandito sa paligid, iyong ingay na gumising sa akin kanina habang natutulog ay nang gagaling sa kanila. Nagvivideoke ang mga ito mula sa isang cottage na mayroong tv at iba pang appliances.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon