Chapter 28: Confrontation

2.8K 106 16
                                    

I used to love these sheets
Dark hair against the white
I missed watching you get dressed in our hazy bedroom light
It took a couple weeks
Last night I finally cried
I remembered us in London, your chocolate covered eyes

Sick of staring up at the ceiling
How'd you change your mind just like that?
The only way to get past this feeling
Is to tell myself you're not coming back

I don't wanna love you anymore
I don't wanna love you anymore
From the start, I never thought, I'd say this before
But I don't wanna love you anymore

You got that letter framed
Is it still up on that shelf?
It's the one I left on our bed
When you were out of town

Sick of staring up at the ceiling
How'd you change your mind just like that?
The only way to get past this feeling
Is to tell myself you're not coming back

I don't wanna love you anymore
I don't wanna love you anymore
From the start, I never thought, I'd say this before
But I don't wanna love you anymore
I don't wanna love you anymore
I don't wanna love you anymore
I can't forget, the way it felt, when you walked out the door
So I don't wanna love you anymore

"So I don't wanna love you anymore.." Pagsabay ni Bianca sa kanta habang nagmamaneho pauwi sa apartment ko.

Alam ko kasing nang-iinis lang ito kaya naman mabilis ang mga kamay na pinatay ko ang radyo.

"Bastusan lang bes?" Sarcastic na tanong nito sa akin. "Kung naiinggit ka sa boses ko, sabayan mo nalang kaya ako."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ko dito pagkatapos. "Wag mo nga akong pinagtitripan. Mamasamain kana sa akin." Biro ko pa rito. Natawa lamang din ito at nag focus na lamang sa pagmamaneho pagkatapos.

Napagdesisyonan ko na bigyan pa si Breeze ng konting panahon. Konting panahon hanggang sa siya na mismo ang kusang magpakita sakin, para kausapin ako at sabihin sa akin kung ano ba talaga ang plano nito para sa amin. Iyon ay kung may plano pa ba siya at tuparin ang mga pangako niya.

Alam ko ang iniisip ninyo. Na nagpapakamartyr ako sa kabila ng mga nakita ko nitong nakaraang araw lamang. Pero anong magagawa ko doon? Pamilya niya iyon. Si Rick yung kahalikan niya at asawa niya iyon. Tama naman hindi ba? Wala akong laban doon. Isa lamang ako dakilang extra sa buhay niya.

Gustuhin ko mang magtanim ng galit o sama ng loob kay Breeze, hindi ko magawa. Aywan ko ba! Kahit na ano pang mga nakikita at nalalaman ko sa kanya, hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. For me, she's unique. At wala na akong mahahanap na katulad niya. Ang tanga lang eh 'no? Well, yun din ang sabi sa akin ni Bianca.

Umaasa parin ako sa kabila ng mga sakit at kirot na nararamdaman ko. Kahit sabihin pa ng utak ko na wag ko na siyang mahalin at ayaw ko na siyang mahalin kagaya sa sinasabi ng kanta ng LANY na kani kanina lamang ay sinasabayan ni Bianca. Still, she's the only woman I need in my life.

Ang kailangan ko ngayon ay ang mas lalo pang magpakatatag. At huwag na muna mag-isip ng kung anu-ano hanggat hindi ko pa nakakausap itong muli.

"Bes, yung mga bilin ko ha. Kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako palagi. Alam mo yan." Sabi nito sa akin ng makapark na sa harapan ng apartment ko.

Tinanggal ko na muna ang seat belt at nag salute dito.
"Yes ma'am! Copy!" Sabi ko rito ngunit isang batok ang natamo ko.

"Seryoso ako. Gaga!" Saway nito sa akin. "Mamaya magpakamatay ka sa sobrang kalungkutan. Naku! Ako unang papatay sayo bago yang depression mo 'no?"

Napailing na lamang ako rito habang natatawa. Kung anu-anong naiisip ng babaeng ito. Mas na stress pa yata siya sa love life ko kaysa sa akin.

"Oh siya! Mag-iingat ka pauwi ha. Don't worry, I'll be fine here. Matutulog lang naman ako." Sabi ko rito bilang assurance na magiging maayos lang ang gabi ko mag-isa.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon