Chapter 12: Good News

3.7K 128 2
                                    

Nang araw rin na nagka encounter kaming tatlo nina Bianca at Breeze sa aking apartment ay ipinagtapat ko na rin sa aking kaibigan ang totoo. Itatago ko pa ba sa ang tungkol kay Breeze kung nakita na nito mismo ng kanyang mga mata? Mabuti na lamang din ay binigyan kami ni Breeze ng panahon para makapag usap. Nang oras rin na nakita kami ni Bianca ay kaagad na nagpaalam na ito sa akin at sinabing ipaliwanag ko lahat kay Bianca upang maintindihan nito ang lahat.

Noong una ay hirap ito na paniwalaan ang kanyang nakita. Lalo na noong ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Simula noong araw na nakita ko si Breeze sa Cafe Shop, iyong araw na bigla akong naglaho habang magkakasama kami sa labas ng building ng opisina at iyong dahilan kung bakit ganun ko nalang nilagok ang iniinom nila nina Ate Erica na alak sa bar noong gabi na iyon, hanggang sa nakita nito kung paano ako hinalikan ni Breeze sa dulo ng aking ilong.

Ngunit ang buong akala ko ay tututol ito sa mga ipinagtapat ko sa kanya. Lalo na kay Breeze dahil babae rin ito na kagaya ko. Isa pa, alam ko naman kung gaano ito kaboto kay Kevin para sa akin na maging boyfriend ko. Sinabi nito na napa swerte ko dahil naka bingwit daw ako ng isang napakagandang Anghel na bumaba mula sa lupa. At ako na rin daw ang pinaka baliw na babae kung pakakawalan ko pa ito. Sinabi rin nito sa akin na, hindi madali ang mga pagdadaanan namin ni Breeze. Lalo na at hindi pa masyadong tanggap ang ganoong relasyon sa panahon ngayon, ngunit kahit na ganoon daw ay suportado niya parin ako lalo na kung masaya naman ako.

Isang paalala rin ang sinabi nito bago tuluyang umalis ng apartment ko. Habang maaga pa raw eh ipagtapat ko na kay Kevin ang totoong nararamdaman ko sa kanya, pati na rin ang tungkol sa amin ni Breeze upang hindi ito mabigla at masaktan lalo. Ngunit ano nga ba ang sasabihin ko kay Kevin? At ano rin ang tungkol sa amin ni Breeze? Hindi pa naman niya ako kasintahan hindi ba? Oo, may nararamdaman ako sa kanya. Gusto ko si Breeze. Gustong gusto ko siya. At natatakot rin ako na baka hindi na lamang paghanga o pagkagusto itong nararamdaman ko sa kanya kundi higit pa roon. Lalo na dahil hindi pa ako sigurado kung ganoon din ba ang nararamdaman nito sa akin o para sa kanya ay isang kaibigan lamang ako.

----------

Lumipas ang isang linggo ay naging abala kaming lahat sa opisina sa pag gawa ng mga new design clothes, na pagpipilian ng aming big client para sa darating na Big Event sa Paris, France. Isa itong Fashion Show kung saan susuotin at irarampa ng mga sikat na modelo ang mga magpipiliang design na damit.

Isang linggo ko na rin halos na iniiwasan si Breeze, dahil mas pinili ko muna ang mag focus sa project na ginagawa namin bago dumating ang deadline. Ayoko naman na sayangin ang pagkakataon na ito. Pangarap ko ito, at umaasa ako na isa sa mga designs ko ang mapipili para sa big event na gaganapin.

Hinihingal na naglalakad ako papuntang elevator pa akyat ng floor ng opisina namin. Kanina pa ring ng ring ang telepono ko dahil sa walang humpay na pagtawag ni Bianca. Hindi ko alam bakit ako nito pinagmamadali. Para naman may sarili akong sasakyan na kahit anong oras ko man gustuhing bumyahe galing sa apartment ko ay nakakapag biyahe ako kaagad.

"CONGRATULATIOOOONS!" Bigla at sabay sabay na sigaw ng mga ito ng makapasok na ako sa loob ng opisina. Si Reynard naman ay may gamit pang turutot na siyang mas nag papaingay sa buong silid.

Gulat na napahawak ako sa aking dibdib. May iilang putahi rin ng pagkain ang nakalapag sa ipinagdikit dikit nilang lamesa. "A-anong meron?" Naguguluhan na tanong ko sa mga ito.

Lahat naman sila natahimik na napatingin sa akin at sabay sabay na sinabi ang salitang hindi ko inaasahan. "You did it!"

"You did it bes! Isa sa mga designs mo ang napili para sa fashion show na gaganapin sa Paris, France! Congrats!" Dagdag pa ni Bianca bago lumapit ito sa akin at excited na niyakap ako.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon