Chapter 20: The Extra

3.2K 115 6
                                    

"Hmmmm." Napa ungol ako dahil sa konting sakit na nararamdaman ko mula sa aking ulo. Kinusot ko ng konti ang aking mata bago ito iminulat.

Pagmulat ng aking mga mata ay kaagad na nagtama ang aking paningin sa nakatayong babae sa may pintuan ng kwarto. Nasa magaganda at makikinis na legs nito unang nagtama ang aking mga mata, pataas sa hugis coca colang katawan nito, sa malulusog na dibdib nito na kitang kita ko, pati narin ang bumabakat na mga nipple nito dahil sa sobrang nipis ng suot nitong night gowns. Nag-angat pa ang aking paningin hanggang sa magandang mukha nito na labis na ikinagulat ko nang makomperma ko kung sino.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Naramdaman ko rin ang pamumula ng mga pisnge ko dahil sa ang pamilyar na mga ngisi nito ang sumalubong sa akin. Lihim na sinaway ko ang aking sarili dahil sa kung paano ko ito tignan sa kanyang katawan kanina. Baka isipin pa non pinagnanasaan ko siya.

Bakit hindi nga ba? Tukso ng aking isipan.

Mataman akong tinignan nito habang naka cross arms pa.

"Mabuti naman at gising kana."Matigas na wika nito sa akin. Napabangon ako mula sa pagkakahiga bago napaupo habang nakasandal ang likod sa board ng kama. Ang sakit talaga ng ulo ko. Ano naman kayang nangyari kagabi dahil sa kalasingan ko?

"N-nasaan tayo? Hindi ba dapat sina Bianca ang kasama ko ngayon?" Pagtatakang tanong ko rito.

"Hindi ba mahigpit na ipinagbawal ko sa iyo, ang hindi pag inom ng ano mang inumin na nakakalasing?" Naniningkit ang mga mata nito habang inilagay ang mga kamay sa magkabilaang beywang.

"Bakit ginawa mo parin? At kung makasayaw ka pa kagabi, halos lumuwa na ang mga mata ng mga taong nanonood sayo!" Pagalit na sabi nito na parang nanay na pinagagalitan ang kanyang anak. Atsaka napahawak ito sa kanyang sintido.

Ow. Katulad nga ng inaasahan ko ay nalasing na naman ako. Pero bakit kasi.. Hays. Gusto ko pa sanang itago ang nagbabadya kong pagtawa nang kaagad na nahalata niya iyon.

"Wag kang tumawa. Walang nakakatawa sa mga sinabi ko." seryoso parin ang mukha nitong nakatingin sa akin. Ngunit hindi na ito katulad kanina na halos umusok na ang ilong sa galit. Napasandal ito sa frame ng pintuan ng kwarto.

Bigla akong napabusangot at napayuko. Eh siya naman 'tong dahilan kung bakit na naman ako napainom kagabi. Tss!

"Ikaw rin naman may kasalanan sa akin ah." Bubulong-bulong na sambit ko sa sarili.

"Ano kamo?" Kaagad na tanong nito sa akin. "At ano naman ang naging kasalanan ko sayo, aber?" Narinig pa pala niya iyon?

Napatikhim ako at taas noo na muling nag angat ng tingin sa kanya.

"A-ang sabi mo magiging abala ka sa negosyo ninyo. Kaya mo ako pinayagan na sumama rito kina Bianca." Sandaling napahinto ako.

"And?" Tanong nito sa akin habang mataray na nakataas ang isang kilay.

"Bakit nakita ko kagabi na nandito ka rin pala? At may---may mga kasama ka pa. Hindi ba pagsisinungaling yun?" Inayos nito ang kanyang pagtayo at natawa ng para bang nakakatawa ang mga sinabi ko. Pinandilatan ko siya ng mata.

Wow! Nagagawa mo na ang mga ganyang attitude sa harap ni Breeze ngayon ha. Infairness! Panunukso ng aking isipan. Syempre! Para hindi umaabuso no? Pagtatanggol ko naman sa aking sarili.

"Anong nakakatawa?" Sinubukan kong patarayin ang aking boses at itsura.

"Dahil nakakatawa." Prangkang sagot nito. "Magbasa ka nga ng mga dyaryo at magazine. Nang makilala mo naman ng lubusan kung sino ang girlfriend mo." Mayabang na sabi nito bago napa rolled eyes. Ang sarap lang dukutin ng mga mata nito at gawing bola.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon