"My dearest Breeze,
Sa mga oras na ito, alam kong alam mong nakaalis na ako. At sa mga oras na ito na binabasa mo ang sulat ko, malayo na ako sayo. I'm sorry. I'm sorry kung nangyari man ang bagay na ito. Ang bagay na hindi natin inaasahan pareho. Breeze, I love you. More than you know! Loving you is like an addiction to me. Every moment I spend loving you is like the moments I spend in heaven. The day I will stop loving you is the day I die. But this our little love story, should stop now. Hindi dahil ayoko ng mahalin ka pa. Hindi rin dahil na pagod na akong mahalin ka. No. Kundi ginawa ko ang desisyon na ito dahil alam kong ito ang makakabuti sa lahat. Sayo at lalo higit sa lahat kay Jared. Ang anak ninyo ni Rick. I'm sorry, kung hindi na kita binigyan ng pagkakataon na makausap ako bago man lamang ako umalis. This will be the first and last time na makikiusap sana ako sayo, kung pwede sana ayusin ninyo ni Rick ang sinimulan ninyo. Hindi pa huli ang lahat Breeze. Magsimula kayo. Alang-alang nalang sa kinabukasan ng anak ninyo. Iyong may masasabi itong buo at masayang pamilya. Iyong maipagmamalaki niya sa mga kaibigan at kaklase niya. Ang mahalin ka ay ang pinakamasarap na nagawa ko sa buong buhay ko. Bagay na dadalhin ko kahit saan man ako dalahin ng panahon at ng mapaglarong pagkakataon. Ikaw lang ang mamahalin ko Breeze. But please, forgive me. From this now, you should stop loving me. Good bye Breeze, my love."
Sinasabi ko ang mga iyon dahil alam kong talo na ako. Hindi, ipinatalo ko ang isang laban na pwede naman na ako ang panalo.
Iyon na ang huling beses na may narinig si Breeze mula sa akin. Sa isang maliit na bahagi ng papel na iniwan ko sa loob ng kwarto nito bago ako tuluyang umalis sa beach house nito, noong mga araw din na iyon. Noong araw na huling beses ko rin itong nasilayan.
Halos limang buwan na simula ng makaalis ako sa Pilipinas at lumipad papunta dito sa Paris, France. Tapos na rin ang event na pinakahinihintay naming lahat, na ginanap noong mga nakaraang buwan pa, apat na buwan na ang nakalilipas.
Nagpalit ako ng cellphone number at maging Social media accounts para lamang makaiwas kay Breeze. Maraming beses ako nitong tinatawagan, send ng message sa emails, maging sa mga social media accounts ko. Pero lahat ng iyon, wala itong nakuhang reply o kahit na isang sagot sa mga tawag nito mula sa akin. Lahat ng balita na pwede kong malaman tungkol sa kanya, hindi ko binigyan ng pansin at binalewala ko.
Tuluyan kong pinutol ang lahat ng ugnayan na meron sa aming dalawa. Wala na akong balita pa rito pagkatapos ng ilang buwan na pangungulit nito sa akin. Hanggang ngayon. Marahil tuluyan na akong pinabayaan nito sa naging desisyon ko. Buhay na pinili ko malayo sa kanya.
Hindi ko ito binigyan ng pagkakataon na makausap ako, bago man ako tuluyang umalis ng Pilipinas. Dahil alam ko na kapag hinayaan ko iyon, yun ang magsisilbing dahilan para hindi ako matuloy. Dahil si Breeze ang kahinaan ko.
At nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawa ko ang bagay na iyon sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra, dinurog ko ito ng sobra. Mga bagay na hindi naisip gawin noon, noong mga panahon na takot na takot pa akong mawala siya. Pero, nakayanan ko naman pala. Kaya ko naman pala ng wala si Breeze. At lahat ng iyon, alam kong nagdulot man ng sobrang sakit at kirot sa kanya, ngunit iyon din ang magsisilbing lakas nito para bumangon.
Si Breeze yun. Matapang, matatatag at hindi iyon basta basta sumusuko.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na naman namalayan na umiiyak na naman pala ako. Hindi naman maitatanggi na namimiss ko siya. Sobra sobra! Hanggang ngayon, siya parin ang babaemg minamahal ko. Ang taong tanging nagpatibok ng puso ko. Wala na yata akong mamahalin pa ng ganito kundi siya lamang. Wala ng iba. But I know this feelings will be vanish soon. Kailangan man ng mahabang panahon, pero alam kong makakalimutan ko rin lahat ng ito. Sa tamang panahon.
BINABASA MO ANG
HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED
RomanceWhat if you meet the right person but not at the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****