Chapter 31: One Last Time

3.2K 98 5
                                    

Kanina ko pa pinagmamasdan ang bawat hampas ng mga alon na nagmumula dito dalampasigan. Pakiramdam ko kasi, ang peaceful peaceful sa isipan ng mga ito.

Nandito ako ngayon nakaupo sa bench na nandito sa may dalampasigan sa harap ng beach house ni Breeze. Dito sa kanyang Sanctuary. Iginala ko ang mata sa buong paligid. I love this place so much! Bagay na pumasok sa isipan ko.

Mahigit dalawang oras narin simula ng dumating kami dito. Medyo madilim na rin ang paligid dahil pasado alas sais imedya na ng gabi. At heto nga, dito ako dinala ng dalawang paa ko sa hindi ko rin malamang dahilan. Habang si Breeze naman ay nag-aasikaso na ng aming hapunan. Ayaw naman kasi ako nitong pagbigyan na tulungan siya kaya iniwanan ko na muna ito sa kusina at mas ginusto na lamang na lumanghap ng hangin dito sa labas ng bahay.

Sinusulit din kasi namin ang bawat mga araw na magkasama kami bago ako lumipad papuntang Paris. Dahil for sure mamimiss namin ang isa't isa. Malungkot na napangiti ako sa saking sarili at napahinga ng malalim.

"Hindi ko lang siya mamimiss." Bulong ko sa sarili.

Umihip pa ang mas malakas at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa mga balat ko. Mukhang bubuhos na ang malakas na ulan. Niyakap ko ang sarili bago ipinikit ang mga mata. Maya maya lamang din ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Nagbigay ito ng init sa aking katawan laban sa malamig na simoy na hangin.

Ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat bago ako marahan na hinalikan sa likod ng aking tenga na siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"What were you thinking, love?" Malambing na tanong nito sa akin. Napakagat ako sa aking mga labi bago pinilit ang sariling mapaharap dito.

"Nothing." Tipid na sabi ko rito habang nakangiti. "Bawal I-share." I tease her.

Tinignan ako nito ng makahulugan bago ako hinawakan sa kamay at hinalikan ang likod ng mga ito.

"Is that wet imagination?" Tanong nito sa akin dahilan para mamula ang mga pisnge ko at mabilis nag walk out sa kanya. Bakit ba kasi naisipan kong biruin yun. Ayan tuloy!

Nadinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako tuluyang makapasok ng bahay. Iiling iling na napa face palm ako. Kahit kailan talaga si Breeze. Hindi na yata yun magbabago pa. Pagmamaktol ko sa aking isipan.

Pero...napangiti ako ng malungkot sa sarili. Iyong tawa niyang iyon, sobrang mamimiss ko yun ng sobra at tiyak na hahanap hanapin ko..

-----



Ilang sandali lamang din ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Nasa loob na rin kami pareho ng bahay at tapos ng maghapunan. Masyado yata akong nabusog sa kinain namin ni Breeze kaya parang maaga akong dinalaw ng antok. Ang sarap kasi niyang magluto. Hindi ko akalain na ang mga katulad niya ay halimaw din pala sa kusina. Kung titignan mo kasi, wala itong alam lalo na sa pagluluto. Peace!

Dahil sa tapos na rin akong maghugas ng katawan at magbihis kaya naman mas lalo lamang akong nakaramdam ng antok.

Sa kwarto, habang naka higa sa kama at naghihintay na matapos si Breeze sa pagligo ay binuksan ko na muna ang flat screen TV na may 50 inches ang laki. Manonood na lang muna siguro ako habang naghihintay sa kanya. Tama!

Ngunit nagkamali parin ako. Dahil ang akala ko ay magigising ang diwa ko dahil sa panonood, hindi pala. Mas lalo lamang iyon nagdulot ng antok sa akin kaya hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako...

"Hmmm.." Napa ungol ako dahil sa dulot ng kiliti na nararamdaman ko mula sa likod ng tenga ko.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoo itong nararamdaman ko ngayon. Pero naramdaman ko nalang ang mainit na palad na humahaplos sa may tiyan ko sa loob ng damit ko pataas sa hinaharap ko.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon