"Miss Dimaano naman kasi eh! Wala po talaga kaming ginagawa" pakiusap ko kay Miss.Kung sinuswerte ka nga naman. Ang Dean at Prof ko pa ang nakakita sa amin!
Anak ng tukneneng lang talaga!!!!
"How can I know that you're telling the truth? For Pete's sake! You're wearing his P.E uniform!" nangagalaiting sabi niya sakin.
Eto talaga mahirap pag masyadong conservative ang school eh. Nyemas naman eh. EH SA WALA NGA TALAGA KAMING GINAGAWA!!! ALIN BA DUN ANG MAHIRAP PANIWALAAN?!
"hoy! Magsalita ka nga!" baling ko sa katabi kong papetiks petiks lang sa pag upo ay may pa ngisi ngisi pang nalalaman.
"prof wala po talaga kaming ginagawa! Swear! Galing po akong library para magstudy sa subject niyo nung umulan kaya napilitan po akong pumunta dun sa abandoned building" pagpapaliwanag ko sa prof ko na nakatayo lang sa likod ni Ms. Dimaano
"oh! Right! May long quiz nga pala ako ngayon. Mauuna na ako Miss Dimaano" akmang lalabas na siya sa office ni Miss nung tinawag ko siya ng may nakikiusap na mga mata.
Natatawa niya namang binalingan si Ms. Dimaano
"Dean patawan niyo na po sila ng parusa para makalabas na sila at nang makatake ng quiz ang mabait kong estudyante" bumaling siya sa akin. "see you in class Miss Dominguez" at tuluyan na siyang umalis.
Inis kong binalingan ang katabi ko na nananatiling tahimik at walang kibo. Napipi na ata
Bumuntong hininga si Dean at nanatili parin ang kunot noo niya.
"makakaligtas kayo sa akin ngayon dahil wala pa akong maisip na parusa sa inyo. Pero sa oras na tawagin ko kayo ay bawal kayong tumanggi sa parusang ibibigay ko. NOW LEAVE!" dali dali akong tumayo at halos yakapin ko na si Dean sa pasasalamat.
"Thank you po talaga!" at dali dali na akong umalis ng office. Tinakbo ko na nga ang room ni Prof eh buti nalang hindi ako nalate.
"class dismiss and please Ms. dominguez help me with this." dali dali naman akong tumayo para tulungan si Prof sa pagbuhat ng mga papers.
"so ano ba talagang nangyari sa inyo ng kapatid ko?" nanlalaki ang mata ko siyang tinignan.
A-anong ibig sabihin niya sa kapatid?
"s-sino po ang kapatid niyo?" nauutal kong tanong sa kanya. Shet kinakabahan na ako na nahihiya.
"Si Bluemond" napakunot noo ako.
B-Bluemond? B-Blue? Yung lalaki kanina? Na may ari ng P.E na suot ko ngayon?
ANAK KA NG TUKNENENG HANDRHEAH JOY DOMINGUEZZZZZZ!!!!!
--------
Lablab guys mwah hihi 🖤🖤🖤🖤
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
General FictionPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...