"what the hell?" hindi makapaniwala kong tungon sa kanya.
"pinagsasabi mo dyan bahala ka nga sa buhay mo" inis kong sabi sa kanya Nonsense!
Utusan ba naman akong imbistigahan ko daw si Prof Mondigo!
"look. Seryoso ako! Noon ko pa siya napapansin eh. Wala siyang pinapakilalang girlfriend kay mama! Ever since! malapit na siyang magthirty!---"
"at ibig sabihin nun bakla na siya?!" tumango siya. Napapikit nalang ako sa pagkainis
"bakla agad?!"
"babaan mo nga yang boses mo Nakakahiya ka."
"mas nakakahiya ka"
"makabatok talaga tong babaeng to wagas eh. Sige na pumayag ka na sa deal ko"
"at ano ang mapapala ko kung papayag ako?"
"kahit anong gusto mo" tapos nagtaas baba siya ng kilay.
"gusto ko yung sinabi mo kanina" abot langit kong ngiti sa kanya at siya naman ay napakunot ang noo.
"alin dun?" anung alin don?! Eh kung batukan ko ulit to?
"na hindi mo na ako kukulitin, iinisin,lalapitan,kakausapin in short back to basic. Kasi hindi naman talaga tayo magkakilala eh. Ewan ko ba sayo kung bat lapit ka ng lapit sa akin. Kung assuming lang ako siguro inisip ko na may gusto ka sa akin" tsaka ako kumain ng sundae
Hmm! Sarap!
"aray naman! Nilibre na nga kita eh ganyan ka pa makapagsalita sa akin. Iluwa mo nga yang mga kinakain mo tsaka akin na yang sundae na hawak mo! Hindi magkakilala, hindi magkakilala" nilayo ko kaagad ang sundae sa kanya kasi akma niyang kukunin eh. Sayang.
Bakit parang siya ata ang bakla? Ang daldal ha.
"oo na! Deal! Bat ba kasi atat na atat malaman kung bakla ba ang kapatid eh kung aamin edi aamin. Anu problema dun?"
"ano? May sinasabi ka?"
"ah eh wala! Wala! Sabi ko deal!"
"okay good. So ganito. Weekly ka magrereport sa akin sa kung ano ang mga napapansin mong medyo may something sa kanya ha" napakunot ako. Wait teka lang weekly?
"si magkikita parin tayo?" inis kong sabi. Akala ko ba ang deal eh titigilan na niya ako kung papayag ako.
"kung gusto mo akong makita then why not! I'm always free just for you babe" ngisi niyang sabi sa akin tapos nagtaas baba pa siya ng kilay sabay lip bite. KADIRI.
"no. Syempre I can report you weekly naman through chat" hays maypagkatanga ka talaga minsan Handrheah Joy!
"exactly! Pero syempre kung gusto mong magkita tayo okay na okay ako dyan! Sabihin mo lang na miss na miss mo na ako at mag aala rapido ako papunta sayo" naapirap nalang ako. Seriously?
"alam mo? La kang kwenta kausap. Uwi na ako" syempre dinala ko ang sundae na medyo kalahati pa lang ang nakukuha sayang kaya.
"ep-ep hindi pa tayo tapos" inis akong lumingon sa kanya
"ano nanaman???"
"kailangan natin ng katibayan na may ganito tayong deal" nilagay ko muna ang sundae sa table baka matapon eh.
"at pano naman aber?" nakacross arm kong tanong sa kanya. Take note: nakatayo parin ako
"ito" tapos tinaas niya ang resibo. Seriously?
"teka lang, kuya! Kuya pahiram po ballpen" pagtawag niya sa kuyang crew sa Jollibee na agad naman siyang binigyan.
" oh ayan sulat mo dyan whole name mo with middle name ha tapos pirmahan mo" umupo muna ako tsaka ako nagsimulang magsulat.
Pagkatapos na pagkatapos kong magsulat ay tatayo na ulit sana ako pero pingilan nanaman niya ako!
"ano nanaman???"
"kailangan nito" tinaas niya ang phone niya. What? Phone? Magpipicture kami?
"magpipicture tayo?" umupo nalang ulit ako. Kelan ba ako makaka uwi.
Uwing uwi na ako!
"kung gusto mo eh aba bakit hindi?" tataas baba nanaman niyang sabi sa akin.
"gago ka ba?"
"gago sayo" abat! Babatukan ko na sana pero bigla siyang nagstop sign kaya ngstop din ako. Oh diba? Ako ang naging tanga.
"chill ka lang. Kailangan lang naman natin irecord ang mga nakapagsunduan natin dito"
"at bakit?"
"para alam natin kung para saan ang pirma mo" ah okay.
"sge start"
"I am Handrheah Joy Dominguez at sumasang ayon ako na tutulungan ko ang gagong nilalang na may ari ng phone nato sa pagtuklas sa lihim ng kanyang kapatid na siya namang aking guro. Nagmamahal dear Charo" tinignan ko siya para istop pero hindi niy parin iniistop
"kanta ka"
"what?" mahina kong bulong peri for sure rinig din naman yan.
"kanta ka"
"ng ano?"
"kahit ano" anong kakantahin ko?????
Wait narinig ko lang to kanina na pinlay eh habang bumibili kami ng damit ni Hazelle
Pano nga ulet yun?
"dali na"
"teka nga lang! Nag iisip pa eh"
"ang tagal!"
"ehem! Ehem" pagclear ko ng golden voice ko. Yung chorus nalang ang naalala ko eh kaya itatry kong kantahin.
" 'Cause there's somethin' in the way you look at me" simula ko sa kantang naalala ko.
"It's as if my heart knows you're the missing piece" shet anu nga ulit kasunod neto
"You made me believe that there's nothing in this world I can't be" this time hindi na ako sa lens ng phone niya nakatingin.
"I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me" kundi sa mga mata niyang nakangiti sa akin.-------
Lablab guysssss mwah 🖤🖤🖤
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
General FictionPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...