heyyyy
what's up?!!!
bakit ayaw mo akong pansinin?
waw peymus! seener ka na ha
iilan lang yan sa mga pangtatadtad niya ng message request sa kahit anong social media account ko.
pano niya ba kasi nalaman ang pangalan ko?
'so ano ba talagang nangyari sa inyo ng kapatid ko?'
"oh shit"
"Joy yang bibig mo" napairap nalang ako nung sinita niya ako. anong karapatan niyang pangaralan kami eh ni-hindi niya nga kayang pangaralan ang sarili niya kung paano makuntento sa iisang babae?
"Joy, makinig ka sa papa mo" segundan naman ng nanay kong tatanga tanga sa pag-ibig.
"nawalan na ako ng gana. mauuna na po ako ma. eat well" baling ko sa ama naming walang ginawa kundi ang magbigay perwisyo kay mama tsaka ko siya nginitian ng pagkatamis tamis "mabulunan ka sana" dagdag ko pa bago umakyat sa kwarto ko
"Handrheah Joy!! hindi kita tinuruan ng ganyang asal!" hindi na lang ako nakinig at tinuloy ko na ang pag akyat.
pinapangako ko na hinding hindi ako magiging tanga sa pag-ibig.
oo. iiyak ako pero hinding hindi ako magpapakatanga at hahabol sa mga taong hindi naman karapat dapat.
my mother never thought me that kaya ako mismo ang magtuturo sa sarili ko kung paano hindi maging tanga.
lalong lalo na sa mga lalaki.
"ateeee wake up! diba sabi mo sasamahan mo akong mamili ng damit for my acquaintance party?" arghhh!!! ang sakit pa ng mata ko!
"sinabi ko ba yun?" pagmamaang maangan ko.
"oo ate. recorded ko iyon gusto mong marinig ang panget mong boses? natutu na ako nuh! alam ko na ang mga ganyang style mo!---" ARGHHH!!! ang sakit sa taingaaaa
kinuha ko na ang towel ko at mga kaekekan para makaligo na ako.
pero di ko alam na maaga palang masisira ang umaga ko.
"oh anak, kain ka na papa mo naghanda ng agahan ngayon. teka maliligo ka? may lakad ba kayo ng kapatid mo? maaga rin yung naligo eh" tinanguan ko na lang si mama bago pumasok sa cr.
"ate alin mas maganda?" tapos tinaas niya ang dalawang dresses na kulay royal blue at beige.
"beige"
"sure ka? baka hindi bagay sa akin ha"
"edi huwag mong bilhin. easy." napairap nalang ako. ang arte arte kasi eh
"ate naman eh!" maypapadyak padyak pa siyang nalalaman. parang bata.
"sinabing yung beige nga ang bagay sayo eh. ang tigas talaga!" tsaka ko siya binatukan
nakanguso niya namang hinaplos ang batok niya. isa rin tong tatanga tanga eh.
manang mana kay mama.
"yung sinabi mo sa akin na kakain tayo sa jollibee. hindi ko yun nalilimutan" paninigil ko agad sa kanya pgkabayad n pagkabyad niya sa damit na napili niya. ang dami pang arte eh yung dress na kulay beige lang rin naman ang bagsak.
"mehehehe ate, ubos na allowance ko eh" ngingisi ngisi niyang sabi sa akin.
napakunot naman ako.
"paano mo naubos ang Php 5,000 sa loob lang ng dalawang linggo Hazelle?!" inis kong tanong sa kanya.
"eh diba kabibili ko lang neto" tapos inangat niya ang binili niyag dress na kinakunot ng noo ko.
"huwag mo akong lolokohin. binigyan ka ni mama pambili niyan" nakokonsensya niya naman akong tinignan tapos biglan nagpa awa.
"eh kasi ateeeeeee monthsary namin ni Gerald last week hehehe" mas lalong kumunot ang noo ko.
what the hell? huwag niyang sabihin na inubos niya sa lalaki niya?!!!!!!
inis akong bumaling sa bandang kanan ko at automatic na naglanding ang mga mata ko sa isa pang walang hiyang lalaki sa mundo.
walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kanya
"hoy ate saan ka pupunta?" rinig kong tanong niya habang sumusunod sa akin.
"well, well, well... ang gwapo mo namang haliparot ka? hindi ka na nahiya? nilustay mo na pera ng kapatid ko tapos makikita pa kita ditong nakikipaglandian sa isang urangutan? what the hell?? may unggoy ka na naharmless gusto mo pa talaga sa isang uranggutan?"
"a-ate... tama na.. hindi naman ako unggoy eh"
-------------
offfff-- hahahaha lablab guys mwah 🖤🖤🖤
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
General FictionPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...