Chapter 29

43 6 2
                                    

"Nak! may bisita ka!" bungad ni mama sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Kagagaling ko lang sa skwelahan upang magpaenroll for second semester.

Wala naman akong inaasahang bisita ah? Si Blue nanaman ba to?

"Ma bat' niyo pa pina-"

"No anak, hindi si Blue to. Babae eh" mas lalong napakunot ang noo ko.

"Pinakain ko muna 'nak. Sige na magbihis ka na muna" wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang kay mama.

Habang nagbibihis ako ay hindi ako mapakali at lumilipad ang isip ko.

'Wala tayong tatapusin Ligaya'

Biglang sumagi sa isip ko ang huling sinabi niya bago umalis sa bahay. Hindi siya pumayag pero para sa akin tapos na kami. Walang patutunguhan ang relasyong puno ng kasinungalingan at lihim.

Bumaba na ako at nandoon na nga sa sofa naka upo ang babaeng sinasabi ni mama. Umupo na rin ako sa katapat nitong sofa. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ang mukha ng babae. Siya yung asawa ni Prof. Mondigo!

"D-diba ikaw yu--"

"Oo ako nga hehe uhm Ligaya right?" nakangiti niyang saad at naglahad ng kamay. " uhm I'm Angel" nakangiti niyang sabi sa akin. Kinuha ko naman ang kamay niya kahit na awkward.

Kaya ba gusto ng nanay ni Blue si Angel dahil Angel din ang pangalan ng asawa ni Prof.?

"Angelia.. hehehe Lia nalang" hindi ko namalayan na nakakunot na pala ang noo ko. Awkward nalang akong ngumiti at nagshake hands kami.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin matapos ang awkward na pagpapakilala. Rinig na rinig ko ang patak ng orasan na nagsilbing ingay sa tahimik na paligid.

"Ah ano hehehe" sa wakas ay nagsalita na rin siya. Umayos siya ng upo kaya napaayos na rin ako ng upo. Ano ba naman to! ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Yumuko nalang ako at kinukurot kurot ng mahina ang kamay ko.

"Narinig ko ang nangyari sa inyo ni Blue" napa angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya pero napabalik rin sa kamay ko. Ayaw kong pag-usapan, kahit nga dito sa bahay walang naglakas ng loob na mag open-up ng topic tungkol sa amin ni Blue.

"Alam mo ba bata palang yan si Blue kilala ko na yang batang yan. Pasaway at mahilig mang-asar. Maybe his own way of getting the attention he wants?." ngumiti siya ng tipid at tinignan ako. Napaiwas nalang ako ng tingin. She's right. Same technique he used to get my attention. Idiot.

"That day, nung nalaman niya ang tungkol sa pagkatao niya... he almost lost himself." biglang lumungkot ang mga mata niya. Ito ba yung tungkol sa pagiging magkaiba nila ng ama ni Prof. Mondigo?

"He always flash a wide smile, yung tipong abot hangang tainga na hindi mo aakalain na malungkot siya, na gabi gabi siyang nangungulila sa ama niya."

"P-paano niyo po alam to? Matagal mo na po bang kilala sila?" naguguluhan kong tanong. I know she's related with them but how did she get all these information?

"Before Mel and I decided to settle down we were best friend first." ngumiti siya, yung totoong ngiti. Naalala ko tuloy kung anong pinagawa ni Blue sa akin noon.

"I treated Blue as my own brother since I don't have any" natatawa nitong sabi at nagkibit balikat. "first crush, first girlfriend, first ki-iss hehe name it all alam ko yan." medyo nag-aalangan pa siya nang binanggit niya ang tungkol sa kiss pero hindi ko nalang ito binigyan ng pansin para saan pa?  " I am like a human diary to him" dagdag pa nito.

"Nung dumating si Angel saka ko lang ulit nakita ang totoong ngiti niya" napa-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya at mukhang napansin niya iyon dahil bigla niyang inabot ang kamay ko.

"I'm sorry Ligaya but you have to hear this, to understand him."

"Diretsohin niyo nalang po ako kung anong gusto niyong gawin ko." tinignan ko siya sa mata na para bang pinapahiwatig na handa na akong marinig yun. Ngumiti siya at umiling.

"Hindi kita didiktahan kung anong dapat mong gawin Ligaya" she smiled sincerely and squeeze my hand. "I just want you to hear his side and  open your mind to understand him."

"Yes, his first intention is to play with your feelings, Darling."

"Alam ko na po ya-"

"but he didn't know that his will play too, along with your feelings" napakunot ang noo ko. Pilit inaabsorba at iniintindi ang mga katagang binibitawan ng isang babaeng ngayon ko lang naman nakausap.

"Hindi ko parin po naiintindihan kung bakit - bakit niya po ginawa yun? anong kasalanan ko?" para akong natatakot sa sagot kahit na may mga ideya namang pumapasok sa isip ko kung bakit.

"Masyadong mababaw ang rason na alam ko Ligaya kaya mas gugustohin ko nalang na huwag sabihin dahil alam ko, alam kong malalim ang pinanghuhugutan ni Blue."

"Nung una palang tutul na ako na ako sa gusto niyang mangyari pero desidido na siya, Ligaya. Maybe the pain he felt - the pain his first heartbreak gives him more courage to do it."

"At first, akala ko gusto niya lang ng distraction, mapaglilibangan para mawala ang sakit pero kalaunan napansin kong may kakaiba. Mas malalim, Ligaya." Hindi ko na napigilan pa at tumulo na talaga ang luhang ilang araw ko rin pinipigilan. Gaano kalalim Blue? at bakit ako?

"Hindi ako napapagod pagsabihan siya araw-araw pero natigil lang yun nung napansin ko ang ngiti niya. Nagiging totoo na ulit" Lumipat siya ng upuan at ngayon ay magkatabi na kami pero ang mga luha ko ay patuloy parin sa pag-agos.

"Alam mo ba, sabi niya sa akin nuon 'Joy ang pangalan niya pero wala man lang akong makitang saya sa mata niya, madalas pang umiikot.' " natatawa niyang sabi at pinalalim pa ang boses para magaya si Blue, habang pinapahidan ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos kaya tuloy napatawa nalang ako. Mukha na tuloy akong timang umiiyak pero tumatawa.

"Ligaya, alam kong may sa pagkagago na talaga ang bayaw kong yun pero sa maniwala ka man o  sa maniwala ka dapat" wala paring tigil ang luha ko pero ngumingiti na ako dahil sa sinabi niya. Gago nga si Blue walang pag-aalinlangan.

"Mahal ka nun" pagpapatuloy niya. Nawala ang ngiti ko dahil sa ngayon, mahirap pa yang paniwalaan.

"Sana, sana bigyan mo siya ng pagkakataong ipaliwanag ang sarili niya, Ligaya. Open your mind.. kahit wag nalang to" sabay turo niya sa bandang dibdib ko "para mas maunawaan mo si Blue." pagpapatuloy niya.

Natapos na ang usapan namin ng asawa ni Prof. Mondigo pero ang isip ko hindi parin tapos sa kaiisip. Nahahati ako. May parte sa akin na gustong sundin ang payo ni Ate Lia pero may parte parin sa akin ang pumipigil.

Takot.

Takot sa kung anong maaring malaman ko.

Hindi pa ako handa, at hindi ko alam kung hangang kailan ako hindi magiging handa.

Kalagitnaan ng second semester at okay naman ang lahat. Si Bebang na ang lagi kong kasama at kung minsan ay nagkakasalubong kami ni Blue, alam ko, ramdam kong gusto niya akong kausapin pero umiiwas na agad ako kahit wala paman siyang ginagawa.

Akala ko kaya kong gawin yun hanggang matapos ang school year pero nagkamali ako nung pinatawag ako ng Dean, akala ko ako lang, yun pala kasama si Blue.

Sinisingil kami sa utang na parusa namin.

Shit. Akala ko nakalimutan na ng matandang yun. Hanep sa memory ha! Nagmemory plus gold siguro yun.

Nyeta talaga!.

-----------

💛

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon