"Ma! yung damit ko!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.Ngayon ang graduation ni Hazelle at kauuwi ko lang galing practice para sa musical play namin at for sure inis na si Hazelle ngayon habang naghihintay sa amin.
"Anak bat' ba ang tagal mo!"
"Yes ate! we we're waiting for you like years" maypagkaoa na sabi ng bunso namin at inabot sa akin ang dress ko.
Dali dali akong umakyat papuntang kwarto para magbihis at hindi na pinansin ang mga litanya nila.
"Ate you should tie your hair up. It's a mess." napairap nalang ako at ginawa ang sinabi niya.
"Anak tara na" umalis na kami at sinabihan pa talaga namin ang taxi driver na medyo dalian dahil napagkasunduan na namin na kami ni bunso ang magmamartsa sa kanya papasok ng hall at si mama naman ang aakyat para sabitan siya ng medalya.
"Waw! akala ko talaga mamumuti na mata ko kakahintay sa inyo" himutok ni Hazelle at umirap pa talaga kaya hindi ako nagpatalo at umirap rin, kala niya ha.
"Si mama?" tanong niya dahil kami lang ni bunso ang bumungad sa kanya. Nasa hallway pa kasi kami ng hotel na pinagdarausan ng graduation nila.
"Pumasok na si mama. Teka nga! magkano ba binayad mo para sa make up at hairstyle mo at bakit ganyan yang mukha mo?" tanong ko ng mapansing hindi pantay ang nakalagay na eye shadow sa kanya.
"Duh? whatever" at naghalukipkip. Itinuon nalang niya ang pansin kay Donny na kumakain ng gummy bears.
Isa din yan sa rason kung bakit mas natagalan kami. May nakita kasi siyang kumakain ng gummy bear ng papasok na kami kaya nanghinge din siya kay mama. Hinanap pa namin kung saan yung nagtitinda kaya ayun mas natagalan.
Nag-announce na na maghanda na daw dahil malapit ng mag one. Kaya pumwesto na kami. Ako ang nasa kanang bahagi ni Hazelle at si Bunso naman ang nasa kaliwa.
Nakita namin si Mama sa di kalayuan at kumakaway kaway pa sa amin kaya ngumiti ako pero ang bubwit hindi talaga napigilan at kumaway din pabalik kay mama kaya ayun nadistract ang ibang tao at tumingin kung saan kumakaway ang bubwit hahaha.
"Oh? yay graduate na siya oh magkacollege na siya!" pang-aasar ko sa kanya at ginulo ang mamahalin niyang buhok. Napangiwi ako ng maging sticky ang kamay ko.
"Duh. Whatever" sabi niya sabay irap. Kahit kelan talaga 'to.
Hindi ko nalang siya pinansin naghanda na ng mga plato para sa kakainin namin. Simple lang ang pagcelebrate namin ngayon, yun din kasi gusto ni Hazelle.
"Kain na tayo ma!" tawag ko kay mama na nagbibihis sa taas. Alam kong mahirap 'to para kay mama pero masaya ako at kinakaya niya.
"Maya na! May hinihintay pa ako" nakabusangot ang mukhang angil niya sa akin. Kasasabi niya lang nang biglang may kumatok. Excited siyang tumayo at patakbong tinungo ang pinto.
"Bayaw! buti nakarating ka!" parang biglang tumalas ang pandinig ko at otomatikong humaba ang leeg ko sa narinig.
Agad naispatan ng mata ko ang nakapolong kulay gray ngunit nakatupi ito hanggang siko at nakamaong na kulay itim ito.
"Oh? saan binyag natin?" natatawa kong sabi sa kanya kaya napatawa rin siya.
"Oh? saan na ba anak natin ng mabinyagan na?" balik niyang pang-aasar sa akin.
"Gago" natatawang saad ko. Nasabi ko naman sa kanya kanina na ngayon ang graduation nila Hazelle, ang gago hindi man lang sinabi na inimbita pala siya ni Hazelle.
"Oh? lika na kain na tayo--"
"May hinihintay pa ako" putol niya sa akin. Napakunot ang noo ko, hindi ba si Blue ang hinihintay niya?
Umupo nalang ako at hindi na umangal. Hayaan na at ngayon lang tong bait baitan ko dahil grumaduate ngayon ang bruha, lagot ka sa akin bukas.
"Namemorize mo na lines mo?" napalingon ako kay Blue na tumabi pala sa akin.
"Hindi pa, katamad kaya, tsaka next week pa naman yung presentation eh." Sasagot pa sana siya ng biglang may kumatok nanaman at iniluwa don ang lalaking hindi ko kilala.
Otomatikong napataas ang kilay ko. Aba't! sino naman ang lalaking 'to?
Napakunot ang noo ko ng mahuli kong may binulong ang lalaki kay Hazelle na siya namang ikinangiti ng malandot kong kapatid. Agad naman itong nagmano kay mama ng makitang pababa na ito.
Waw sipsip.
Nagitla naman ako ng may bumulong din sa akin.
"Boyfriend ni bayaw?" sasapakin ko na sana si Blue ng lumayo siya. Well buti naman. Isa pa yang bayaw bayaw nila na hanggang ngayon ay hindi parin nila binabago.
My heart is full of joy and contentment when I saw my mama's laughing face.
This Biboy that Hazelle just introduce to us as plainly as his friend crack a joke na naging benta kay mama na hindi ko naman naintindihan. Friend my ass.
Well sige boto na ako sa Biboy na 'to cause she makes my sister smile and my mama laugh. I just hope na hindi na siya katulad nung Gerald na yun.
"Hoy bruhildang malandot kailan lang kayo naghiwalay nung Gerald na 'yun?" pang-iintriga ko sa kanya habang naghuhugas ng pingan. Ako nanghuhugas ngayon dahil day off niya daw kasi grumaduate siya ngayon.
"Duh? Matagal na." Maikli netong sagot at bakas ang pagkadisgusto sa boses neto.
"Kuritin kita sa singit eh! Matagal na eh kita ko lang last month na ang sweet sweet niyo pa sa Facebook eh!" Akmang kukuritin ko sana siya ng agad itong umiwas. Sumimangot ito at sumandal sa sink habang ako ay pinagpatuloy ang pagiging ulirang dishwasher.
"Eh ikaw nga dyan ang hindi ko maintindihan eh, akala ko ba hiwalay na kayo? eh bat' may pabulong bulong kanina?" nagpataas baba ang kilay neto halatang nang-aasar kaya winisikan ko siya ng tubig galing sa pinanghugasan ko na kinatili niya. Tse arte.
"Speaking of pabulong bulong eh nakita ko rin kayong nagbulongan kanina eh. Magkaibigan lang ba talaga kayo?" pang-iintriga ko rin. Napabuntong hininga ito tila ba nahihirapan sa tanong ko.
"Ate, kurutin mo nga ako" wala sa sarili niyang saad kaya kinurot ko talaga siya. Aarte pa eh minsan lang manghinge ng kurot 'to eh.
"Aray naman! masyado naman ata yung masakit." sabi niya habang hinihimas himas ang bandang singit niya kung saan ko siya kinurot.
"Ate, masaba na ba ako?" napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay. What's with the question?. "For using Biboy?" pagpapatuloy neto na nagpatigil sa akin.
"Using what?" parang nabinge kasi ako.
"How come did you and your ex keep in touch? and back to being friends? isn't it weird?" napailing ako. Change topic agad eh. Pero pinili ko nalang na sagutin ang tanong niya at hindi na siya pinilit.
"Because we're mature enough to be friends."
"Eh what if may isa sa inyo bumalik ang feelings because of that friendship thingy pero ang isa may jowa na? Edi luhaan ang isa?"
"Hazelle you know what? Feelings are deceitful, it ruins everything. So if ever that happens I hope that whoever that one is, maybe me or him, should just keep it in us, ourselves." napabuntong hininga ako.
"Sino ba kasi ang tangang babalik pa sa minsan ng nanakit dito?" winisik wisik ko na ang kamay ko dahil tapos na ako sa paghuhugas.
"Ikaw." napalingon ako kay Hazelle dahil sa sinabi niya.
"Ikaw ang tangang babalik."
-------------
💛
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
General FictionPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...