Nakatitig lang ako sa payong na binigay ni Blue - na hindi ko parin nabubuksan. Katatapos ko lang maligo at nagpapatuyo nalang ako ng buhok.Tanong ng tanong sa akin si mama kung anong nangyari, sinabi ko nalang na nakalimutan kong dalhin ang payong ko pero nakalimutan ko rin pala na may dala akong payong na hindi pa nabubuksan. Kinurot tuloy singit ko, bwesit.
Tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Akala ko kung sino na, si Hazelle lang pala.
'Bumaba ka. Kakain na. Katamad tawagin ka kaya tinext na kita'
Laman ng message niya. Tama nga si mama ang tatamad ng anak niya, ni pagtawag tinatamad pa. Eh sa tamad rin ako kaya tinext ko nalang rin siyang busog pa ako. Hindi narin naman nangulit pa si Hazelle kaya pinagpatuloy ko na ang pagpapatuyo ng buhok ko.
Bukas, magkikita nanaman kami at hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Sumagi sa isip ko ang nangyari, ang halik, ang init ng labi niya. Mahina kong tinampal ang sarili ko dahil sa lahat ng pwedeng alalahanin ay yun pa talaga.
It's not my first kiss but it was our first and probably the last one, too.
Mga bandang alas dose ng gabi nang makaramdam ako ng gutom kaya bumaba nalang ako. Kumakain na ako nang biglang bumukas ang pinto kaya dali dali akong tumayo para tignan kung sno ito. Bumungad sa akin ang mukha ng pinakawalang hiyang nilalang sa mundo.
"Oh? umuwi ka pa?" sarcastic kong bungad sa kanya at bumalik na sa hapag kainan. Akala ko hindi niya papansinin ang sinabi ko pero nagkamali ako.
"Wala ka na ba talagang galang bata ka? Para ipapaalala ko sa'yo tatay mo parin ako." may riing sabi niya at dinuro duro pa ako. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya napatayo ako.
"Ikaw ba? wala na ba talagang ni katiting na hiya ang natira diyan sa mukha mo?" laban ko rin at tinampal tampal pa ang mukha niya. "Oh, ang kapal kasi eh" natatawa kong sabi pero natigil ang tawa ko nang maramdaman ko ang sakit sa pisnge ko.
Napapikit ako at dinama ang sakit.
"Wala ka talagang galang!" sigaw niya at dinuro duro pa ako.
"Ernesto! Anong Nangyari?!" rinig kong tanong ni mama galing pa sa kwarto, halatang nagising dahil sa ingay.
"Yan! yang anak mo! napakawalang galang!" Hindi siya matigil sa pagduro sa akin na parang yun na lang ang kaya niyang gawin para mapigilan ang pagsakal sa akin. Halata kasing gusto na niya akong sakalin eh.
Hindi ko nilingon si mama at nanatili lang ang tingin sa walang hiya dahil alam ko pagnakita ko ang mukha ni mama iiyak agad ako.
"Ernesto ano bang nangyayari! Huwag ka ngang sumigaw" si mama. Narinig kong bumaba na siya pero hindi ko parin siya nilingon. Pero nung naramdaman ko ang kamay ni mama sa pisnge kong sinampal nung walang hiya at unti unti itong pinaharap sa kanya ay gustong gusto ng tumulo ng luha ko. Akala ko kaya kong pigilan pero nung nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni mama bigla nalang nagbagsakan ito na parang gripo. Humihikbi na ako kaya niyakap ako ni mama, pero dahil akap na yun mas lalong ginanahan ang lintek na mga luha sa paglabas.
"Kaya lumalaking walang galang yang anak mong yan eh! dahil kinukonsinte mo! Halika dito at tuturuan kita ng tamang asal!" pilit niya akong hinihila papalayo kay mama pero ayoko. Nung akmang mahihila na niya talaga ako ay humarap na ako sa kanya at puno ng galit ko siyang tinignan.
"Diba ako dapat ang magturo sa'yo ng tamang asal PA?" may diin kong sabi sa kanya at iwinakli ang hawak niya.
"Tangina! Tuturuan daw ako ng tamang asal? eh pano mo 'ko tuturuan niyan kung ikaw mismo mas masahol pa sa hayop?!"
"Sige! Sampalin mo ako ng sa korte tayo magkita!" sigaw ko ng akmang sasampalin niya ako.
"Handrheah Joy ano bang nangyayari sa inyo? tama na yan, halika na" eksena ni mama sa gilid at pilit akong pinapakalma pero huli na ma, sumabog na ang bulkan.
"Hindi ma! panahon na para wala ng tanga sa pamilyang 'to! Oo, masakit makita kang umiiyak pero mas nasasaktan ako tuwing iniisip na ginagago ka eh!"
"Gago ka! Gago yan ma!" ngayon ako naman ang dumuduro sa kanya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya pero wala na akong pakealam dahil isa lang ang sigurado ako ngayon. May mawawala sa bahay na 'to.
" N-nak" nanlaki ang mata ko sa tawag niya sa akin. Parang gusto kong tumawa.
"Anak?! hahahaha" nilingon ko si mama na ngayon ay nagtataka at pabaling baling ang tingin sa amin ni papa.
"Ma niloloko ka lang nito! alam mo ba na may relasyon yang lalaking yan sa nanay ni Blue?"
"At ito ang nakakatawa ma. Siya ang may kasalanan pero ako ang nagbayad! Ma!-"
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Handrheah! Bawiin mo 'yon! matagal ng nagbago ang tatay mo!" napailing iling ako sa narinig ko kay mama.
"Ma! bat' ba ayaw mong ma-"
"Tumigil ka na sabi eh!" natahimik ako sa pagsigaw ni mama at muli nanamang nagsituluan ang maiinit na likido sa mga mata ko.
"Niloloko ka na pero nagbubulagan ka parin, ganyan ka ba katanga talaga ma?" isang malakas na sampal ang inabot ko. Dinama ko ang sakit sa kanang bahagi ng pisnge ko.
Waw mag-asawang sampal yun ah.
Walang pagdadalawang isip akong lumabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni mama at Hazelle pero hindi na akong nag-abalang lingunin pa ito.
Tae! madaling araw na ah! gusto ko lang naman sanang kumain dahil nagutom ako!.
Naglalakad lang ako, hindi alam kung saan pupunta, walang direksyon. Hindi na nga rin malinaw ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi parin tumitigil.
Biglang nagsituluan ang maliliit na butil ng ulan hanggang sa dumami ito at lumakas. Uuwi na sana ako pero umuurong ang mga paa ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kani kanina lang.
Napagpasyahan kong pumunta nalang kela Bebang tutal malapit na rin naman ako. Itetext ko na sana si Bebang na pupunta ako sa kanila pero hindi ko pala nadala ang phone ko kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Pagod na ako at gutom na rin. Lumakas ang ihip ng hangin kaya niyakap ko ang sarili ko. Sumasakit na ang ulo ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
Laking pasasalamat ko na hindi marunong magsara ng gate si Bebang. Nanghihina na ako nung inakyat ko ang hangdan at kumatok. Makailang ulit pa akong kumatok bago bumukas ang pinto.
"Sino ba yan! ang ingay! madaling araw na-- oh! Liga-" hindi ko na nasundan ang sinasabi niya dahil biglang nanlabo ang paningin ko.
-------
💛
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
Ficción GeneralPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...