Chapter 35

67 8 2
                                    


Nanginginig ang kamay at naghaharumentado ang puso.

Nasa backstage kami at unti-unti ng nagsisidatingan ang mga tao.

Dumadami na sila ng dumadami at habang padami sila ng padami ay mas lalong nagsilakasan ang pintig ng puso ko.

Parang nalilimutan ko na ata ang mga linyang dapat kong bigkasin hindi paman nagsisimula! Kinakabahan na talaga ako! Pano ba kumalma!

"Magparetouch ka Leila at ayusin mo yang damit mo dahil nagusot! pati mukha mo nagusot na rin! Kalma!"

Simula nung nagpractice kami ay ang mga kanya kanyang character na namin ang tinatawag ni Dean para daw hindi na siya maguluhan pa.

Tumigil nalang ako sa pagsilip sa mga tao at pumunta na sa mga nagmemake-up. Mga kapwa estudyante lang rin ang mga ito.

"Hoy beh! Kalma! naginginig ka" sita sa akin ng bakla na nagreretouch sa akin, siguro napansin niya ang panginginig ko.

"Kinakabahan lang" sabi ko nalang at tinawanan para itago ang kahihiyan.

Ang dami ko kayang lines! Pano nalang kung may makaligtaan ako? Tsaka ang daming tao! Hindi ko naman kasi alam na pang year end activity pala talaga ito. Last year kasi hindi ako umattend! aba malay ko dyan.

Sumilip nanaman ako sa gilid ng backstage. Namataan ko na sila Mama, Hazelle at ang Bubwit.

Umupo nalang ako at pilit pinakalma ang sarili. Masyadong busy ang paligid lahat nakadress na parang mga prinsesa at prinsepe.

"Why are you sad my lady? Care if I give you some joy?" bigla niyang inagaw ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nginangatngat ko na pala ang kuku ko. Shet.

"Joy, happiness, its hard to give when you yourself don't have it." bigkas ko at nakahinga ng maluwag ng saulo ko pa parin pala ang lines ko kahit papaano.

Leila, my character, portrays the girl who has everything except love. Just a typical highschool girl who craves for attention, and she's the bully or let's just say the bitchesa that everyone hates in every highschool love story but in this play, she's the main character.

I love the plot of this play though its all cliché and common. It shows the teenage problems that well, almost everyone of us is experiencing or maybe have experienced already.

Insecurities, betrayal, bullying, family problems, and the over used word, love.

It all sucks but we've got nothing to do but to experience it all, whether we like it or not.

"You don't know anything about me! so stop dictating me of what should I do or not to!" buong puso kong sigaw at dinuro duro ko pa si Blue para mas intense. Shet pwede na akong maging artista ne'to!

Tumalikod na ako, hinawakan ni Blue ang kamay ko at agad ko naman itong iwinakli.

Nakailang hakbang palang ako ay naapakan ko ang mahabang dress ko kaya nadapa ako. Shit! Wala sa script to!

Tumugtug ang hindi pamilyar na awitin na dapat aawitin ni Blue. E-exit na sana ako eh! Moment to ni Blue! huhuhu.

Naglahad ng kamay si Blue sa akin habang parang may binibigkas. Eh for all I know kung ano ano nalang lumalabas sa bibig nyan! Lip sync lang kaya ang mga kanta sa play na 'to.

Hindi ko tinanggap ang kamay ni Blue at yumuko nalang, umaktong umiiyak. Shet! Artistahin na talaga ako ne'to.

Biglang sumara ang malaking kurtina at agad akong tumayo. Kinalma ang sarili at pumunta na sa backstage dahil maghahanda na ang nasa next scene. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay agad akong nilapitan ni Dean.

"Leila! nice! Mygash! I didn't expect that ad-lib! are you okay? wala namang napuruhan right?" bungad niya sa akin pagkapasok ko palang. Umiling iling nalang ako, pertaining to the last question she asked.

"Okay nice! prepare for the next scene!" sigaw niya at pumalakpak pa bago ako iwan.

Agad naman akong nagbihis ng panibagong gown para sa next scene.

Everything runs smoothly, not until sa last scene.

Blue and I should meet in the middle of the stage with a lot of people dancing. Dahan dahan akong naglalakad habang nakatingin sa mga mata ni Blue.

"My lady" saad ni Blue nang magtagpo na kami.

"I'm sorry for-"

"Shhh" putol niya at inilapat ang hintuturo niya sa bibig ko para pigilan ako sa pagsasalita.

He cupped my face just like what's in the script. Unti-unti na itong lumalapit kaya pumikit na ako, pero agad din akong napamulat nang maramdaman ko ang mga labi ni Blue sa mga labi ko. Nanlalaki rin ang kanyang mata. The crowd cheered at napuno ito ng palakpakan. Sumara na ang malaking kurtina pero hindi parin kami gumagalaw ni Blue.

Parang nabalik ako sa katinuan nang magsalita si Dean sa harap namin.

"Ehem! tapos na po ang palabas at maaari ng maghiwalay ang inyong mga labi dahil lalabas pa tayo." umayos agad ako ng tayo. Yumuko dahil sa kahihiyan. Shit, naramdaman ko na ang unti-unting pag-init ng pisnge ko.

Nagline na muna kami at bumukas ang kurtina. Nagbow agad kami and for the last time narinig ko ang palakpakan nila.

"Ligaya ano kasi, yung mga sumasayaw kanina nasagi ako, kaya ayun" sabi ni Blue pagkalapit na pagkalapit niya sa akin. Nakabihis na ito ng simpleng white shirt at black shorts.

"Okay lang, wala yun" sabi ko nalang habang nagliligpit ng gamit.

"Sige mauna na ako" paalam ko nang matapos na ako sa pagliligpit pero siya nakatayo parin sa likod ko. Tumango lang siya kaya umalis na ako.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay tili agad ni Hazelle ang bumungad sa akin.

"Ate! totoong kiss yun diba?!" napairap nalang ako sa tanong niya.

"Oh? saan ka naman makakahanap ng friends lang pero naghahalikan?"

"May friends ba na nagkikiss?" tanong niya sa akin halatang nang-aasar lang. Hindi ko nalang siya pinansin at nauna ng maglakad.

"Saan sila mama at ang bubwit?"

"Ewan ko, umalis agad ako pagkatapos eh" sabi niya at nagkibit balikat.

"Che! Maganda naman ang anak ko!"

"Bakit? Gwapo din naman anak ko ah?!

Napalingon kami sa nagsisigawan di kalayuan.

Shit! si mama yun ah? tsaka yung mama ni Blue!

"Hala! kanina pa yan nagbabangayan ate! Mukhang mama ata ni Blue yan eh, nakatabi kasi namin." napakunot ang noo ko.

"Ma, tara na" sabi ko kay mama at hinila siya pero hinila ako ni mama at pinaharap sa mama ni Blue.

"Oh?! kita mo to?! Ang ganda diba?" napairap nalang ako sa sinabi ni mama.

"Ito ba ang mukha ng nanakit sa anak mo ha?!" napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Nanakit ako?!

"Oo! yan nga! akala mo naman sinong kagandahan para iyakan ng anak ko!" wait what?! anong nangyayari ba?!

"Ma! Anong nangyayari-" katulad ko ay hindi narin natapos ni Blue ang sinasabi niya dahil hinila din siya ng mama niya at pinaharap kay mama pero mas magkaharap kami ngayon. Nagtatanong ang mga mata niya na tinugunan ko lang ng kibit balikat dahil hindi ko rin alam ang nangyayari.

"Oh! diba?! ang gwapo naman ng anak ko para iyakan lang yang anak mo!" napapikit na ako dahil sa kahihiyan. Pinagkakaguluhan na kami dahil sa dami ng nakikiintriga.

"Bakit?! Maganda din naman siya ah! Diba Blue?! Hijo?!" sabi nanaman ni mama at talagang sinali pa si Blue.

Shit! they're acting like a child! nagpapagandahan ng mga laruan!

What an immature mothers!

----------------

💛

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon