Chapter 1

441 19 11
                                    


Unti-unti. 

Unti unti akong lumalayo sa kanya kasabay ng pagbagsak sa mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. 

2 years.

2 years ang sinayang ko para sa kanyang gago siya. 

Tapos sorry lang?! Wala man lang explanation? Tangina!

Nakakamatay mag-isip ng rason!

Baket?!!

Parang gusto kong tanungin sarili ko

Panget ba ako?

Kapalit palit ba ako?

Ay wag nalang pala hindi pala ako si Liza para magemote.

Pangit na nga lalo pang papangit.

"alam mo miss? buti nalang umuulan at hindi masyadong pansin ang mga luha mo"

"tangina" na lang ang nasagot ko sa paglingon ko. 

"oh! Easy! Easy! Makamura naman to ang lutong!" tapos parang naghands up siya na parang sumusuko. 

"sino ka ba?!" kainis.  Gusto kong mapag isa para malabas to tapos eepal siya.  Gago

"chill ka lang! Kito mo to?" tapos inangat niya sling niya taga Samonte Western University din siya? "oh diba? Pareho tayo ng school kaya makikisilong muna ako ha! Wala akong payong. Tsaka para hindi ka naman mukhang weird na umiiyak mag-isa kaya sasamahan kita--"

Naglakad na ako dahil green light na at hindi ko siya pinansin.  Wala akong pake kung taga SWU siya tangina niya estorbo. 

"hoyy! Hintay naman! Mababasa ako" binilisan ko ang paglalakad ko dahil malapit ng magred light pero naabutan niya parin ako.  Shit. 

*peepppp!!*

"TANGINA NAMAN EH!" tinulak ko siya agad. Nakng! Muntik na yun ha!

Heartbroken lang ako pero wala akong balak magpakamatay!

"sorry! Sorry.  Okay ka lang ba?" tapos chineck niya ang braso at balikat ko na iwinakli ko naman. 

Hindi kami close at lalong hindi ko siya kilala para hawak hawakan niya ako. 

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Shete nabitawan ko pala ang payong ko.  Tanginang lalaki kasi yun eh! Sino ba yun!

"miss! Sorry na!" hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.  Medyo nababasa na ako sa ginagawa ko parang gusto kong balikan ang payong ko ah.  Shete naman basang sisiw pa ata akong makakapasok sa SWU neto eh.

Bakit parang dumilin ata? Pero wala ng ulan? Pag angat ko ng tingin ay may payong na sa ulunan ko at ang payong ko ito!

Paglingon ko.  SIYA NANAMAN???

"peace na tayo miss"

Hindi ko parin siya pinansin hanggang sa makapasok na ako sa gate ng SWU.

"Miss! Payong mo oh! Thank you.  Tsaka I'm Blue" this time nilingon ko na talaga siya at naabutan ko siyang ngiting ngiti sa akin. Nyeta nakakatakot ang ngiti niya. Labas lahat ng ngipin! Tapos nawawala na yung mata!

Kinuha ko nalang ang payong ko at hindi pinansin ang pakikipagkilala niya. Pake ko sa kanya.

"arte neto! Don't worry miss. Hindi ko ipagkakalat na iyakin ka" napakunot ako at ready na sanang bulyawan siya pero naka alis na siya nung lumingon ako.

Waw? Ambilis ah?

----

Lablab guys mwah HAHAHA Soooo

Meet Blue and Ligayaaaaaa

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon