Chapter 15

80 11 0
                                    


"witwew! ganda natin ah?" nanliliit ang mata ko siyang nilapitan sabay batok.

isang batok para sa gagong halimaw.

"aray naman! ang gandang bungad naman nyan!" sabi niya habang hinihimas ang batok niya.

"ang kapal talaga ng mukha mo nuh?"

"Babe naman! ang iba pagnagdedate kiss o hug ang bungad eh ikaw batok? may pagkasad--- oo na! tatahimik na" babatokan ko na sana eh. buti nalang at tumahimik bunganga.

"anong pumasok sa kokote mo at inadd mo pamilya ko?" inis kong tanong sa kanya at paghindi ako nakakuha ng matinong sagot ay matatamaan talaga tong gagong to sa akin.

"eh di mo gusto yun? hehehe inuunahan na kita nilelegal ko na sarili ko habang hindi pa tayo" ngingisi ngisi niyang sabi sa akin.

tangina lang?

"pinagsasabi mo dyan? gusto mo batuk-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang walang hiya bigla nalang nilagyan ng lollipop ang bunganga ko.

tae! hindi man lang binalatan!

"shut up okay? today is my rules, my ways. o baka naman gusto mong magkapart two ang date nating to?" iniisip ko palang kinikilabutan na ako kaya mas pinili ko nalang na manahimik.

binalatan ko na ang lollipop na bigay niya. hmm masarap naman pero cheap! pangsukli lang to kela Aling Bebang eh!

sunod lang ako ng sunod sa kanya tae ang sakit na ng paa ko!

eh sino ba kasing maysabi na mag heels ka ng half inch? Handrheah Joy ha! pinapainit mo ulo ko.

tumigil muna ako sa paglalakad at bahagyang minasahe ko muna ang paa kong masakit.

"hoy saan ba kasi tayo papunta?" hindi ko na napigilan na magtanong para kasing wala kaming patutunguhan eh.

"shut up nga eh hahaha diba sabi ko my rules, my wa--" napatigil siya sa pagsasalita at mataman akong tinignan bumaba ang tingin niya sa paa kong minamasahe ko.

bahagya siyang malayo sa akin dahil tumigil nga ako kanina diba? lumapit siya sa akin at may nilabas sa bulsa niya.

kala ko kung ano na panyo lang pala.

"sorry wala kasi akong budget eh kaya lakad lang muna tayo. malapit na rin naman tayo eh" sabi niya habang pinupunasan ang mga butil ng pawis sa mukha ko.

tae? ang lakas ng loob magyaya ng date tapos wala palang pera?

napairap nalang ako sa inis. nagdress dress pa ako eh palalakarin lang rin naman pala ako sa gilid ng kalsada.

"oh ayan nanaman mga mata mo. Sorry na sinumbong kasi ako nung apat na mata mong prof eh kaya ayun! hindi ako binigyan ng allowance ni kumander ngayong week. eh sayang naman kasi kung hindi ko itutuloy ngayon. pumayag ka na kasi eh baka hindi ka na pumayag next time mag aya ako"

blinack mail mo kaya ako halimaw ka kaya napapayag mo ako dito sa pesteng date nato.

gusto ko sanang sabihin pero seryoso kasi mukha ng gago kaya pinili ko nalang manahimik.

bigla siyang tumalikod nagsquat sa harap ko kaya napakunot ang noo ko.

anong trip ng gunggung nato?

"halika na!" sabi niya sabay tapik sa likod niya.

"alam kong masakit na yang paa mo kaya bubuhatin nalang kita" ewan ko ba pero may something off sa ugali ng halimaw ngayon parang sinaniban ng mapagpanggap na demonyo.

"dali na nangangawit na ako dito" sabi niya ulit kaya wala na akong nagawa at sumampa na sa likod niya. ayoko ng maginarte dahil masakit na talaga ang paa ko.

nag aagawan na ang dilim at liwanag kaya hindi na masyadong kita ang mukha ng mga tao pero nakakahiya parin sa tuwing may madadaanan kaming tao kaya binaon ko nalang ang mukha ko sa leeg niya.

tae may halimaw ba na sobrang bango?

"ay sana all. ang sakit niyo sa mata ha! oo na! kayo na may masaganang lovelife!" hindi ko nakita ang mukha pero alam kong bakla ang nagsabi nito.

natatawa nalang ako. kung alam niyo lang pambayad utang ko lang to no haahahahhahaa. Ewan ko ba sa trip ng gagong to wala na atang magawa sa buhay.

naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako umimik siguro pagod nato HAHAHA sinadya ko kayang mas pabigatin sarili ko.

kung gago siya mas gago ako HAHAHA

"Chansing ka ring babae ka no? bumaba ka na ang bigat mong baboy ka" agad napa angat ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

sinadya kong lagyan ng lakas ang pagbaba sa kanya kaya muntik na niyang mahalikan ang guard na nagbabantay HAHAHAHA

buti nga. sa sexy kong to hampaslupa lang ang magsasabing baboy ako.

"waw! thank you! thank you!" naiinis niyang sabi sa akin matapos makabawi sa pagtulak ko.

nang aasar ko siyang nginitian "You're always welcome babe" natatawa kong tugon sa kanya, biglang nanlaki ang mata niya HAHAHAAHA.

tinignan ko ang paligid

gabi na at nakabukas na ang mga ilaw sa bahay bahay.

wala kami sa highway dahil madami akong punong nakikita at parang may umiilaw sa mga puno it must be fireflies. Ang gandang tignan.

Tinignan ko ang nasa harap ko may nakasabit na Restobar at umiilaw ilaw pa ito.

pano nagkaroon ng restobar sa ganito kapayapang lugar?

pumasok na siya kaya sumunod na din ako.

let's start the night and forget everything.

----------

pano ba yan? baka pwedeng kalimutan mo na rin inis mo kay Blue? HAHAHA

Lablab guyssss 🖤🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon