Chapter 14

93 11 0
                                    

Naniniwala ka ba sa Diyos?

Kung oo ay maganda at kung hindi naman ay wala tayong magagawa sa paniniwala mo.

Pero isa lang ang alam ko.

At iyon ay totoo siya at hindi siya tumitigil sa pakikipagkomunikasyon sa ating mga tao.

Siguro ay wala sa mga kakilala natin ang ginawang instrumento ng panginoon pero sinasabi ko sa inyo

TOTOO SIYA AT MALAPIT NA ANG KANYANG PAGBABALIK DITO SA MUNDONG ATING GINAGALAWAN

Napapansin niyo ba ang mga kalamidad na nangyayari sa mundong ito?

Iyon ay dahil ang panginoon natin ay hindi na nagagandahan sa mundong kanyang ginawa at nagsisimula na siyang gumalaw.

Tulungan natin ang mundo. Magdasal tayo para sa ikabubuti ng lahat at hindi lamang sa sarili mo. Huwag kang maging sakim dahil kailanman hindi naging sakim ang panginoon kanino man sa atin.

MAKINIG KAYO. MALAPIT NA. MALAPIT NA ANG NAKATAKDANG ARAW.

IHANDA NIYO ANG SARILI NIYO.

Bigla akog kinilabutan sa nabasa ko.

Hindi ako palasimbang tao pero alam ko sa sarili ko na naniniwala ako sa kanya at may takot ako sa kanya.

Sabihin na nating totoo ang nabasa ko.

Handa na ba ako?

"hoy! Anong iniisip mo?" naitagao ko agad ang phone na hawak ko at nilingon ang kung sino mang hinayupak ito.

"oh? Nakakunot nanaman noo mo? Magkawrinkles ka niyan" napairap nalang ako. Sino pa nga ba?

Edi si Bluemonster.

"alam mo? Okay na umaga ko eh. Pero nagpakita ka pa nasira tuloy" bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ko. Waw lang?

"alam mo? Ang harsh mo rin sa akin eh nuh? Gusto ko lang naman mapasa akin ka" natatawa niyang sabi na nagpakunot sa noo ko. Tapos bigla siyang kumanta

" Gusto kita na mapasakin, kahit na mali
Katabi ka ng matagal at di lang ngayong gabi" tapos bigla siyang nagdab. Waw? Feel na feel?

Pero in fairness ha! Maganda boses niya.

"natulala ka na don? Ang gwapo ko ba?" tapos nagpogi sign siya. Kainis yun na eh. Na appreciate ko na boses niya umepal pa talaga siya.

"ewan ko sayo gago mo talaga" inayos ko na ang gamit ko at tumayo na ako.

"hey! Yung sinabi ko ha! Ngayong Weekend maghihintay ako" napakunot ang noo ko.

Tae naalala ko nanaman. nakakadiri talaga

bahala siyang mamuti ang mata sa kahihintay.

kung meron lang talaga akong pera edi sana napakain ko na sa kanya ang pera ng buo ng hindi ako sinisingil ng date!

date niya mukha niya nakakadiri.



"ate? saan punta mo? bihis na bihis ka ata?" papaalis na ako sa bahay ng biglang magsalita ang tanga.

"meeting. okay lang ba suot ko?" tapos humarap ako sa kanya.

"hmm. para sa isang meeting? Hindi para ka kasing aattend ng date eh" natatawa niyang saad at may pa iling iling pang gesture. napakunot nalang ang noo ko at anong pinupunto ng tangang to?

"Hazelle ha ayusin mo ako" pagbabanta ko sa kanya. aakyat na sana ako para magbihis ng jeans at simpleng tshirt. ano ba kasing pumasok sa kokote ko at naisipan kong magdress?

"Hoy! saan punta mo?"

"magbibihis"

"Huwag! naghihintay na sayo si bayaw eh. kanina pa yun! maawa ka naman!" napatigil ako sa pag akyat.

pakshet? pano niya nalaman?

"hehehe inadd niya ako sa fb eh tsaka di lang ako pati si mama tsaka si papa" mas lalong napakunot ang noo ko.

lagot ka sa akin halimaw ka.

"ge alis na ako" nagmadali akong umalis, hindi nalang ako nagbihis kapagod may sisingilin pa ako ng utang sa kakapalan ng mukha eh.


---------

woopxx date or away? HAHAHAHAH lagot ka Blueeee

lablab guysss mwah 😍😍🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon