Hindi paman nagsisimula ay umalis na ako. Ramdam ko ang nga ang nagtataka nilang mga matang nakasunod sa akin pero wala na akong pake. Iniwan ko ang bubwit total nandon rin naman ang tatay niya eh.
"Ligaya! ano ba! teka lang!" rinig kong sigaw ni Blue na sumunod pala sa akin. Huminto ako at hinintay siyang makalapit sa akin. Hindi paman siya nakakapagsalita ay agad lumapat ang nanginginig kong mga kamay sa kanya.
"Alam mo diba? Alam mo?!" May diin kong tanong sa kanya. Yumuko lang siya at tahimik na dinadama ang panghahampas ko sa kanya.
Punyeta! wala na ba talagang matinong lalaki?!
Paalis na sana ako ng may maalala ako. Na sana pala ay hindi ko nalang tinanong.
"Yung sinabi ni Bebang. Totoo yun diba?" nanginginig ang boses kong tanong. Ang hirap palang itanong ang bagay na alam mo na ang sagot. "Laro lang para sayo ang lahat ng 'to diba?" pagpapatuloy ko.
"Diba?!" puno na ng luha kong tanong sa kanya. Mas lalong nagsilabasan ang traydor kong luha nang wala man lang akong nakuhang sagot sa kanya. Walang pagsang ayon o di kaya ay pagtutul man lang.
"Blue ano ba! Kailangan ko ng sagot!" alam kong sumisigaw na ako sa gitna ng daan pero wala na akong pake.
"It's not what you think it is" nakayuko niyang sabi na halos pabulong.
"Hindi yan ang tanong ko Blue. Simpleng oo o hindi ang sagot sa tanong ko."
"Ligaya believe me I-its not--"
"OO O HINDI BLUE!" buong tapang at lakas kong tanong sa kanya. Naramdaman ko ang mga matang napapatingin sa amin pero sa ngayon hindi muna yan ang iisipin ko.
Tumalikod na ako ng hindi siya nagsalita. Silence means yes diba?
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng buo sa bahay basta pagkadating na pagkadating ko ay nandoon na ang butihin kong ama na parang wala lang nangyari.
Ang kapal rin naman ng mukha.
Tinanong ako ni mama kung anong nangyari pero nanatili akong tahimik at sinabing may nakakaiyak lang na palabas akong pinanood tahimik akong nagpasalamat nang hindi na sila nagtanong pa. Ramdam ko ang tingin ng walanghiyang tatay namin na binalewala ko lang. Pasamat siya at sobrang mahal siya ni mama.
Halos isang linggo ko ring iniwasan si Blue. Laking pasasalamat ko at wala kaming subject na magkaklase at halos magkasalungat ang schedule namin.
Madami paring tanong sa isip ko ang hindi nasasagot. Kung bakit nagawang ilihim ni Blue ang tungkol sa ama ko at sa nanay niya. Kung ba-bakit niya ako nagawang paglaruan.
Hindi pa klaro ang lahat dahil sobrang labo! Ang labo lang! Kung kilala na ni Blue si papa noon bakit hindi niya sinabi sa akin ang kagagohan ni papa? Bakit niya kinonsinte? Ang nanay niya alam ba niya na may pamilya ang lalaking yun?
Ba-bakit? AHH!
Malapit na akong masiraan ng bait kakaisip!
"Hindi parin ba kayo okay ni Blue?" tanong ni mama isang gabi nang dinalaw niya ako sa kwarto. Ang alam ni mama ay may hindi pagkakaunawaan lang kami ni Blue at hindi ko na iyon idinetalye pa pati ang tungkol kay papa ay hindi ko na rin sinabi pa. Para saan pa? para makita kong umiiyak nanaman si mama? edi mas lalong bumigat ang dinadala ko.
Tumango lang ako at ngumiti. Mag-iisang linggo na nung nagsimula ang semestral break namin at hindi ko nga alam kung paano ko nasurvive ang hell week. Ang importante ay tapos na.
"Si Blue nasa labas nanaman, baka gusto mong kausapin na?" nandito nanaman pala siya. Kada gabi siyang pumupunta sa amin pero hindi ko siya nilalabas. Hindi ko alam kung paano siya harapin eh.
"Ma-matutulog na po ako" sabi ko nalang kay mama at kinumutan na ang sarili ko. "Pauwiin niyo na po siya. Mukhang uulan po ngayon baka lagnatin siya." wala sa sarili kong sabi kay mama nang akmang tatayo na siya. Nginitian lang ako ni mama tsaka tumango.
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang eksena ang kinaibahan lang walang ibang tao sa bahay kundi ako lang. Parang plinano.
Pumunta ako sa kusina para kumain. pagkasi nandito si mama pinadalhan lang ako ng pagkain sa kwarto eh pero ngayon wala kaya eto ako bumababa.
Sinigurado kong nakalock ang pinto dahil alam ko ano mang oras ay dadating na si Blue. Ang sabi nila mama baka mga around 11 na daw sila makauwi kaya matutulog nalang ako at magpapa alarm nalang mamaya.
Pumanhik na ako sa kwarto ng marinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan.
"L-Ligaya" saad ng boses na alam ko galing kay Blue. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagakyat sa hagdan.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog agad siguro sa kakapanoud ng KDrama at kaiiyak na rin. Ang sakit kasi namatay ang paborito kong character sa pinapanuod ko.
Around 9PM nang magising ako dahil naiihi ako nang marinig ko ang medyo malakas na patak ng ulan at ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi ko pala nasara ang bintana kanina. Isasara ko na sana ang bintana nang mahagip ng paningin ko si Blue.
Shit. Hindi pa ba siya umaalis?! Gusto niya ba talagang masakit? Nyeta kargo de konsensya ko pa siya pagnagkataon!
Dali dali akong bumaba at kumuha ng payong. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Ang ginaw.
Naabutan ko siyang nakayuko lang habang nakasandal sa motor ni papa. Nakapamulsa pa ito na parang wala lang sa kanya ang ulan. Waw at nagfifeeling drama king pa siya ah.
Lumapit ako at bahagyang inangat ang kamay ko para mapayongan siya. Napatingin naman siya sa akin at para bang nabuhayan siya at umaliwalas ang mukha niya nang makita ako. Hinila ko nalang siya at pumasok kami sa loob ng bahay. Galit lang ako pero ayaw ko paring nagkakasakit siya.
"Magbihis ka. Magpatuyo ka" Sabi ko sa kanya pagkabigay na pagkabigay ko sa kanya ng tuwalya at mga pambahay na damit ni papa.
"L-Ligaya" akma siyang lalapit sa akin pero umatras ako at tinaasan siya ng kilay.
"Basa ka. Gusto mo bang magkasakit ako?"
"S-sorry" bigo niyang saad at Nakayukong tumungo sa cr.
Hindi ako mapakali habang hinihintay siya na lumabas sa cr. Mas lalo akong nataranta ng tumawag sila mama na baka sa hotel nalang daw sila magpalipas ng gabi dahil mas lalong lumakas ang ulan.
I unconsciously tapped my feet on the ground, repeatedly.
Gusto ko na siyang yakapin ng sobrang higpit dahil aminin ko man o hindi namimiss ko na siya. Miss na miss ko na siya pero mas nananaig sa akin ang galit at sakit.
"Kapag hindi parin tumila ang ulan dito ka nalang magpalipas ng gabi dahil bahain ang kabilang bayan baka mahirapan kang makauwi" bungad ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya ng CR. Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ng magsalita siya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" sinasabi niya yan habang nagpapatuyo ng buhok at nyeta nagmukha siyang model sa ayos na yun. Tinipon ko ang lahat ng lakas ko para lang huwag maakit sa kaya dahil baka hindi ko mapigilan at magtatakbo ako papunta sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit.
"Nag-uusap na naman tayo tsaka kung gusto mo nang matulog dun ka nalang sa kwarto nung bubwit matulog. Mauuna na ako dahil inaantok na ako" tumalikod na ako at nagsimulang humakbang pero hindi paman din ako nakakakalahati ay bigla niya akong niyakap mula sa likod. Natigilan ako, ramdam ko ang init niya galing sa likod ko.
"B-blue" ang higpit. Sobrang higpit ng yakap niya na hindi kaya ng lakas ko na kalasin ang yakap niya.
"Ligaya please hear me out. Oo nung una balak kong paglaruan ka. Ni hindi man lang sumagi sa isip kong seryusoin ka---" hindi ko na siya pinatapos at pinagsasampal siya. Ang sakit pala pag sa kanya na mismo nanggaling.
"Ang kapal rin naman ng mukha mo" puno na ng luha ang mata ko at sobrang hirap ng magsalita dahil hindi lang puso ang masakit sa akin kundi lalamunan ko rin pero nagawa ko paring isatinig ang katagang hindi ko alam na sobrang hirap pala eh dati ang dali lang sabihin to sa mga kafling ko eh.
"Tapusin na natin to"
----------------
💛
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
Fiksi UmumPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...