"HAHAHA wait HAHAHAHA" nandito ako sa library ngayon at kasalukuyang nagrereview dahil may long quiz kami mamaya."hahaha you sure you cried for that-- wait guy? Hahahaha" napairap nalang ako. Kanina pa siya tawa ng tawa sa akin dahil sa nangyari kanina.
"bakit mo ba ako sinundan dito?" inis kong tanong sa kanya.
Partida ha! Nandito ako para magreview pero nyeta! 30 minutes na akong nakaupo dito pero hindi ko pa natatapos basahin ang first paragraph!
"vacant" natatawa niya paring sagot sa akin with matching pahid pa ng luha.
Waw?naiyak?
"tsk." niligpit ko na ang mga gamit ko at umalis na.
"hey! Wait!"
"SHH! QUITE!!" sita sa kanya ng librarian namin.
"hey mo mukha mo. Buti nga" mahinang bulong ko at mas lalo pang binilisana ang paglalakad.
Pupunta na lang ako sa likod ng library mas tahimik pa dun.
"I love you" napatigil ako sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses na yun.
'Huwag Rheah... Huwag mong ituloy' sita ko sa sarili ko pero nagpatuloy parin ito sa paglalakad.
"hahaha bolero ka talaga babe!" unti-unti nanamang nagsituluan ang mga maiinit na likido na lumalabas sa mga mata ko. Peste.
Sabi ko naman kasi sayo HANDREAH JOY EH! HUWAG NG TUMULOY! TUMULOY KA PA RIN!
Ayan! Umiiyak iyak ka ngayon.
Peste lang kasi eh. DINALA NIYA PA SA SECRET PLACE NAMIN GINAMIT NIYA PA CALLSIGN NAMIN!
Tanginang I love you yun. Mabulunan sana kayo! Mataehan sana kayo ng mga ibon!
tumalikod na ako habang pinupunasan ko ang mga pesteng luha na walang tigil sa pag agos.
may patak ng tubig na nahulog....
Na sinundan ng isa.. Dalawa.. Tatlo..
Mas lalong lumakas nag hikbi ko habang tumatakbo sa kung saan para magpasilong.
Umuulam nanaman.. Lagi nalang..
Dinadamayan mo ba ako o mas lalo mo lang pinaparamdam sa akin na wala na talaga siya?
"payong miss. Para hindi ka magkasakit" napatigil ako sa pagtakbo at nilingon ang taong nagsalita.
Siya nanaman. Ano nga pangalan niya? Blue?
Ang kaninang nakangiting mukha niya ay napalitan ng pag aalala.
"umiiyak ka na naman"
"wala kang pake" at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Wala na akong pake kung mabasa man ako.
PERO MAY PAKE AKO KUNG MABASA ANG MGA LIBRO AT NOTES KO! MAHAL KASI YUN! AT PINAGHIRAPAN KONG KOPYAHIN ANG MGA WALANG KWENTANG NOTES NA YUN!
"hoy mababasa ka!" nilingon ko siya at tinanggal ang bag ko sabay tapon sa kanya. Buti nalang nasalo niya kundi masasapak ko talaga siya.
"para mag silbi ka" at tumakbo na ako papunta sa may abandonadong building. Pagkarating na pagkarating ko ay basang sisiw na ako.
Okay lang may 2 hours pa naman ako para magpatuyo eh.
Niyakap ko ang sarili ko dahil giniginaw na ako.
Maya maya lang ay nakarating na siya. Mas lalong lumakas ang ulan.
"Alam mo? Hindi mo naman ako PA para pagdalhin mo netong bag mo eh" inirapan ko lang siya. Tsk. Para may silbi siya.
"alam mo? Hindi ko pa alam pangalan mo. Ano pala pangalan mo?" hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa abandonadong building. Medyo madilim na sa loob kasi umuulan pero hindi naman siya nakakatakot.
Ang sabi kasi eh.. Binenta na daw ang lupa dito dahil gagawin daw na mall.
Ewan ko bakit hindi pa siya nasisimulan hanggang ngayon.
"may pagkapipi ka talaga. Oh! Bag mo" ibinigay niya sa akin anh bag ko na parang may pagkadisgusto dahil padarang niyang binigay ito. Inirapan ko nalang siya.
Inilagay ko muna sa sirang silya ang bag ko dahil basa nga ako diba?
"bakit ka nga pala umiiyak kanina?"
"bakit walang tigil sa pagkuda yang bunganga mo?" bigla siyang nagpout sa akin. Na kinakunot ko naman ng noo. Lalaki ba talaga to?
"bakit kasi ayaw mong sagutin mga tanong ko?"
"bakit kasi ayaw mong tumigil sa kakasalita? Para kang bibe sa pagputak eh. Walang tigil" inis kong sabi sa kanya.
"hey! Ang pogi ko kayang bibe. Ano? Gusto mo maging bibe ko?"
-------
Lablab peopleeeee HAHAHAHAHA 🖤🖤🖤
BINABASA MO ANG
Blinded by Love (Completed)
General FictionPeople nowadays are so obsessed with love At hindi ko maitatanging isa na ako dun. We tend to believe that what we feel are right but the truth is.. No it is not right. Nabubulag lang tayo sa pag ibig kung kaya nabubulag rin tayo sa katotohanan a...