End.

93 8 8
                                    

Unexpected things really do happen.

The least you expect it, the more it has chances to happen.

Just like what happened to our family.

Who would have thought that two most unlike family could actually be friends?

"Shhhh, Baby Kiaaa what's wrong?" tanong ko sa sanggol na hawak ko kahit na alam ko namang hindi ito sasagot.

"Are you hungry? or your diaper is wet?" chineck ko ang diaper niya pero hindi naman ito basa kaya inalu ko nalang ito at sinayaw sayaw para tumahan sa pag-iyak.

"Shh baby, tahan naaa" I sang some lullaby to calm her down kasi lumalakas ang pag iyak niya. Parang gusto ko na ring umiyak. Pano ba kasi magpatahan ng sanggol?

"Hala! anong ginawa mo? Akin na si Baby Kia!" nag-aalalang tanong ni Blue nang makita ang itsura namin at dagdagan pa ng malakas na iyak ni Baby Kia.

"Eh, binilin kasi siya ni ate Angel sa akin. Inaasikaso niya ang mga bisita sa labas. Okay naman kami eh, tapos bigla nalang siyang umiyak." parang bata akong nagpapaliwanag kay Blue. Natatakot pagalitan.

Sinayaw sayaw niya yun at pinainom ng gatas. Tumahan naman ito agad at di kalaunan ay nakatulog na ito. Nakasimangot kong nilakihan ang bukana ng duyan ni Baby Kia.  Unfair ka baby ha.

"Pwede na!" pang-aasar ko sa kanya at nagthumbs up pa. Napakunot naman ang noo niya na kinatawa ko.

"Pwede ng maging tatay oh!" sabi ko nang marahan niyang inalog alog ang duyan ni Baby Kia para mas maganda ang tulog nito.

"Bakit? pwede ka na bang magbuntis nang maging tatay na ako?" walang pakundangan niyang sabi sa akin at tinaas pa ang isang kilay, halatang nang aasar lang. Pinitik ko nga ang ilong nang matigil.

"Kumain ka na?" tanong niya sa akin at umakbay. Umiling ako dahil pagkarating palang namin galing sa simbahan ay pinahawak na agad sa akin ni Ate Angel si Baby Kia.

Hindi parin ako makapaniwala how our family become this close. Tuwing naaalala ko kasi ay natatawa talaga ako.

"Bakit?! Maganda din naman siya ah! Diba Blue?! Hijo?!" sabi nanaman ni mama at talagang sinali pa si Blue.

Nahihiya itong tumango kaya piningot ng nanay niya ang tainga neto. Bumalik nanaman sila sa pagbabangayan at nakaabot ito kay Dean.

"Anong nangyayari dito?! to my office now!" napapikit ako sa kahihiyan. Jusq.

Mga nanay namin na guidance!

"Mrs. Dominguez please calm down and you too, Mrs. Mondigo" sita sa kanila ni Dean na ngayon ay nasa kanyang mesa, habang ang mga nanay namin ay nakaupo sa dalawang upuan sa harap ni Dean na ngayon ay nag-iirapan na. Kapwa nakatayo lang kami ni Blue sa likod ng dalawa.

"Okay so what's the problem?" panimula ni Dean.

"Sinaktan ng anak niya ang anak ko!" magkasabay nilang sabi at tinuro pa ang isa't isa. Napahawak nalang ako sa sintinido. Sumasakit ulo ko sa kanila.

Tumaas ang kilay ni Dean at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Blue.

Wala ng nagawa si Dean kundi pauwiin na ang dalawang isip bata naming mga nanay. Kinausap muna kami ni Dean tungkol sa celebration sa activity at tungkol narin sa nangyari at naging okay naman ito. Akala ko magsasabunutan na sila sa oras na lumabas sila sa office ni Dean pero iba ang naabutan ko.

Silang dalawa, nagtatawanan at maypa apir apir pang nalalaman. May tinitignan sila sa cellphone ni Mama na pinagtatawanan nila tinuturo turo pa nila ito.

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon