Introduction

349 25 6
                                    

"Hi, ako si Silver Della Valle. Isa akong mafia boss...

dati...

kaso napikot ako."

"Hoy! Anong napikot?" Hinila niya ang tenga ko.

Mapanakit talaga!

"Aray naman Chief! Masakit!"

Binitiwan ng mahal kong asawa ang precious ears ko.

"Hindi niya ako pinikot, pinagbantaan lang naman niya ako at ng pamilya niya na puro sundalo at pulis."

Lumipad ang kamay niya patungo sa likod ng ulo ko. "Ayusin mo! Nagiging sadista ang labas ko dito!"

Minsan napapangiwi na lang ako sa pananakit niya, battered husband ako sa nakikita niyo.

"Siya ang nangligaw sa akin sa loob ng apat na taon."

Tiningnan ako ng masama ng misis ko.

"Sinubukan ko siya hulihin dahil sa mga krimen niya at hindi ako ang nangligaw sa kanya. Ako si Archer Alcantara, isa akong pulis at malapit ko na posasan ang lalaki na si Silver Della Valle."

"Uyy, let's play a role ba yan Chief habang nag-aano?"

"Nag-aano?"

"Yung ano." Nakangisi kong tanong.

Nanglaki ang mata niya, "Huhulihin kita at kakasuhan ng Libel! Sinisiraan mo ko sa mga tao Mr. Della Valle.".

"T-teka lang naman Chief, gagahasain na muna kita tutal naman ikukulong mo na din ako." Kinindatan ko siya.

"SILVER DELLA VALLE!" Sabay walk-out ang misis ko.

Oops! Namula sa galit si Chief.

"Ito kasi talaga yun, naging misyon niya sa buhay na arestuhin ako. Hindi namin namalayan na sa pagitan ng mga engkwentro namin, unti unti kaming nahuhulog sa isa't isa. Sa bawat pagkikita namin, napapalapit na pala ang mga puso namin. Gusto niyo ba malaman kung paano nagtagpo ang magkaibang mundo namin?

Eh di basahin niyo!

Susundan ko muna si Archer kasi baka ipatawag nanaman niya ang buong sandatahang lakas ng Pilipinas para lang makaganti sakin. Mahirap na."

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-
Author's Note:

Hello! Ako pala si MarvelousMischief, isang manunulat. Sa ngayon, this story is still on-going. I hope na magustuhan niyo ang story ko na ito. Sana suportahan niyo si Silver at Archer.

Thank you!

The photo is not mine!

Silver and Archer are on the media!

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon