Chapter 11

68 13 0
                                    

<Silver Della Valle>

It has been a full week since I last saw a glimpse of her beautiful chocolate brown eyes.

I know she was offended na tinanggihan ko ang tulong niya because of Rinkhals, delikado ang grupo na iyon. Sa sobrang delikado, they killed my mom 2 years ago.

Concerned lang ako sa safety niya at ng family niya, I did not want to offend her. Sa dinami dami ng transaction ko, hindi man lang siya nagpakita ni isang beses. Lahat ng illegal na pagbebenta ko ng armas ay puro success at walang aberya.

Hindi ko man lang siya naramdaman o nakita sa mga lugar kung saan naganap ang mga bentahan.

I honestly missed running away from her.

"Boss, lalim ng iniisip ah?" Nangingiting bati ni Rainier pagdating ko sa opisina.

Nag-aalangan ako tanungin siya dahil aasarin lang ako nito.

Sa totoo lang, kasalanan niya naman kung bakit kami nagkita nung babae na yun. Kasalanan niya kung bakit napadalas ang enkwentro namin.

I blame him that I fell in love with Archer.

Wait, HINDI! JOKE LANG YUN! ERASE! ERASE!

Hindi ko na ba mababawi yung sinabi ko?

"Any word about Archer Alcantara?" Hala, may sariling utak yung bibig ko. Nangunguna pa.

Nginisian niya ako. Sabi ko na nga ba eh, mang-aasar nanaman.

"Boss Silver, hindi mo man aminin sa sarili mo nakikita ng mga taong nakapaligid sayo na may nararamdaman ka para kay Archer."

Wala!

Hindi pwede!

Gago ka ba? Mafia boss ako tapos Pulis siya, paano mangyayari yun?

Pero napaisip ako, aminado naman ako na hindi ko siya nakalimutan sa unang beses na nagkita kami sa bar kung saan akala ko siya na yung babae para sakin.

Bigla ako naging psychic noon at parang nakita ko ang kinabukasan ko kasama siya. Nabura lahat ng pangarap ko nung nagpakilala siyang pulis.

Ever since sinubukan ko siyang alisin sa isip ko, ngunit nasundan iyon sa banyo ng The Peninsula Manila. Lalo lang ako humanga sa determinasyon niya.

Alam ko na mahal niya ang ginagawa niya at pursigido siya na hulihin ako. Kaya hindi rin naman siguro malayo na makipagtulungan siya sa Dela Vega.

Biglang nagreplay sa utak ko ang sinabi niya.

"Hindi ako ganung klaseng pulis Silver. Sa dami ng engkwentro natin, malamang patay ka na kung ganoon ako."

"Hindi ako ganung klaseng pulis Silver. Sa dami ng engkwentro natin, malamang patay ka na kung ganoon ako."

"Hindi ako ganung klaseng pulis Silver. Sa dami ng engkwentro natin, malamang patay ka na kung ganoon ako."

I admit, I was a little hurt nung malaman ko na gusto niya ako tulungan bilang tungkulin niya ito at hindi dahil sa concerned siya sa akin at sa pamilya ko.

"Master? Nakikinig ka ba sakin?" Natatawang tanong ni Rainier.

Tumingin lamang ako sa kanya.

"Ang sabi ko, nakita ko si Archer, may kasamang lalaki. Mukhang close na close sila." Iniabot niya sakin ang mga litrato ng kuha ni Archer kasama ang isang lalaki.

Kumunot ang noo ko, at nagsimula ako pagtawanan ni Rainier.

Wadapak! Sino itong baluga na ito? Bakit kung makadikit siya kay Archer wagas? Ito namang babae na ito hindi man lang lumayo kahit konti!

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon