Chapter 4

84 18 0
                                    

<Silver Della Valle>

Inayos ko ang suit ko at nagsuksok ng baril sa nakatagong gun holster. Nagbaon na rin ako ng ilang kutsilyo, at burner phone kung sakali magkaroon ng aberya.

Narinig ko ang mahinang pagkatok ni Rainier, "Boss, nakahanda na ang sasakyan at kargamento."

Binuksan ko ang pinto at nagsimula na kami bumaba patungo sa sasakyan na gagamitin namin ngayon araw na ito.

Nakahinto sa tapat ng mansyon ang isang 2019 Lexus LC500h. Isa sa mamahaling koleksyon ko ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim, ano nanaman kaya ang mangyayari sa transakyon na ito?

Nandoon din kaya at nag-aabang si Senior Inspector Archer Alcantara? Alam na kaya niya ang magaganap na palitan ng pera at armas?

I shook my head at that thought. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng The Peninsula Manila.

I took in it's grandiose stature, it's elegance screaming wealth. Napakaganda at nababagay sa makapangyarihan ang Greek motif na makikita mo sa pillars at structure nito.

This is actually my second time here.

Napaiking ako habang naaalala ang unang beses ko sa lugar na ito.

Flashback

Natapos ang isang napakahalagang transaksyon, may nakapagtip sa akin na nandito raw si Archer at nagmamanman.

Maswerte ako na mukhang nagbago ang isip niya kaya hindi pumalpak ang plano ko. Sumuko na kaya siya?

Napailing ako sa naisip ko, imposibleng sumuko siya.

Bago ako umalis, napagdesisyunan ko na kahit papaano maligo muna bago umalis. Umakyat ako sa elevator papunta sa hotel suite ko.

May nararamdaman akong kakaiba ngunit isinantabi ko iyon, nagsimula ako maghubad. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower, just a quick hot bath to relax.

I took in the hot water splashing my skin, feeling my muscles loose. Feeling relaxed, I closed my eyes.

Again, bumalik ang nararamdaman ko na para bang may nagmamatiyag sa akin.

Paano naman mangyayari iyon, nasa loob ako ng isang banyo at wala namang bintana?

Nag-angat ako ng tingin sa kisame, laking gulat ko ng makita ang mahabang buhok na nakalabas sa ventilation.

Napasigaw ako sa takot, "May multo!"

"Huli ka Silver Della Valle! This time may ebidensya na ako na nandito ka habang may naganap na illegal na transaksyon dito!" Tumingin siya sakin at may hawak na posas.

Si Posas Girl!

Nababaliw na siya!

Namalayan niya na nakahubad ako at sumigaw siya, "Bastos!"

Namula siya at tinakpan niya ang mata niya.

"Ako pa ang bastos?! Naliligo ako ng tahimik dito, naninilip ka?!" Dali-dali ko kinuha ang towel para takpan ang natatanging importante sa mga kalalakihan.

Sumilip siya at ng makita niya na nakatapis na ang pagkalalaki ko, "Bababa ako, wag ka tatakbo, huhulihin kita!"

Nanlaki ang mata ko, seryoso ba siya? Mabilis ako tumakbo palabas ng banyo at isinara ang pinto. Binitbit ko ang lahat ng importante at tumakbo palabas ng hotel room.

Baliw ang babae na yun!

End of Flashback

Hindi mabura sa mukha ko ang ngiti, at hindi ko namalayan na nandirito na pala kami sa hotel lounge kung saan kami magkikita ni Themis.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon