Chapter 10

76 14 2
                                    

<Archer Alcantara>

"Oh bakit ka malungkot?" Tanong ni Kuya Burn sakin.

Nginitian ko lamang siya habang nakatingin sa wallet ko. Napapabuntong hininga na lamang ako sa bigat na nararamdaman ko.

Lumapit siya sa akin at tumabi, "Namimiss mo ba?"

Tumango ako sa kanya at hindi ko inaalis ang mga mata ko sa bagay na tinitignan ko. Nalulungkot talaga ako.

"Bakit di mo kausapin?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko, at nag-isip ng mabuti.

"Nagsasalita ba ang pera kuya?"

"Pera? Akala ko pa naman, si Lucas Santillan na ang tinutukoy mo!"

Bakit napasok ang dating partner at buddy buddy ko sa Police Academy?

Ang layo din ng lipad ng utak ni kuya Burn, sa tingin niya ba nandito si Lucas sa pitaka ko? Paano siya magkakasya dito? May kapangyarihan ba siya gaya ng kay Antman?

"Matagal na kami hindi nag-uusap ni Lucas simula ng i-reject ko siya." Sagot ko at ngumuso.

"Naks, ganda ka 'te?" Singit ni ate Clarisse.

"Syempre naman, Alcantara yan kaya maganda yan!" Pagmamalaki ni kuya Delta.

"Eh bakit siya yung nangliligaw kay Silver Della Valle?" tanong ni Ate Clarisse.

Hoy! Anong nililigawan ko yun?

"Hindi ko siya nililigawan, inaaresto ko siya!" Protesta ko.

"Sige, bakit apat na taon na hindi mo pa rin siya mahuli huli? Pero yung ibang bagong assignment mo, wala pang isang linggo nasa kulungan na?" Tanong ni kuya Burn.

"At kahit ilang beses pa siya nanlaban sayo, hindi mo siya binabaril which is SOP sa atin." Pagtutuloy ni Kuya Delta.

Pati ba naman ikaw kuya Delta? Bakit ako painagkakaisahan ng mga kapatid ko?

"Gusto ko siya makulong para pagdusahan ang mga krimen niya, wala akong balak patayin siya. Apat na taon na dahil-" Teka, wala akong maisip na dahilan.

"Oh kitams, walang dahilan. Baka naman kasi iba ang nakatadhana sa inyo? Baka naman imbes na magkaaway eh magkakampi dapat kayo?" Natutuwang sagot ni Kuya Clarence na akala mo nakadiscover ng gamot sa sakit na CoVid-19.

"Kuya Clarence naman, pinapak mo nanaman ba yung mga gamot? Baka naman nagshashabu ka na?" Iritableng sagot ko sa kanya. Nalukot naman ang mukha niya sa itinawag ko sa kanya.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya chineck ko ito.

Text galing kay Rainier Acosta, yung informant ko. Natatandaan niyo? Pinahanap ko kasi si Silver para makausap ko siya tungkol kay Jonas.

Magaling kumuha ng impormasyon si Rainier tungkol kay Silver Della Valle, akala mo talaga kilalang kilala niya.

"Chief! Naispotan ko si Silver Della Valle sa Marriott Manila Hotel. Pinahahanap mo siya hindi ba?"

Napangiti ako, isa nanamang hotel. We always have encounters sa mga sikat na hotel sa Manila, they are not those kinds of creepy gangsters and mafia na nasa abandonadong gusali. They have class and respect over world domination, ganun sila ka-passionate sa crimes nila.

Flashback

I went undercover as a waitress sa Sofitel kung nasaan si Silver Della Valle, may iba pa ba akong sinusundan palagi?

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon